10 Reminders Sa Buntis Para Masiguro Ang Tamang Pagkain

  • Editor’s Note: Mahalaga na kumonsulta sa iyong doktor para sa medical advice na bagay sa pangangailangan mo. Palaging humingi ng payo ng isang doktor at nutritionist pagdating sa diet o exercise kung buntis, kapapanganak lang, o breastfeeding.

    Maraming buntis ang nag-aakala na kailangan nilang kumain ng mas marami para na rin sa sanggol na kanilang dinadala. Pero hindi lang naman nadadala sa dami (quantity) bagkus sa kalidad (quality) ng pagkain para sa buntis.

    Noong buntis si Solenn Heussaff sa panganay nila ng asawang si Nico Bolzico taong 2020, marami siyang natutunan sa kanyang obstetrician-gynecologist at sariling research.

    Aniya sa kanyang blog dati, hindi raw pala dapat kumain para sa dalawang tao kasi 400 calories lang ang average na puwedeng idagdag ng buntis mula sa kanyang prenatal diet. Kaya imbes daw na “eat for two,” dapat “think for two” kasi mahalaga rin ang kalusugan ni baby.

    Ano ang tamang pagkain para sa buntis?

    May mga rekomendasyon si Dr. Prudence Aquino, isang ob-gyn, sa dati niyang interview sa SmartParenting.com.ph. Una diyan ang pagsunod ng buntis sa pyramid guide kapag gumagawa ng meal plan.

    Bilin pa ni Dr. Aquino: “The meals should be balanced, guided by the patient’s weight gain, blood pressure, and sugar levels.” May iba pang mga puntos na dapat mo ring isaalang-alang sa pagpili at preparasyon ng pagkain para sa buntis.

    Kumain lang kapag gutom

    Normal sa mga buntis ang madaling magutom at gawing dahilan o excuse ang kondisyon sa madalas na pag kain. Pero hindi raw ito healthy habit at maaari ka pang maging overweight (basahin dito). Kaya mainam na pumili ng nakakabusog na pagkain sa tuwing gugutumin.

    ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW

    Pumili ng iba-ibang klaseng pagkain

    Typical din sa mga buntis ang may paglihian na pagkain. Si Sam Pinto, halimbawa, mula ikatlong buwan ng kanyang pagbubuntis hanggang malapit na siyang manganak ngayong 2021, panay ang kain niya ng chicken empanada. Nakakaubos nga raw siya ng limang piraso isang upuan.

    Bukod sa napupusuang pagkain, dapat daw kumain din ng iba pa na makikita sa food pyramid. Una diyan ang lean at high quality na protein at complex carbohydrates. Ihuli naman daw ang fats at sweets.

    Damihan ang pagkaing puno ng fiber

    Napakahalaga ang binibigay na sustansya ng fiber. Malaking tulong din ito para makaiwas ka sa constipation, na isa sa common pregnancy syptoms. Mga pagkaing mayaman sa fiber ang mga sumusunod:

    • Fruits
    • Veggies
    • Cereals
    • Pasta
    • Red o di kaya brown rice
    • Wholegrain na tinapay

    Sikapin daw na makakonsumo ng hindi bababa sa 20 hanggang 35 grams (halos 4 hanggang 10 kutsarita) ng fiber kada kain para makaiwas sa constipation.

    Uminom ng gatas

    Isa ang gatas sa may pinakamataas na dami ng calcium, na responsable sa kalusugan ng buto. Kailangan ng katawan ang mula 1,000 hanggang 1,300 mg ng calcium araw-araw. Bukod sa gatas (basahin dito), makukuha ang calcium sa mga sumusunod:

    • Cheese
    • Yogurt
    • Cream soups
    • Pudding
    • Broccoli
    • Spinach
    • Seafood
    • Dried peas
    • Beans

    Para siguradong mapunta ang calcium sa katawan, kailangan mo rin ng vitamin D. Maaari maging aktibo ang Vitamin D sa katawan kapag nagbilad ka sa araw at kumain ng fortified milk, pati na ng itlog.

    Taasan ang konsumo ng pagkaing mayaman sa iron

    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

    Isa pang mahalagang sustansya ang iron kaya kailangan nakukuha ito sa pagkain ng tatlong servings kada araw. Ang target daw kasi ay 27 mg ng iron araw-araw. Mga halimbawa ng pagkaing mayaman sa iron ang mga sumusunod:

    1. Lean beef (iwasan ang mataba)
    2. Poultry (manok, itlog, pula ng itlog)
    3. Seafood (kabilang ang isda)
    4. Sardines
    5. Green leafy vegetables
    6. Broccoli
    7. Peas
    8. Sweet potatoes
    9. Spinach
    10. Beans
    11. Lentils
    12. Soybeans
    13. Enriched cereals at tinapay
    14. Berries at dried fruits (prunes, raisins)
    15. Oranges
    16. Plums
    17. Watermelon
    18. Prune juice

    Isa pang mayaman sa iron ang atay (liver) ng baboy o manok, pero hindi raw ito rekomendado sa taglay nitong retinol. Ang retinol ay isa sa dalawang uri ng vitamin A (betacarotene ang isa pa). Mapanganib kay baby ang sobrang retinol sa katawan, ayon pa sa doktor.

    Araw-arawin ang vitamin C

    Bilang buntis, kailangan mo ng 70 mg ng vitamin C kada araw. Kabilang sa natural sources ng vitamin C ang mga sumusunod:

    • Oranges
    • Grapefruit
    • Strawberries
    • Papaya
    • Broccoli
    • Cauliflower
    • Brussel sprouts
    • Green peppers
    • Tomatoes
    • Mustard greens

    Huwag kalimutan ang folic acid

    Malaki ang ginagampanan ng folic acid para maiwasan ang neural tube defect ni baby. Kaya kailangan mo ng 0.4 mg ng folic acid kada araw. Makukuha mo ito sa mga sumusunod:

    • Dark green at leafy vegetables
    • Veal
    • Lima beans
    • Black beans
    • Black-eyed peas
    • Chickpeas

    Hinay-hinay sa vitamin A

    Bagamat mahalaga rin ang vitamin A sa katawan, dapat mong iwasan ang sobrang pagkonsumo nito, ayon sa United Kingdom National Health Service (NHS). May kinalaman daw kasi ang excessive intake ng vitamin A sa fetal malformations. Kaya bilin ng doktor na huwag araw-arawin ang pag kain ng vitamin A, na mahahanap sa mga sumusunod:

    ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW
    • Carrots
    • Pumpkins
    • Sweet potatoes
    • Spinach

    Ugaliin na magtabi ng healthy snacks

    Para hindi ka tamarin na magluto ng pagkaing rekomendado ng doktor, sikapin na mayroong easy-to-prepare at handy snacks sa iyong ref at pantry. Kabilang diyan ang mga sumusunod:

    • Peanut butter
    • Cheese
    • Fresh whole-grain breads
    • Milk
    • Cereals
    • Fresh at canned fruits

    Okay lang daw na kumain paminsan-minsan ng desserts at junk food, pero huwag naman daw sobra.

    Iwasan ang fast-food delivery

    Kung naisipan na magpa-deliver na lang ng pagkain, mainam daw kung hindi pipili na gawang fast-food joints. Kilala kasi ang mga iyon na hindi tamang pagkain para sa buntis.

    What other parents are reading

10 Reminders Sa Buntis Para Masiguro Ang Tamang Pagkain
Source: Progress Pinas

Post a Comment

0 Comments