-
Walang nanay na hindi naghangad na makapagpasuso. Ngunit, may mga pagkakataon at mga medical conditions na nagiging dahilan para hindi makapag-breastfeed si mommy.
Sa ganitong mga sitwasyon nakakatulong nang malaki ang mga breastfeeding moms na tulad ni Chin Chin Tagala.
Naging adbokasiya na ni Chin Chin at ng kanyang pamilya ang magpamahagi ng llibreng breast milk sa mga nangangailangan. Nagsimula ito noong June 2020, sa kasagsagan ng pandemic.
Nakakatulong ang breast milk na ipinapamahagi ni Chin Chin sa mga nanay na mababa ang milk supply, sa mga batang nasa ICU, at sa mga sanggol na nawalan ng magulang dahil sa pandemic.
Tuwing Biyernes ay nagdedeliver ang mag-asawa ng breast milk sa mga bahay ng nangangailangan, pati na rin sa mga ospital, at isolation facilities. “Every day, every four hours, I pump and I put my breast milk in the freezer,” kwento niya sa Summit Media Originals.
“I’m so happy because my husband is very, very supportive of my advocacy,” dagdag pa niya.
Naka-inspire na rin ang mag-asawa ng iba pang mga nanay para magbahagi ng kanilang sobrang gatas. “Ngayon, meron nang mga nagvo-volunteer,” kwento niya. “Itong mga mommies na ito, talagang nag-step up sila to help us [give] a better future sa mga bata.”
Panoorin ang kabuuan ng kanilang kwento dito:
Nagdodonate ka rin ba ng breast milk sa mga nangangailangan? I-share ang iyong experience sa comment section. Pwede ka ring sumali sa aming Facebook group na Smart Parenting Village para makakuha ng mga tips mula sa mga kapwa mo breastfeeding moms.
ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOWCONTINUE READING BELOWRecommended Videos
This Dubai-Based Mom Shares Her Breastmilk To Children In Need: ‘May Volunteers Na Rin Kami’
Source: Progress Pinas
0 Comments