Chariz Solomon On Failed Marriage: ‘Pag Hindi Na Kayo Nag-uusap, Medyo Nakakatakot Na’

  • Bata pa lang si Chariz Solomon, nagkahiwalay na ang kanyang mga magulang. Hindi niya makalimutan na four years siya nang umalis ang kanyang tatay, at six years old naman siya nang umalis ang kanyang nanay.

    Nagkawatak-watak silang apat na magkakapatid, at lumaki sa iba-ibang mga kamag-anak. Pero pagtungtong niya ng 11 years old, siya na ang tumayong magulang sa kanyang mga kapatid.

    Kaya pinangarap at pinagsikapan ni Chariz na magkaroon ng sariling pamilya. “Sabi ko pa nga, I won’t have a broken family,” pagtatapat niya sa SmartParenting.com.ph. “E kaso naghiwalay kami no’ng first husband ko…”

    “Pero okay kami, ha?” lahad niya patungkol sa tatay ng mga anak niyang sina Apollo, 7, at Ali, 5. “Sobrang okay kami, and he takes care of our children also. Sobrang okay kami. And no’ng una syempre, hindi. Pero ngayon, okay kami. And I can talk about it now.”

    Kuwento pa ng GMA-7 comedy actress tungkol sa failed marriage: “Minsan lang talaga nag-iiba ang priorities, hindi na talaga kaya. Minsan nag-iiba na ‘yung mga plano ninyo sa buhay. And siguro, me, having a strong personality, meron sigurong part doon na…There are things I just cannot accept talaga, na I think naman ako, feeling ko tama din.

    ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW

    “Hindi ko sinasabing tama maghiwalay, ha? Pero, like, it’s also important to take care of yourself and you stick to what you know is right. And sa kanya din, meron din tama sa kanya na parang hindi ko makita na tama.”

    Ibinahagi ng Bubble Gang mainstay ang mga natutunan sa natapos na relasyon: “Isa ‘yun sa mga bagay na pina-realize rin sa akin ng Diyos na, ‘Kahit ganyan ang nangyari, napaka-blessed mo pa rin, Chariz, kasi ‘yung mga anak mo mababait, healthy sila, may kinakain kayo.’

    Dagdag niya: “Just look at the simple things in life. But, you cannot have everything you want. Hindi lahat ibibigay sa ‘yo, pero merong mga bagay na you didn’t ask for but God gave you. So you should look at that.”

    Masayang ibinalita ni Chariz na nakahanap siya ng bagong pag-ibig. Iyon ang current partner at tatay ng bunso niyang si Andreas Manolo, na 1 year old sa September 30, 2021. Masaya raw siya na “mahal na mahal” ng kanyang partner sina Apollo at Ali.

    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

    Kuwento pa ni Chariz na nakakatulong ang pagiging psychology graduate ng kanyang partner para maharap ang kanyang posttraumatic stress disorder (PTSD) at narcissistic personality disorder. May mga paraan din daw siyang ginagawa para malutas ang kanyang “trust issues.”

    Pero aminado siyang marami pang dapat matutunan at puwedeng gawin para mapabuti ang kanyang kalagayan at ang relasyon nilang mag-partner. Ika nga niya, “What’s important is always, always, always communicate properly, healthily.”

    Paliwanag ni Chariz, “Pag hindi na kayo nag-uusap, ‘yun ‘yung medyo nakakatakot na, e. Talagang major, major red flag ‘yun. So it’s important to talk in a healthy manner. Kasi talking pero just saying bad words and cursing each other is not good. Pero ‘yung talking talaga healthily.

    “And it’s okay also to not talk right away para hindi, ano, galing sa emosyon mo, na masyadong apektado na ng emosyon mo ang mga sinasabi mo. Maganda din ‘yung talagang magpahupa ka muna, ‘tapos kapag na-evaluate mo na sa sarili mo, naisip mo rin na, ‘Ah! Mali ka rin! Ikaw din kasi, e.’ Saka kayo mag-usap.

    “Minsan nga, we just sleep on it, e, ‘tapos the next day maaalala namin, ‘Oh! It’s so petty, noh? Parang pagod lang tayo,’ ‘Yung gano’n. So ngayon kasi my partner likes to communicate a lot. He’s like that. Naha-handle niya ako. Patient niya pala ko, noh? Ang dami pa ring natututunan, but I’m happy.”

    What other parents are reading

Chariz Solomon On Failed Marriage: ‘Pag Hindi Na Kayo Nag-uusap, Medyo Nakakatakot Na’
Source: Progress Pinas

Post a Comment

0 Comments