8 Paraan Sa Pagkamit Ng Healthy Limits Sa Paglalaro Ng Video Games

  • Pangunahing libangan ng mga bata ng kasalukuyang henerasyon ang paglalaro ng video games. Ang problema lang, kung may anak kang nawiwili sa paglalaro, ay nagiging mitsa ito ng hindi ninyo pagkakaintindihan na nauuwi pa sa sagutan at samaan ng loob.

    May mga payo si Nancy M. Petry, PhD, isang behavioral scientist, kalakip sa kanyang librong Pause and Reset: A Parent’s Guide to Preventing and Overcoming Problems With Gaming. Ang mga ito ay “practical, parent-tested strategies,” ayon sa Child Mind Institute, na makakatulong sa pagkamit ng healthy limits sa paglalaro ng video games.

    Tandaan na puwede lang maglaro ang anak kapag tapos na niya ang kanyang mga gawain

    Bukod sa homework ng bata, dapat tapos na rin niyang gawin ang household chores na nakatoka sa kanya bago siya makapaglaro ng video games. Suriin mo lang muna kung maayos at tama ang pagkakasagot ng anak sa homework at ang paggawa niya ng household chores. Gantimpala (reward) lang daw dapat ang paglalaro ng video games at hindi isang karapatan na walang bawian (absolute right).

    Bigyan ng limitasyon ang paglalaro ng anak

    Base sa guidelines ng American Academy of Pediatrics, sapat na ang mula 30 minuto hanggang 60 minuto–basta hindi lalampas ng isang oras–ang paglalaro ng video games ng bata tuwing school days. Kapag non-school days o weekend, ayos na raw ang hanggang dalawang oras na limitasyon.

    Pero kung 6 years old pababa ang anak mo, mainam na ibaba ang limitasyon sa 1 hour hindi lang sa paglalaro ng video games pero pati na ang paggamit ng ano mang gadget at electronic device.

    ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW

    Sa paggawa ng rules, bigyan ng puwang ang reassessment

    Subukan munang ipatupad ang rules sa paglalaro ng video games ng anak sa loob ng isa o dalawang buwan, at saka tignan ang resulta nito. Alamin kung masyado bang istrikto ang mga panuntunan mo nang maluwagan mo nang konti. Tandaan na mas katanggap-tanggap ang pagluluwag kasya paghihigpit ng mga panuntunan.

    Isipan ng makatotohanang parusa ang pagbali sa mga panuntunan

    Kapag hindi nasunod ng anak ang napag-usapan ninyong mga panuntunan, magbigay ng parusa na kaagad mangyayari. Halimbawa raw ang pagbabawal sa kanya na maglaro ng video games sa loob ng ilang araw o isang linggo.

    Dapat alam at aprubado mo ang nilalarong video games ng anak

    Bilang magulang ng menor de edad, may karapatan ka at responsibilidad mo na malaman kung anong nilalaro niya. Kaya makakabuti kung tanungin mo mismo ang anak o di kaya suriin ang web browser. Bukod daw kasi sa limitasyon sa oras, sakop din ng mga panuntunan mo ang mga uri ng games na nilalaro niya. Mainam daw na bantayan ang pagbili ng bata ng games na lunod sa violence at sexual content.

    Kapag plantsado na ang rules, subaybayan maigi ang pagsunod ng anak

    Sa mga pagkakataong pagod ka o di kaya distracted, huwag daw basta pagbigyan ang anak na baliin ang naumpisahan ng rules. Manindigan din daw sa rules kapag naglambing ang anak dahil masama ang kanyang pakiramdam at gustong maglaro na lang o di kaya kaunti lang ang kanyang assignments kaya gusto niyang patagalin ang paglalaro.

    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

    Siguraduhin na merong iba pang recreational activity ang anak

    Mainam daw na bukod sa video games, may iba pang pinagkakaabalahan o hobby ang bata. Kaya subukan ang ilang activity na puwedeng gawin ng buong pamilya, na magsisilbing bonding niyo na rin.

    Magbigay ng positive reinforcement sa non-gaming activities

    Para mag-enganyo ang anak na may pagkaabalahan pang iba bukod sa video games, bigyan pansin ang pagsubok niyang magkaroon ng iba pang hobby. Siguro purihin ang effort niya sa natapos na drawing kung nahihilig siya sa visual arts. Puwede mo rin siyang bilhan ng basketball kung nahihilig naman siya sa sports. Isa pang paraan ang pagbahagi ng iyong book collection kung pareho kayong may hilig sa pagbabasa.

    What other parents are reading

Post a Comment

0 Comments