-
Noong June 9, 2020, ipinanganak sa Singapore ang sinasabing “world’s tiniest baby.” Sa sobrang liit ni baby, ayon sa ulat ng The Strait Times, may timbang lang siya na 212 grams at halos singbigat lang ng apple.
Kahit daw napaaga ng apat na buwan ang pagsilang ng sanggol, na pinangalanan sa ulat bilang si Kwek Yu Xuan, umasa ang mga doktor kung saan siya ipinanganak, ang National University Hospital (NUH), na umabot man lang sana sa 400 ang kanyang timbang.
Kaya kinailangan na maiwan si baby sa ospital para magpagaling, at umabot iyon ng 13 buwan. Dineklara na siyang malusog nang ma-discharge nitong July 9, 2021. Siya na ngayon ang pinaniniwalaang pinakamaliit na sanggol sa buong mundo na nakaligtas sa premature birth.
Bago kay Yu Xuan, sabi pa sa ulat, ang pinakamaliit na sanggol na nakatala sa Tiniest Babies Registry ng University of Iowa ay isang baby girl na ipinanganak sa United States noong December 2018. May timbang naman itong 245 grams.
ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOWAng health journey ni baby
Nagkuwento sa ulat ng Singaporean newspaper ang ilang tauhan ng NUH tungkol sa sanggol. Sabi ni Zhang Suhe, isang advanced practice nurse, hindi siya makapaniwala nang makita niya si baby nang ipasok sa neonatal intensive unit (NICU). Aniya, nagtanong pa siya kung naniniwala ang doktor sa NICU sa nakita nila.
Sabi pa ni Zhang, na isa ring nurse clinician at naging parte ng care team ni baby, unang beses daw niyang makita ng ganoong kaliit na sanggol sa 22 taon na pagiging nurse niya.
Tinatayang 70% ang survival rate ng mga premature baby na tulad ni Yu Xuan, na napaaga ng 4 na buwan, ayon sa NUH. Kadalasan ding nadi-discharge ang mga sanggol pagkatapos ng apat hanggang anim na buwan na pamamalagi sa ospital.
Pero sa kaso ni Yu Xuan, umabot siya sa ospital ng 13 buwan dahil sobra siyang liit. Siya na raw ang pinakamatagal na namalagi sa NUH.
Naikuwento rin sa ulat ang tungkol sa mga magulang ni Yu Xuan na sina Kwek Lee at Wong Mei Ling. Nasorpresa daw ang mag-asawa, na parehong permanent resident sa Singapore, sa biglang paglabas ni baby. Balak daw kasi nilang bumalik sa kanilang tirahan sa Malaysia para doon isilang si baby at makapiling ang panganay nilang 4 years old.
Pero noong June 8, 2020, bilang nakaramdam si Mei Ling ng pananakit ng tiyan at isinugod sa ospital. Nakita doon na mayroon pala siyang preeclampsia, o high blood pressure sa mga buntis, kaya sumailalim na siya sa emergency Cesarean delivery.
CONTINUE READING BELOWRecommended VideosLaking gulat ni Mei Ling at kanyang asawa na napaaga nang sobra ang kanyang panganganak at sobrang liit din nang lumabas ang kanilang baby girl. Kinailangang ilagay sa ventilator ang sanggol para makahinga siya. Hindi pa raw kasi well developed ang kanyang lungs.
Gumawa rin ng paraan ang mga tauhan sa ospital para matugunan ang pangangailangan ng napakaliit na sanggol. Ang gamot nga raw niya kinalkula gamit ang decimal points. Nagpahanap pa ng pinakamaliit na diaper na kakasya kay baby, pero masyado naman palang mahal. Ginawan na lang nila ng paraan para magkasya ang regular newborn diaper.
Singbigat Lang Ng Apple Nang Ipanganak Pero Okay Na Si ‘World’s Tiniest Baby’
Source: Progress Pinas
0 Comments