-
Editor’s Note: Ang sumusunod ay for educational at informational purposes lamang. Huwag pong gamitin ito na kapalit ng doktor. Mahalaga na kumunsulta sa doktor para sa medical advice na bagay sa pangangailangan mo.
Bukod sa pagbubuntis, may ilan pang sanhi ng pamamanas ng paa. Maaaring simpleng senyales lang ito ng isang kondisyon, pero puwede rin namang seryosong sintomas na pala sa sakit. Kaya mainam na obserbahan muna ang sarili at saka magpatingin sa doktor.
Anong nangyayari kung may pamamanas ng paa?
Tinatawag sa medical term na edema ang pamamanas hindi lang ng paa bagkus ng iba pang parte ng katawan. Malimit ding apektado ang mga kamay, braso, binti, at bukung-bukong (ankle). Nangyayari ang pamamanas kapag natengga ang sobrang tubig (excess fluid) sa tissues ng katawan, ayon sa mga eksperto ng Mayo Clinic.
Mga palatandaan ng edema:
- Namamaga ang paa o iba pang parte ng katawan
- Lubog ang mga ugat
- Banat o makintab ang balat
- May nalilikhang dimple sa balat pagkatapos itong pisilin ng ilang segundo
- Hirap sa paglalakad
Mga sanhi ng pamamanas ng paa
Kadalasang nangyayari ang edema sa mga buntis (basahin dito). Kung hindi ka naman buntis, malamang dulot iyan ng iyong actvity o di kaya indikasyon ng iyong medical condition.
Matagal na pag-upo at pagtayo
Kung ang trabaho mo ay maghapong nakaupo sa harap ng computer, malamang mapansin mo na tila mas malaki na kasya sa dati ang mga paa mo at parang namamaga ang mga ito. Resulta raw iyan ng gravity, sabi ng mga eksperto ng Cleveland Clinic, kaya papapunta ang direksyon ng tubig sa ibabang parte ng iyong katawan.
ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOWMareremedyuhan kaagad ang pamamanas kung hihiga ka sa kama at itataas pahilig sa dingding ang mga paa sa loob ng 20 minutes. Kunin na rin ang pagkakataon na ipahinga ang mga mata mula sa pagbabad sa computer screen. Gawin ito kahit dalawang beses sa isang araw o di kaya bago matulog.
Ugaliin din na maglagay ng patungan ng mga paa habang nakaupo sa harap ng computer. Sa ganitong paraan, maipapahinga mo ang mga paa kahit nagtatrabaho. Sikapin mo rin na maya-maya ang pagtayo at mag-inat-inat.
Nasobrahan sa maalat na pagkain
Ang sodium na nagbibigay alat at lasa sa mga pagkain, lalo na ng potato o corn chips, ay nagdudulot ng water retention. Ito ang dahilan kung bakit may pamamanas sa katawan. Mainam na bawasan ang sodium sa iyong diet.
Nakakaranas ng premenstrual syndrome
Isa ang pamamanas o bloating sa mga palatandaan ng mga kababaihan na parating na ang kanilang mentruation. Bagamat hindi ito talagang napipigilan, maaari naman itong mabawasan sa pamamagitan ng pag-iwas muna sa mga maaalat ng pagkain at inuming puno ng caffeine.
Bilang side effect ng iniinom na gamot
Kabilang sa mga uri ng gamot na nagdudulot ng pamamanas ang:
- High blood pressure medications
- Nonsteroidal anti-inflammatory drugs
- Steroid drugsEstrogens
- Diabetes medications na thiazolidinediones
Senyales ng seryosong sakit
Posibleng dahilan ng pamamanas ng paa ang ilang sakit, gaya ng:
- Congestive heart failure
- Cirrhosis
- Kidney disease
- Kidney damage
- Inadequate lymphatic system
Payo ng mga eksperto na komunsulta kaagad sa doktor kung bukod sa pamamanas ng paa ay mayroon pa pang ibang iniindang karamdaman. Kabilang diyan ang pananakit ng dibdib, hirap sa paghinga, at pag-ubo.
CONTINUE READING BELOWRecommended VideosSabi nga ni Dr. James Ioli, ang chief of podiatry services sa Harvard-affiliated Brigham and Women’s Hopital, “My approach is to consider potential problems in each of the body’s systems, such as the heart and blood vessels, bones, and skin.”
Paalala pa ni Dr. Ioli na kapag nagpatingin ka sa doktor, ibahagi mo ang lahat ng iyong nararamdam at naoobserbahan. Alalahanin kung bigla na lang bang namaga ang mga paa o matagal na itong nangyayari, pati na kung isa o parehong paa ang apektado at may ibang kulay na. Malaking tulong ang pagsasabi mo para matukoy ng doktor ang sanhi ng pamamanas ng paa.
0 Comments