-
Isang araw bago ideklara muli ang enhanced community quarantine (ECQ) nitong August 6, 2021 dahil sa tumataas na namang bilang ng COVID-19 cases, kinuha ni Miriam Quiambao ang pagkakataon na lumabas ng bahay kasama ang pamilya.
Nagpunta sila ng asawang si Ardy Roberto at kanilang mga anak sa clubhouse ng subdivision kung saan sila nakatira. Pero ang pangalawang anak nilang si Elijah lang ang nakita sa litratong ibinahagi ni Miriam sa Instagram. Nakalublob silang tatlo sa swimming pool.
May followers si Miriam sa social media na nag-alala dahil kapapanganak lang ng dating beauty queen at actress sa pamamagitan ng Cesarean section (basahin dito). July 12 ang birthday ng ikatlong anak nilang si Ziki.
Nagpasalamat sa concern at nagbigay ng paliwanag si Miriam, na motivational speaker at author na ngayon. Aniya, hindi niya alam na hindi siya puwedeng mag-swimming hanggang maitawid ang anim na linggo pagkaraan ng CS.
Nakasuot naman daw siya ng waterproof wound dressing at tinanong na rin niya ang kanyang obstetrician/gynecologist tungkol sa paksa.
ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOWIbinahagi ni Miriam ang sagot ng kanyang ob-gyn na si Dr. Becky Singson: “Ah!! Then it’s ok! You can say that it’s to prevent Keloid formation sa scar and it’s waterproof. You delivered by C section naman so your cervix did not open even if you immerse in water… after 6 weeks Ok na [gawin] lahat.”
Laking ginhawa para kay Miriam na malaman mula sa kanyang doktor mismo na tama ang waterproof na pangprotekta sa sugat mula sa operasyon. Pag naghilom ito, maiiwasan ang pagkakaroon niya ng keloid. Dapat daw talaga nagtatanong muna sa doktor. (Basahin dito at dito para sa CS postnatal care.)
Sa isa pang Instagram post ni Miriam, sinabi niyang maayos ang paghilom ng kanyang tahi (suture) mula sa CS. Nabawasan na raw ang kanyang pagiging bloated at wala na siyang nararamdamang kirot. Maayos din siyang nakakapaglakad habang nasa stroller si baby.
Pag dating naman sa breastfeeding, hindi raw masyadong sumasakit ang kanyang dibdib at maayos na nakakadede si Baby Ziki. (Basahin dito ang kanyang breastfeeding journey.)
CONTINUE READING BELOWRecommended VideosIyon nga lang daw, hirap pa siyang makatulog sa gabi. Buti na lang daw, nakakaidlip siya sa hapon basta hindi nangungulit si Elijah, 2 years old. Nakakapag-bonding lang daw sila kapag tulog si Baby Ziki o di kaya may ibang nagpapa-dighay sa sanggol. Tumutulong din daw minsan si Joshua, 13, kapag nakakalabas ito ng kuwarto.
“Overall, by God’s grace, we are ok,” lahad ni Miriam. “This parenting journey has just started (again) and we are still a long way to go. I imagine there will still be many bumps ahead. In the meantime, God’s grace is sufficient.”
Maraming Nagtanong Kay Miriam Quiambao Dapat Ba Siyang Mag-Swimming Post-CS Delivery
Source: Progress Pinas
0 Comments