May Cleaning Hack Ang Mga Mommy Para Sa Naninilaw Na Sterilizer

  • Isa ang baby bottle sterilizer sa baby essentials na talaga namang gamit na gamit. Kaya hindi nakakapagtaka na manilaw at magmantsa ito sa pagdaan ng panahon.

    Iyan ang naging paksa kamakailan sa Smart Parenting Village pagkatapos mag-post ng tanong ang isang miyembro. Aniya sa caption ng litrato ng naninilaw niyang sterilizer, “Paano po kaya matatanggal ‘yong dumi sa sterilizer?'”

    Naging maagap naman ang sagot ng kanyang mga kapwa mommy, at halos pare-pareho ang kanilang rekomendasyon. Hindi naman nagdalawang-isip ang nagtanong na mommy dahil nag-post siya ng update.

    Halatang masaya siya sa kinalabasan ng kanyang pagsunod sa cleaning hack. Lahad pa niya sa caption ng litrato ng malinis na ngayong sterilizer, “Mukhang brand new na siya. Super salamat sa mga advice.” Ibinahagi niya rin ang cleaning hack sa mga bagong commenter ng kanyang post.

    Tubig at suka pangtanggal ng paninilaw

    Nagkakasundo ang maraming mommy sa Smart Parenting Village na mabisang panlinis ang tubig at suka laban sa paninilaw ng sterilizer. May mga bilin lang sila kung paano gamitin ang mga pinagsamang sangkap.

    Parehong dami ng tubig at suka

    Paalala ng mga mommy na equal parts, o parehong dami, ng tubig at suka ang gamitin. Sa tatlong basong tubig, halimbawa, tatlong baso rin ng suka ang ilagay sa sterilizer.

    Mainam ang distilled water

    Imbes daw na tubig mula sa gripo (tap water), gumamit ng distilled water. Mas mabisa raw itong panglinis at panlaban sa paninilaw ng sterilizer, lalo na sa metal parts nito.

    Ibabad ang pinaghalong tubig at suka sa sterilizer

    Rekomendado ng mga mommy na gawing overnight ang pagbabad ng pinaghalong tubig at suka. Puwede mong ulitin ang pagbabad sa dalawang magkasunod na gabi para siguradong matanggal ang mantsa. Gawin daw ang proseso kada buwan para hindi na madaling kumapit ang mantsa.

    ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW

    Habang nakababad ang tubig at suka, puwede rin daw paandarin ang sterilizer para mapakuluan ito at malinis nang husto.

    Puwedeng dagdagan ng baking soda

    Bukod sa tubig at suka, puwede rin daw magdagdag ng baking soda sa pambabad sa sterilizer. Mainam din kasing cleaning agent ang baking soda.

    Alternative sa suka

    Sa halip na suka, na masyadong maasim ang amoy para sa ilang mommy, maaaring gumamit ng lemon. Maghiwa lang ng isang piraso, pigain, at ihalo ang katas sa distilled water bilang pambabad sa sterilizer. Isa pang alternative ang citric acid, na mabibili sa grocery at online shopping sites.

    Gumamit ng malinis na tuwalya pamunas ng sterilizer

    Pagkatapos ibabad sa tubig at suka, huwag daw kalimutan na punasan ang sterilizer ng malinis na tuwalya upang siguradong matuyo ito. Ugaliin din daw ang pagpupunas ng sterilizer, lalo na pagkatapos gamitin.

    What other parents are reading
    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

May Cleaning Hack Ang Mga Mommy Para Sa Naninilaw Na Sterilizer
Source: Progress Pinas

Post a Comment

0 Comments