Hindi Parating May Pagsusuka Kung Nakakaramdam Ng Nausea Ang Bata

  • Editor’s Note: Ang sumusunod ay for educational at informational purposes lamang. Huwag pong gamitin ito na kapalit ng doktor. Mahalaga na kumunsulta sa doktor para sa medical advice na bagay sa pangangailangan mo.

    Noong buntis ka, marahil nakaranas ka ng nausea bilang isa sa mga sintomas ng pagbubuntis na kahanay ng tinatawag na morning sickness. Ngayong may anak ka na, malamang madalas mo pa ring mabasa sa listahan ng mga sintomas na karaniwang nararanasan ng mga bata. Pero baka nalilito ka dahil ang alam mong nausea in Tagalog ay pagduduwal.

    Ano ang nausea?

    Tinatawag na nausea ang nararamdaman ng bata, pati adults, na “uneasiness” at “discomfort” sa tiyan. Ito ay ayon sa mga eksperto sa likod ng GIKids, ang patient outreach at education effort ng North American Society for Pediatric Gastroenterology, Hepatology and Nutrition (NASPGHAN).

    Sabi pa nila, nagdudulot ang ganoong kakulangan sa ginhawa sa tiyan ng “involuntary urge to vomit.” Pero hindi naman daw parating may pagsusuka kung nakakaramdam ng nausea. Ibig sabihin, may mga pagkakataong naduduwal lang at may pagkakataon ding nagduduwal talaga.

    Kasi nga, sabi naman ng mga eksperto mula sa Raising Children sa Australia, “nausea is the feeling that you’re going to vomit.” Isa raw itong “nonspecific symptom” na maaaring kaakibat ng marami at iba-ibang kondisyon.

    Mga sanhi ng nausea sa bata

    Samu’t-sari ang dahilan kung bakit nakakaramdam ng nausea, kadalasan nga sa pagbubuntis at minsan sa mga iniindang sakit sa tiyan o iba pa (basahin dito). Kung sa bata, ayon sa mga eksperto, kalimitang dulot ito ng:

    ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW
    • Problema sa tiyan, tulad ng gastroenteritis
    • Side effect ng iniinom na gamot
    • May hindi kasundong pagkain ang tiyan
    • Pagkakaroon ng motion sickness o di kaya biyahilo

    Kung masyado pang bata ang anak mo para magsabi ng kanyang nararamdaman, mainam na obserbahan ang bata. Baka raw ang pagiging matamlay at maputla niya ay dahil naduduwal na siya, hanggang tuluyan nang maduwal o magsuka.

    Mga dapat gawin kung may nausea ang anak

    Kapag daw naduduwal ang bata, sabi ng mga eksperto, mainam na paunti-unti mo siyang painumin ng tubig. Makakatulong din daw ang pagbibigay sa bata ng oral hydration fluid. Iwasan muna raw ang mga pagkain na mamantika o masarsa, kaya iyong bland o wala masyadong lasa ang ipakain sa bata.

    Pero kung hindi raw umayos ang pakiramdam ng anak dulot ng nausea in Tagalog pagduduwal pagkaraan ng 24 oras, kailangan mo raw komunsulta sa doktor. Sa ganyang paraan malalaman kung ano talaga ang sanhi ng nausea at upang mabigyan ng tamang treatment.

    Dapat mo na rin daw dalhin ang anak sa emergency department ng ospital kung bukod sa nausea, may iba pang dinadaing ang bata. Kabilang diyan ang:

    • Pananakit ng ulo o di kaya leeg (stiff neck)
    • Hirap sa paghinga
    • Pamamaga sa mukha o di kaya sa paligid ng bibig
    • Panlalabo ng paningin (blurred vision)
    • Pagkalito (confusion)
    • Pagkaantok (drowsiness)

    Sabi pa ng mga eksperto, ang unang treatment sa nausea ay ang pag-iwas sa posibleng triggers, gaya ng partikular ng pagkain o di kaya medication. Kapag daw hindi bumubuti ang pakiramdam ng bata, baka kailangan na daw siyang bigyan ng gamot.

    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

    Ito raw ang mga kadalasang binibigay na gamot para sa nausea ng mga doktor, ayon sa mga eksperto:

    • Anti-emetic medications para mabawasan ang pagduduwal at pagsusuka (diphenhydrinate o di kaya ondansetron)
    • Histamine-2-blockers o di kaya proton pump inhibitors na nagsisilbing antacid na nagpapabawas ng paggawa o pagpakawala ng acid sa tiyan
    • Prokinetic medications, gaya ng erythromycin o di kaya metoclopramide, upang tumulong sa pagtanggal ng laman sa tiyan

    Kung nasa biyahe tinamaan ng nausea in Tagalog pagduduwal ang anak at tuluyang sumuka, mainam daw na maging kalmado ka. Obserbahan ang bata kung dehydrated siya at walang ganang kumain. Bigyan na lang muna siya ng bland food, tulad ng crackers at mild soup, pero hindi ang ano mang gamot. (Basahin dito para sa karagdagang tips.)

    What other parents are reading

Post a Comment

0 Comments