-
Maraming benepisyo ang breastfeeding milk kay baby at lalo na kay mommy. Nagbibigay ito ng proteksyon kay baby laban sa anumang sakit. Nakatitipid din ito sa gastos sa pagbili ng formula milk. Mas mabilis para kay mommy ang pagbalik sa dati niyang hubog ng katawan bago mabuntis.
Mga dapat tandaan tungkol sa breastfeeding milk
Kahanga-hanga talaga ang nagagawa ng gatas ng ina, kaya nga maraming mommy rin ang pinipili ang breastfeeding milk kaysa sa formula. Bagaman hindi madali ang proseso, malaking tulong na mayroon kang kaalaman tungkol dito.
May sariling taglay na microbial community ang breastfeeding milk
Hindi sterile—ibig sabihin, walang taglay na bacteria—ang breast milk. Sa katunayan, nagtataglay ang breastfeeding milk ng antibodies na nagiging panlaban ni baby sa anumang sakit, impeksyon, at iba pang kondisyong pangkalusugan. Nakatutulong ito sa pagpapalakas ng immune system at malusog na tiyan (gut) ng mga baby.
Kaya nga tinatawag ang breast milk na “liquid gold” dahil sa mabuting naidudulot nito sa baby. Ito na ang pinakamasustansiyang pagkain ng baby sa loob ng anim na buwan pagkapanganak. Hindi nakakapagtaka na inirerekomenda rin ng World Health Organization (WHO) ang exclusive breastfeeding sa baby sa loob ng anim na buwan.
Natatangi ang composition ng breast milk
Nagbabago-bago ang komposisyon ng breast milk sa bawat panahon dahil umaayon at umaangkop ito sa sustansiya na kinakailangan ng iyong baby kada buwan habang lumalaki ito. Umaakma rin ang napo-prodyus na breast milk kapag may sakit si baby.
Ang colostrum na napo-prodyus sa panahon ng pagbubuntis at lalabas ito kapag nakapanganak na. Ito ay medyo malapot at manilaw-nilaw. Kakaunti lang din ito, gaya ng droplets. Pero huwag mag-alala dahil maliit pa naman ang sikmura ng newborn baby, kaya sapat lang ang ganitong dami sa kanya.
ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOWMakukuha agad ni baby ang colostrum kapag nakapag-latch ka na. Ayon sa mga eksperto, mahalaga ito dahil nagtataglay ito ng sustansiya na kailangan ng isang newborn. Mayroon itong white blood cells at antibodies na tumutulong sa baby na mapalakas ang immune system.
Nakatutulong ang breast milk bilang panlaban ni baby sa anumang germs na nagdadala ng sakit. Nakatutulong din itong ilabas ng baby ang meconium o ang unang dumi na inilalabas ng baby. Naiiwasan pa ang jaundice sa tulong ng breastfeeding milk.
Wala pang tutulong breast milk sa loob ng tatlong araw pagkapanganak
Sabi ni Armi Anastacio-Baticados, isang lactation coach, sapat na ang kakaunting gatas sa tatlong araw na makukuha ng baby sa kanyang nanay kahit wala pang tumutulong breast milk. Hindi pa rin naman kailangan ng baby ang maraming breast milk ilang araw ng pagkapanganak.
Pagkaraang manganak, magbabago pa ang komposisyon ng breast milk. Tinawag naman ito ng mga eksperto na transition milk. Ito ay nagtataglay ng pinaghalong yellowish colostrum at mature milk. Paliwanag ni Baticados na ang tumutulong gatas sa dede ng ina ay ang mature milk o mas kilala na breast milk.
Tatlong araw pagkatapos manganak lalabas ang breast milk
Ito ang panahon na nagtatakdang dumarami ang iyong milk production para suportahan ang pangangailangan ng iyong lumalaking baby. Tandaan lang na may ilang mommy ang hindi agad lumalabas ang kanilang gatas o kakaunti lamang. Kadalasan nga, umaabot pa ng linggo bago lumakas ito. Kaya huwag masyadong mabahala.
