-
Pinag-iingat ni Alice Dixson ang lahat ng mga tao na pupunta sa mall dahil kamakailan lamang ay nadukutan siya sa Greenbelt 5, Makati City.
Ngayon lamang daw niya ito naikuwento dahil tapos na ang imbestigasyon ng mga pulis sa nangyari sa kanya.
Sa post ni Alice sa kanyang Instagram noong Sabado, July 10, nagkuwento muna siya tungkol sa “firsts” niyang naranasan sa malapit nang ipalabas na teleserye ng GMA-7 na Legal Wives.
Saad niya, “In between takes on #LegalWives set yesterday.
“Alam nyo po very memorable na po etong show ko for its many 1sts and not just for…
“- the cultural setting & never told story of Filipino Muslim polygyny
“- cast, 1st time ko sila nakasama halos lahat
“- my 1st teleserye production during COVID
“- my 1st baby was conceived and born during this show [three faces with smiling eyes and a broad, closed smile turning up to rosy cheeks emojis]”
Dito na siya nagkuwento tungkol sa pagdukot ng kanyang cellphone bago pa ang kanilang lock-in taping sa show.
Ani Alice, “Magugulat kayo sa susunod kong 1st na eto…
“today I can finally make kuento, kasi concluded na ang police investigation.
“- during this show was the 1st time I was ever pickpocketed in my life (not on the set of course but) the day before my quarantine for our lock-in taping.
“The reason naikuento ko kahapon na I lost my pictures and footage (s) was because last June 29 while in Greenbelt 5, I was pickpocketed.
ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW“YES po nadukutan ako while shopping in the mall.
“Ang nakuha po sa akin was my cell phone.”
Nalaman daw sa imbestigasyon na modus operandi ng ilang grupo ang style ng kanilang pandurukot.
Kaya payo niya sa mga taong nagpupunta ng malls na mag-ingat sa mga taong may kahina-hinalang kilos.
Dagdag pa ni Alice, “I will eventually share the whole story but in a nutshell it was believed to be a group effort of 4-6 women (one cross dresser man), 2 of which bumped me from the front & back ayon sa CCTV footage.
“Kaya mga unsuspecting shoppers, pls be very very mindful of your belongings and people na dumidikit dikit sa inyo sa public spaces.”
May karugtong na kuwento pa raw siya sa susunod ukol dito.
This story originally appeared on Pep.ph.
*Minor edits have been made by the SmartParenting.com.ph editors.
CONTINUE READING BELOWRecommended Videos
0 Comments