Kung Buntis, Ito Daw Ang Pagkaing ‘Pampatalino’ Kay Baby

  • Sa sandaling malaman mong buntis ka, walang nagsasabi na dapat simulan mong paghandaan ang paglinang sa talino ng iyong baby. Sabi ng mga pag-aaral, ang talino ni baby ay nakadepende sa genes ng kaniyang mga magulang.

    Pero marami pa ring salik na nakaapekto rito na nakatutulong sa pagpapatalas ng isip at talino ng bata gaya ng kapaligirang ginagalawan niya, natatamong edukasyon, at nutrition.

    May tinatawag na pagkaing “pampatalino” na dapat kaining ng buntis. Meron bang food na gagawing genius si baby? Walang ganung pagkain. Ang ibig lamang sabihin nito ay may maituturing na super foods na makatutulong sa brain development ni baby kahit nasa loob pa siya ng tiyan mo.

    Pagkaing “pampatalino” para sa buntis

    Gusto natin na maging ligtas, malusog, at matalino ang ating baby paglabas niya. Syempre, inaasam din natin sa kabuuan ng kaniyang maayos na development. Kaya bukod sa prenatal vitamins na ating iniinom, mas mainam ang diet ng mga masustansiyang pagkaing mayaman sa protina, bitamina, mineral, iron at iba pa. Ito ay para matulungan at masuportahan ang maayos na paglaki ni baby kahit nasa sinapupunan pa lamg.

    Itlog

    Mayaman sa protein at choline ang itlog na mahalaga sa brain development ng baby. Maganda rin ito para sa memorya. Taglay rin nito ang vitamin A, iron, folate. Pero kailangang limitahan din ang pagkain nito dahil mataas ito sa cholesterol. Sinasabing dalawa lang kada araw ang maximum pagdating sa pagkonsumo ng itlog.

    Mani

    Nagtataglay ito ng vitamin E na nakatutulong sa pagpapatalas ng isip o memorya. Puwede rin ang kasoy, walnuts, almonds. Mayroon din itong good fats. Pero limitahan din ang pagkain nito dahil mataas sa calories ang mani. Piliin din iyong hindi maraming asin.

    ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW

    Salmon

    Gaya ng iba pang oily o fatty fish, mayaman ito sa omega-3 fatty acid lalo na sa DHA na mahalaga sa brain at neurological development ni baby. Batay sa mga research, ang bata na mataas ang level ng DHA mula pagsilang ay nakakukuha ng mataas na marka sa mga cognitive tests.

    Prutas at gulay

    Ang mga sariwang pagkain gaya ng prutas at gulay ay mayaman sa antioxidant na tumutulong na protektahan ang brain tissue ng baby habang nasa iyong sinapupunan.

    Karne

    Taglay ng karne ng baboy, manok, at baka ang protina at iron. Nakatutulong ang iron sa pagdadala ng oxygen sa brain cells ng baby at mahalaga rin ang iron sa buntis para maiwasan ang anemia dahil sa dumarami ang pagprodyus ng dugo habang buntis.

    Yoghurt

    Mainam na source ng calcium ang yoghurt, ice cream, keso, gatas o dairy products na nakatutulong din sa development ng iyong baby. Pero dapat na magkonsumo lamang ng sapat at inirerekomendang dami.

    Iba pang tips para sa maayos na development ni baby

    Higit pa rin sa pagkain para sa buntis na maaaring magpatalas ng isip ng iyong baby, dapat na isama mo ang sumusunod para maiwasan ang anumang komplikasyon o sakit sa iyong baby habang nasa iyong tummy.

    Pag-inom ng prenatal vitamins o supplement

    Mahalaga na nasusunod mo ang payo ng iyong doktor sa pag-inom ng mga gamut na ito dahil malaki ang maitutulong nito para sa debelopment ng utak at katawan ng iyong baby. Makaiiwas din sa anumang sakit na kaakibat ng pagbubuntis.

    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

    Pag-check ng thyroid

    Mahalaga rin ang pagpapatingin ng thyroid habang buntis dahil maaaring makaapekto ito sa iyong baby sa sinapupunan. Ang pagkakaroon ng iodine deficiency habang buntis ay nakapagpapababa rin ng IQ ng iyong baby.

    Magpaaraw

    Sapat na ang 20 minuto kada araw na makakuha ng vitamin D mula sa pagbibilad sa araw sa umaga. Mahalaga ito sa pagkakaroon ng malusog at matibay na buto at puso pero may ilang patunay na importante rin ito sa brain development ng baby.

    Manatiling aktibo at kumilos

    Makatutulong ang pagkakaroon ng exercise routine araw-araw kahit na 30 minuto basta may permiso sa iyong doktor na ligtas mo itong gawin. Ayon sa mungkahi ng ilang pag-aaral, ang hormones na napoprodyus ng pag-eerhersisyo ay nakatutulong sa brain development ng baby. Sa ibang pag-aaral din sinasabi na nakatutulong ito sa pagpapabuti ng paghinga at pag-stimulate ng brain activity ng baby habang nasa sinapupunan.

    Basahan ng libro at kausapin ang baby

    Batay sa pag-aaral, nakaririnig na at nakakatugon sa musika o boses na napapakinggan ang mga baby kapag nasa ika-20 linggo na ng pagbubuntis. Sa pamamagitan ng pagbabasa at pagkausap sa iyong baby, nakatutulong ito na magkaroon sila ng koneksyon sa labas ng mundo nila. Nakapagbibigay din ng ugnayan at stimulasyon ang pagmamasahe sa iyong tummy.

    Iwasan ang stress

    Nakaapekto sa kapaligiran ng iyong baby ang stress at maaaring magkaroon ng negatibong epekto rin ito sa kaniyang brain development. Huwag masyadong mag-isip at magtuon lamang sa mahahalagang bagay kapag buntis. Makatutulong ang pagkausap sa iyong baby para mabawasan ang iyong stress.

    ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW

    Dapat na isaisip na anumang isama sa diet o pagkain ng buntis ay makaaapekto sa baby sa iyong sinapupunan. Kaya importanteng isipin lagi ang bawat kakainin kung makabubuti ito sa iyo at sa iyong baby. Piliin ang may sustansiyang maidadagdag para sa kalusugan ninyong dalawa.

    Pero hindi lang pagkaing pampatalino habang buntis ang mahalaga kundi ang pananatiling maayos din ang iyong mga gawain, pagkilos, at pag-iisip. Tandaan na mahalaga ang healthy diet, buntis ka man o hindi. Pero mahalaga ring alagaan ang ating emosyon, mental, at pisikal para manatiling ligtas at malusog ka at si baby sa buong panahon ng pagbubuntis.

    Source:

    8 Ways To Nurture Your Baby’s Brain Power Before He Is Even Born

    What other parents are reading

Kung Buntis, Ito Daw Ang Pagkaing ‘Pampatalino’ Kay Baby
Source: Progress Pinas

Post a Comment

0 Comments