Ituloy lamang ang pagpapadede at lalabas lamang din ito batay sa pangangailangan ng iyong baby. Maaaring makatulong din ang pag-inom ng mga vitamins at pagkain ng mga makatutulong na maparami ang supply ng iyong breast milk.
CONTINUE READING BELOWRecommended VideosSapat ang nakukuhang breastmilk ni baby kung napupuno ang kanyang diaper
Sa isang newborn, kapag nakapag-prodyus ng isang basang diaper o nakadumi ang iyong baby sa isang araw, ibig sabihin sapat ang nadede niya. Dagdag pa diyan ang hindi pag-iyak nang iyak ni baby matapos niyang mag-latch sa iyo.
Tandaan lang na ang mga breastfeeding baby ay hindi lagi o araw-araw na dumudumi. Umaabot kadalasan ng 5 araw bago sila dumumi. Ngunit dapat na napupuno nila ng ihi ang diaper para matiyak na sapat ang nadede nito.
Bilang nursing mom, maging aware sa kinakain o iniinom
Gaya noong nagbubuntis, ang mga breastfeeding mommy ay dapat na maingat sa pagkain para makapagbigay ng sapat na nutrisyon sa kanilang baby. Makakatulong na iwasan muna ang pagkain ng isda na mataas sa mercury. Kung umiinom ng alak, maaari ding maipasa ang kaunting dami nito sa breast milk. Kaya mainam na palipasin muna ang dalawang oras bago magpadede upang maiwasan ang pagpasa nito sa baby.
Makakatulong din kung babawasan ang pag-inom ng mga inuming may caffeine. Hanggat maaari huwag hihigit sa 300 milligrams o katumbas ng 1 hanggang 3 tasa ng kape o mas kaunti pa nito para maiwasan ang pagiging iritable ng baby.
May mga bagay rin na dapat iwasang kainin ang breastfeeding mommy lalo na kung may G6PD ang iyong anak. Kung ano ang bawal sa baby, kailangang ganoon din sa diet ni mommy.
Hindi mapapalitan ang fat na nasa breast milk ang pag-inom ng cow’s milk
Maraming baby na sensitibo sa mga pagkain, pero kakalakihan lang din nila ang mga ito at kusang mawawala. Kapag ang iyong baby ay may allergy sa cow’s milk, iwasan ang pag-inom ng ganoong gatas dahil maaari itong makaapekto sa iyong baby. Pero kung hindi maiiwasan, sikaping uminom lamang nang sapat para maibsan ang iyong uhaw.
ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOWBagaman makatutulong ang pag-inom ng cow’s milk bilang source ng calcium sa mga mommy para suportahan ang breastfeeding journey, marami pang paraan o maaaring inumin para sa kinakailangang calcium ng mga nursing mom at mapataas din ang calcium na nasa breasfeeding milk.
Mommy, uminom ng maraming tubig!
Ito ang sagot para tuloy-tuloy ring makapag-prodyus ng breastfeeding milk. Mabilis na mauhaw ang mga mommy na bagong panganak, lalo na iyong nagpapasuso ng newborn. Kailangan ng nursing mom ng tubig na 2.25 hanggang 3.1 liters kada araw na katumbas ng 9 hanggang 13 baso.
Pero nagbabago ito depende sa metabolism mo pati na ang antas o bigat ng mga gawain, at iba pang bagay. Ang isa pang tiyak na paraan ng pagpapadami ng breastfeeding milk ay ang pag-empty ng breast sa pagpapasuso para makapag-prodyus ng maraming gatas ulit para sa busog at malusog na baby.
Kumpleto Ang Nutrisyon Sa Breastfeeding Milk: 8 Bagay Na Dapat Tandaan
Source: Progress Pinas
0 Comments