Sabi Ng Mga Doktor Na Daddy Rin, Ganito Ang Ginagawa Nilang Pampatulog Ng Baby

  • Paano patulugin ang sanggol ng mahimbing ang isa sa pangunahing alalahanin ng mga magulang, lalo na kung first time nilang magkaanak. Maganda rin kasing oportunidad iyan para makasabay ng tulog sina mommy at daddy.

    Unang-una, malaking factor ang edad para epektibong mapatulog si baby. Ito ay ayon sa sleep coach na si Gabrielle Weil sa artikulong isinulat niya noon para sa SmartParenting.com.ph. Nagbigay din siya ng age-by-age guide para sa kaalaman ng mga magulang tungkol sa pagtulog ng sanggol.

    Paano patulugin ang sanggol base sa edad

    Mula pagkapanganak ni baby, may mga pag-uugali at pangangailangan na dapat mong malaman at maintindihan bilang magulang. 

    Newborn (0 to 8 weeks)

    Sa panahong ito, gusto lang matulog ni baby at iyan lang talaga ang gagawin niya. Kaya sabi ng sleep coach, hindi pa kailangan ng sleep training para sa newborn. Ang mainam daw na gawin ng magulang ay sundin ang hilig ng anak at magmasid lang muna. Makakatulong din daw kung isulat mo lahat ng iyong obserbasyon sa isang journal.

    Infant (2 to 4 months)

    Pagtungtong ni baby sa 2 months, marahil manibago at mahirapan ka nang patulugin ang iyong anak. Sabi ng sleep coach, ito ang “most challenging window for any new parent.” Natututo na raw kasi ang infant ng mga bagay na magpapagulo ng inyong routine at hindi na lang siya basta matutulog.

    Kaya payo ni Weil, talasan ang iyong paningin nang hindi makalusot ang sanggol. Nariyan  ang pagtangka niyang dumapa pero hanggang kalahati pa lang (half roll). Maaari mo na raw umpisahan ang sleep training nang maaga itong matutunan ni baby.

    ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW

    Infant (4 to 7 months)

    Sa puntong ito, malimit nang magising ang sanggol sa gabi na tila pinipigilan ang antok. Paliwanag ng sleep coach na nagiging handa na si baby sa “day and night sleep guidance” para sa permanenteng istilo ng pagtulog. Kaya payo niya na magkaroon ng “long-term sleep plan.”

    Infant (8 to 10 months)

    Nagkakaroon na si baby ng tinatawag na developmental leap. Bumibilis na daw ang pagtatrabaho ng kanyang brain at marami na siyang natututunang gawin. Kaya bilin ng sleep coach na maging matiyaga sa sleep training.

    Toddler (12 to 23 months)

    Pagkaraan ng isang taon ni baby, hindi ka raw puwedeng makampante sa pagpapatulog sa anak. Mas mahirap pa raw kasi natututo na ang batang maglakad at hindi mapirmi sa paghiga.

    Kung hindi mo pa rin daw naturuan ang anak na matulong mag-isa, maaaring mahirapan ka nang ituro pa lang ito sa toddler. Pero huwag daw mawalan ng pag-asa basta kailangan lang ng mas maraming pasensya.

    Tips kung paano patulugin ang sanggol ng mahimbing

    Base sa kanilang mga karanasan bilang daddy, nagbigay ng payo ang mga doktor pampatulog kay baby. Isa riyan si Dr. Jerome Tahil, isang surgeon na general practitioner naman ang asawang si Dr. Remy Tahil. Mayroon silang apat na anak.

    Sabi ni Dr. Tahil, ganito ang kanyang mga paraan:

    • Habang nakahiga, ipatong ang sanggol sa dibdib hanggang makatulog ito.
    • Kung nakatayo naman, isayaw-sayaw ang sanggol at tapik-tapikin.
    • Kung nakahiga naman, puwede ring tapik-tapikin o di kaya ipasok ang  daliri sa tenga ni baby.
    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

    Ayon naman kay Dr. Ronald John Unico, isang general practitioner, nakatulong ang kanyang mga paraan sa pagpapatulong ng kanyang tatlong anak noong mga baby pa ang mga ito. Kabilang diyan ang:

    • Bigyan ng gatas ang sanggol bago patulugin.
    • Siguraduhin na kumportable ang tulugan ng sanggol. Dapat daw hindi pinagpapawisan si baby, kaya paypayan daw ito  kung kinakailangan.
    • Maglagay ng maliit na unan sa tagiliran ng sanggol para maramdaman daw nito na may katabi siyang matulog.
    • Sikapin na hindi maingay ang tutulugan ni baby dahil madali raw itong ma-distract.
    • Subukan na laruin si baby bago matulog para naman daw mabawasan ang energy nito at mas madaling makatulog.
    • Bigyan ng sponge bath at palitan ng damit si baby upang presko ang pakiramdam bago matulog.
    • Habang nakahiga si baby, tapik-tapikin at kantahan ng lullaby.

    Kapag hindi umubra ang alin man sa mga paraan na iyan, sabi ni Dr. Unico, baka hindi pa lang talaga inaantok si baby. Enjoy mo na lang daw muna ang moment ninyong mag-ama nang hindi ma-stress kung paano patulugin ang sanggol ng mahimbing.

    What other parents are reading

Post a Comment

0 Comments