-
Sa pagkaka-alala ni Chariz Solomon, hindi siya breastfed baby o di kaya saglit lang siyang napadede, siguro “for a week sabi no’ng nanay ko.” Kaya lumaki siyang walang kaalam-alam sa breastfeeding.
Nagbago ang pananaw ni Chariz dahil sa kapwa niya GMA-7 homegrown talent at “one of my best friends in the industy” na si LJ Reyes. Pareho silang produkto ng StarStruck talent search ng Kapuso network. Batch 2 si LJ at Batch 4 naman si Chariz.
Kuwento ni Chariz sa SmartParenting.com.ph, na nagsimula ang lahat nang kababalik pa lang ni LJ mula sa United States, kung saan nito ipinanganak ang panganay na si Aki noong 2010. Sumabak daw kaagad si LJ sa trabaho, at nagkakasabay sila sa taping.
Lahad ni Chariz, “Si LJ nakikita ko talaga nagbe-breastfeed. Lagi kaming magkasama, nagbe-breastfeed talaga siya. Breastfeed, breastfeed, breastfeed. So that’s when I realized na, ‘Oo nga pala, may breastfeeding mom.'”
Sa mga panahong iyon sinabi ni Chariz sa sarili na, “Ah! Kapag nagka-baby din ako, ganyan din gagawin ko Lourna. Magbe-breastfeed din ako.” Lourna Jane ang ibig sabihin ng pangalan ni LJ.
ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOWDeklara ni Chariz, “So that’s when I started dreaming about breastfeeding, it was because of LJ Reyes talaga.” (Basahin dito ang breastfeeding story ni Chariz.)
Kaya nang manganak si Chariz noong 2013, laking pasalamat niya na mapadede ang panganay na si Apollo. Nagtuloy iyon sa kanyang ikalawang anak na si Ali hanggang sa bunsong si Andreas, na 1 year old sa September 30, 2021.
Bukod sa kanyang mga anak, maraming mga bata ang nakinabang sa kanyang breast milk. Naging panata na kasi ni Chariz ang pagbibigay ng donasyong gatas. Isa sa mga nabigyan niya ang kaibigan niya ring si Ryza Cenon dahil hindi sapat ang sariling breast milk nito.
May mga payo si Chariz para sa buntis na desidido sa breastfeeding. Aniya, makakatulong na ikondisyon ang isipan na kayanin ang breastfeeding at ipagdasal na tuluyan itong maganap. Isa pa raw ang pagdalo sa breastfeeding seminar, na online na ngayon.
Paalala naman ni Chariz sa mga hirap sa breastfeeding na huwag masyadong idiin ang sarili dahil hindi naman iyan ang sukatan ng pagiging mabuting ina. Ang mahalaga raw ay unahin ang pangangailangan ni baby. May mahihingan daw na donasyon ng breast milk at may rekomendasyon ang doktor na formula milk.
CONTINUE READING BELOWRecommended VideosSabi nga niya, “Don’t feel bad…You want the best for your baby and for yourself, and you need your sanity. Hindi puwedeng mabaliw ka kasi ‘yung anak mo, paano? E you are the best caregiver for your baby and he needs you the most.
“So gano’n lang, huwag kang mag-ano…don’t feel so small if you cannot give your child breast milk. But do your best. Do your best, give your best, you know, and God will do the rest.”
Basahin dito para sa iba pang breastfeeding tips.
Sabi Ni Chariz Solomon, Si LJ Reyes Ang Nag-Inspire Sa Kanya Mag-Breastfeeding
Source: Progress Pinas
0 Comments