Ibinahagi Ni Miriam Quiambao Kung Paano Nalalampasan Ang ‘Super Painful’ Na Mastitis

  • Walang kiyemeng ibinahagi kamakailan ni Miriam Quiambao ang litrato niyang umiiyak sa sakit na hatid ng breastfeeding sa kanyang baby na si Ziki. Nitong July  12, 2021 siya nanganak sa ikalawang pagkakataon sa pamamagitan muli ng Cesarean section delivery (basahin dito).

    Nagkuwento ang beauty queen-turned-actress at ngayon inspirational speaker sa caption ng kanyang Instagram post. Aniya, nakakaranas siya ng mastitis, at nang kunan ang litrato, pinapadede niya ang sanggol sa apektadong suso para lumuwag ang bara at dumaloy ang gatas.

    Lahad pa ni Miriam na noong hapon ding iyon, nasiko naman siya nang hindi sinasadya ng isa pa niyang anak na si Elijah, 2 years old. Naglambing daw kasi ang bata kaya sumiksik sa kanyang dibdib, at aksidenteng natamaan ang kumikirot niyang suso.

    Kaya kinagabihan, “engorged, warm, sore, and tender” na ang mga suso ni Miriam. Nilagnat rin siya bandang 9 p.m. Kaya nag-text na siya sa kanyang ob-gyn na si Dr. Becky Singson para humingi ng payo.

    ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW

    Ang sabi raw ng doktor, uminom siya ng paracetamol at gawing quadruple ang konsumo niya ng advanced omega pills para maibsan ang pamamaga.

    Pag-amin ni Miriam, “super painful” na hayaang dumede ang baby para dumaloy ang gatas sa kanyang suso. Namimilipit daw talaga siya sa sakit at napapaluha pa, pero kailangan daw talaga. Nagpakuha pa siya ng litrato bilang paalala raw ng gabing iyon.

    Sabi pa ng misis ni Ardy Roberto, isang motivational speaker at author, maayos na ang kanyang pakiramdam “by God’s grace.” Pinaalala rin daw ni Miriam sa kanyang sarili ang mas grabeng kirot na napagdaanan na niya sa parteng “spiritual, emotional, mental, financial, physical.”

    Kabilang daw diyan ang sakit ng sugat post-CS delivery na nalampasan niya. Kaya buo ang loob niyang kakayanin din niya ang breastfeeding challenges sa tulong ng Diyos.

    May mensahe si Miriam sa kapwa niya breastfeeding mom, pati ang sinumang dumadaan sa depression at challenge na physical, financial, emotional o di kaya spiritual.

    Aniya, “Know that God will never give you a challenge that you cannot handle. His grace is always sufficient and you can rely on Him to give you the strength you need at any given time.

    Nag-iwan din siya ng Bible verse, ang Philippians 4:13: “I can do all things in Christ who gives me strength.”

    Sa sumunod na Instagram post ni Miriam, bakas sa kanyang maaliwalas na mukha na lumipas na ang sakit. Kinumpirma niya sa caption na “feeling much better” na siya. Nagpasalamat siya sa mga nagbigay ng mensahe ng pag-asa at payo para sa mastitis.

    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

    Nagpaabot din siya ng appreciation sa social media community ng “moms supporting moms,” pati iyong mga hindi nanay na nagbigay sa kanya ng encouragement. Gusto rin niya raw sabihin sa mga may pinagdadaanan na hindi sila nag-iisa. Kasama sila sa panalangin na kanyang sinambit sa kanyang YouTube channel.

    What other parents are reading

Ibinahagi Ni Miriam Quiambao Kung Paano Nalalampasan Ang ‘Super Painful’ Na Mastitis
Source: Progress Pinas

Post a Comment

0 Comments