-
Sa gitna ng tumataas na bilang ng mga kaso ng mga batang tinatamaan ng COVID-19, partikular ang Delta variant (basahin dito), may mga hakbang na ginagawa ang iba-ibang sektor para sa proteksyon ng mga kabataan.
Bukod sa plano ng gobyerno na mabigyan ng COVID-19 vaccine ang mga bata, balak din ng mga pribadong kumpanya na mapabakunahan ang mga anak ng kanilang mga empleyado.
Sa kasalukuyan, ang Pfizer brand pa lang ang nabigyan ng Food and Drug Administration (FDA) ng Emergency Use of Authorization (EUA). Ang bakunang ito ay puwede sa mga batang may edad 12 hanggang 15 (basahin dito).
May paliwanag si presidential adviser for entrepreneurship Joey Concepcion sa panayam niya sa ANC nitong August 10, 2021. Aniya, nababahala rin silang mga negosyante sa pagtaas ng mga bilang ng mga batang apektado, lalo ng Delta variant na sinasabing most contagious.
Dagdag pa ni Concepcion, na founder din ng Go Negosyo, “The children right now have to be in the equation because we don’t want our kids going to the hospitals, ICUs, and being intubated. We want to prevent that from happening.”
Mga batang tinamaan ng COVID-19
Samantala, naglabas naman ang medical group na Pediatric Infectious Disease Society of the Philippines (PIDSP), Inc. ng mga datos hinggil sa mga batang tinamaan ng COVID-19 hanggang nitong June 30, 2021.
May naitalang 1,143 cases ng mga panahong iyon bago kumpirmahin ng Department of Health (DOH) ang local transmission ng Delta variant kalagitnaan naman ng July.
Makikita sa mga datos na posted sa Facebook page ng pediatric group, na mas maraming nagkasakit na batang lalaki (5.8%) kumpara sa mga batang babae (4%).
ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOWKaramihan sa kanila ay nagkasakit ng mild (38.7%), moderate (24.1%), at asymtomatic (20.6%). May ilang critical (8.5%) at severe (8.1%). Gumaling halos lahat, pero may mga namatay din na 9% ng mga kabuusang kaso.
Karamihan din sa mga nagkasakit ay may dati ng sakit o comorbidities. Nangunguna diyan ang hematologic/oncologic disease (7.4%); neurologic/developmental disease (6.3%); at cardiac disease (3.6%).
Mga pangkaraniwang sintomas
Narito ang mga naitalang sintomas ng mga batang nagkasakit ng COVID-19:
- Lagnat (fever): 49.3%
- Ubo (cough): 38%
- Hirap sa paghinga (difficulty in breathing): 24.7%
- Sipon (colds): 23.4%
- Bawas sa ganang kumain (decreased appetite): 20.6%
- Pagsusuka (vomiting): 16.1%
- Pagsakit ng tiyan (abdominal pain): 13.7%
- Matubig na dumi (watery stool): 12.9%
- Seizure: 8.2%
- Sakit ng lalamunan (sore throat): 6.1%
- Pagsakit ng katawan (muscle pain): 4.3%
- Pagkawala ng pang-amoy (loss of smell): 3.3%
- Rash: 2.5%
- Pagsakit ng ulo (headache): 2.4%
- Pagkawala ng panglasa (loss of taste): 2.4%
Mga paalala para sa mga magulang at tagapangalaga
Nagbigay din ng reminders ang pediatric group upang maproteksyon ng mga magulang ang kanilang mga anak, pati na iyong mga tagapangalaga ng mga bata. Kahit kasi hindi pinapayagan ang mga batang lumabas ng bahay, maaari pa rin silang mahawa ng sakit at, pagkatapos, makahawa naman.
Kaya mainam na proteksyunan muna ng adults ang kanilang mga sarili kapag lalabas ng bahay. Huwag kalimutang magsuot ng face mask at face shield, habang umiwas naman sa mataong lugar o di kaya dumistansya sa ibang tao. Mahigpit din ang bilin ng DOH na magpabakuna ng COVID-19 vaccine.
Kapag kasi nabakunahan ang mga adults sa paligid ng bata, maaari na rin siyang maprotektahan laban sa virus. Iyan ang tinatawag na “cocoon strategy,” ayon pa rin sa pediatric group, at iyan ang pinakamabisang paraan sa ngayon.
CONTINUE READING BELOWRecommended VideosMakakatulong din na sundin ang mga suhestiyon ng mga eksperto:
- Kung maaari, maligo muna pagka-uwi sa bahay.
- Maayos na itapon ang ginamit sa labas na face mask at disposable face shield.
- Lumayo at takpan ang bibig sa tuwing uubo o babahing.
- Maging alerto sa mga sintomas na nararamdaman ng bawat kasama sa bahay.
- Ipag-alam sa doktor kung may mga sintomas na nararamdaman.
- Maging modelo sa iyong anak sa pagi-ingat sa kalusugan.
Basahin dito ang pakiusap ng American Association of Pediatrics sa U.S. FDA tungkol sa COVID-19 vaccine para sa bata.
Paano Protektahan Ang Bata Sa Delta Sa Gitna Ng Mataas Na Bilang Ng COVID-19 Cases
Source: Progress Pinas
0 Comments