Okay Ba Na Paliguin Ang Bata Sa Ulan? Sagot Ng Mga Mommy At Eksperto

  • Welcome to Real Parenting, a space where parents can share the joys, pain, and the mess of parenthood. Want to get something off your chest? Share your parenting journey? Email us at smartparenting2013@gmail.com with the subject “Real Parenting.” Click here to read more ‘Real Parenting’ stories.

    Sino nga ba ang nagdaan ng pagkabata nang hindi nakatikim maligo sa ulan? Sa dalas ba namang umulan dito sa Pilipinas, na isang tropical country at sadyang daanan ng bagyo, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).

    Kaya maraming sumagot nang mag-post ang isang mommy ng ganitong tanong sa Facebook page ng Smart Parenting Village: “Pinapaligo nyo ba sa ulan ang kids nyo?”

    Tugon ng isang miyembro: “Yes, di po nagko-cause ng sakit ang ulan. Nagkakasakit dahil napagod, bumaba ang immune system, ‘yung mga nakapaligid na bacteria, viruses di nalabanan, may mga kasama sa bahay na may ubo, sipon.”

    Sang-ayon ang isa pang miyembro, at nagbigay pa ng halimbawa nitong huling bagyo: “Yes. Minsan. Nung nakaraan kasagsagan ni Fabian, sa tapat ng bahay namin. Kasi gusto ko ma-experience niya ‘yung mga ginagawa namin nung bata pa kami. Hindi naman siya nagkakasakit tuwing maliligo sa ulan. Need din masanay ang katawan. Liguan lang agad after.”

    Kuwento ng kapwa nila mommy tungkol sa karanasan ng kanyang anak: “One time po kasama mga pinsan niya. Kasi takot na takot siya pag umuulan. ‘Yung kahit tulog na tulog siya ‘ta’s biglang bagsak ng ulan, nagwawala talaga siya. Kaya tinry ko siya ipasama sa mga pinsan niya para mawala takot niya. Ayun, tuwang tuwa naman.”

    ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW

    May ilang sumagot ng hindi dahil daw sa kasalukuyang health crisis na dulot ng COVID-19. Paliwanag ng isang mommy, “Mahirap magkasakit ngayon, as in super hirap. Pero kung walang virus, baka pinapaligo ko sila sa ulan.”

    Benepisyo ng paglalaro sa ulan

    Ang magandang balita, ayon sa mga ekspertong nakapanayam ng Romper,  hindi lang kasiyahan ang naidudulot ng paglalaro ng mga bata sa ulan. May iba pa pala itong benepisyo sa kanilang development.

    Sabi ni Dr. Lisa Lewis, isang board certified pediatrician sa Fort Worth, Texas, ang unstructured play, tulad ng paglalaro sa ulan, ay tutulong sa bata na alamin pa ang kanyang kapaligiran. Makakatulong din daw ito sa pagkakaroon ng “healthy brain” at sa “body development.” Nahahasa raw ang motor skills, halimbawa, sa paglalakad ng bata sa maputik na daan.

    May dagdag na paliwanag ang Developmental Psychology professor na si Gabriela Martorell ng Virginia Wesleyan. Aniya, makakatulong ang paglalaro sa ulan para mapamahal ang bata sa kalikasan at mahasa pa ang kanyang pag-iisip kung paanong laro ang gagawin.

    Mga paalala ng mga magulang

    Marami sa mga magulang, kadalasan mga mommy, na sumagot sa Smart Parenting Village ang nagbigay rin ng mga paalala kapag pinayagan ang anak na maligo at maglaro sa ulan.

    Sabi ng isang miyembro: “‘Wag lang kapag mainit singaw ng lupa. If may hamog. Pag ganito, ok lang since no sudden change of temperature. Then bath after. Makes kids stronger, I think.”

    Saad naman ng isa pang mommy: “Pag mainit ang panahon, then bigla-bigla uulan…di pwede…Pero kung di mainit at nakailang ulan na in a week, ‘yan pwede maligo. Basta kasama ako or cousin and titas sa frontyard and mga 30 minutes lang. Hindi din naman matao sa lugar namin and di masyado dikit mga kabahayan.”

    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

    May kondisyon din ang isang mommy para payagan ang anak na maligo sa ulan: “Kasama ako, and mga 10 minutes lang. ‘T’as warm bath after.”

    Ito naman ang sa isa pang mommy:  “May nakahanda ng warm bath. ‘Tapos may body oil na para sure, at saka hindi po matagal at madalas. Gusto ko lang ma-experience niya.”

    What other parents are reading

Post a Comment

0 Comments