-
Maraming aspeto ng pagiging magulang ang hindi madali—kabilang na dito ang potty training.
Kaya naman maraming mga mommies ang humanga sa host at celebrity mom na si Iya Villania nang matagumpay niyang maumpisahan nang maaga ang potty training para sa kanyang panganay na si Primo.
Ang mga techniques na ginamit niya kay Primo ay siya niya ring ginamit kay Leon at ngayon naman, kay Alana.
Isa sa mga nauna na niyang tips ay ang pagsisimula nang maaga. Ayon sa kanya, mas challenging kapag mas malaki na ang bata.
“Medyo a little harder when they’re bigger because they’re stronger and [they] resist sitting on the toilet,” sabi niya sa comments section ng kanyang post. “That’s why I prefer to start early.”
Ito rin ang sinabi ni Iya nang ibahagi niya ang kanyang mga potty training techniques, Mayo ngayong taon, sa pamamagitan ng isang Facebook live session sa kanilang official page na Life with the Arellanos. Narito ang kabuuan ng kanyang mga techniques.
Potty training tips from Mama Iya
Start early, but take it slow
“In our house, we like to start early and we try to take things slow,” sabi niya. “When they’re really young, they don’t have the ability to communicate what they feel [and] what they want.”
Ayon sa kanya, nagsimula siyang i-potty train si Primo nang mag-isang taong gulang ito. “Siguro mga one, kaya na ‘yan,” sabi niya raw sa sarili niya. “Kasi nakakaupo na siya, naglalakad na siya.”
“But to mu surprise, with Leon, we were able to start much earlier,” kwento niya. Kahit siya raw ay nagulat dahil four months old pa lang noon si Leon.
ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOWPinapaliguan niya raw ito nang maisip niyang iupo ito sa toilet. “To my surprise, at four months, when I sat him on the toilet, in a matter of seconds, he pooped!”
Ang pinagkaiba nina Leon at Primo, ayon kay Iya, mas Walang resistance kay Leon dahil nagsimula ito nang maaga.
Tip pa ni mommy Iya, kung magkasunod ang mga anak mo, bago mo pa man ipanganak ang pangalawa, mas maganda kung potty trained na ang panganay.
Be consistent!
Kwento ni Iya, napansin niya kay Alana na gumigising ito nang 4:30 ng umaga para mag-poop at bumabalik sa pagtulog hanggang 5:30 ng umaga.
Napansin niya ang routine na ito kaya dito niya naisip na Iupo na si Alana sa toilet para maging pamilyar ang bata dito.
“Take them when you know they normally poop, like in the morning or before bath time, and then make it a routine,” payo niya.
Kailangang lahat din ng miyembro ng pamilya ay handa at willing tumulong para consistent ang practice.
Be familiar with your child’s pooping routine
“It can be in the morning or 30 minutes after feed or it can be before bath time,” sabi ni Iya. Ang mahalaga ay alam mo kung tuwing kailan kailangang magbanyo ng anak mo.
Ang cue kung kailan mo dadalhin ang anak mo sa toilet ay dapat manggaling sa anak mo at hindi sa iyo o sa yaya na nag-aalaga sa kanya.
Avoid giving fluids at night as much as possible
Sabi ni Iya, bandang 7 ng gabi o kapag malapit na ang bedtime, hindi na siya nagbibigay ng liquids sa mga bata para na rin maiwasang maihi ang mga ito sa kama.
CONTINUE READING BELOWRecommended VideosInvest in good waterproof mats for the bed
“You can find really good ones na cotton. Para lang din siyang kumot,” sabi ni Iya. Sa ganitong paraan, hindi mo kailangang pagsuotin ng diaper ang anak mo.
“When he knows that it gets really uncomfortable at night when he wets the bed, eventually, he or she will learn to wake up and tell you,” dagdag pa niya.
Be patient!
Hindi agad makukuha ng mga anak mo kung ano ang dapat nilang gawin kaya kailangan mo ng mahabang mahabang pasensya.
Sabi pa ni Iya, importanteng i-manage mo ang iyong expectations.
Practice walking to the toilet!
Malaki rin ang maitutulong kung alam ng anak mo kung saan niya kailangang pumunta kapag kailangan niyang mag-poop or pee.
Bukod pa sa mga nabanggit, huwag mo ring kalimutang magbigay ng positive reinforcement! Mahalaga ring maging handa sa ano mang posibleng aksidente o Iyong mga pagkakataong hindi aabot ang mga kids sa banyo.
Nakaka-stress ang potty training, lalo na kung talagang struggle para sa anak mo na makuha kung anong dapat gawin.
Huwag ma-pressure o madisappoint dahil bahagi ito ng lahat ng potty training journey.
Pwede mong panoorin ang buong Facebook live video ni Iya dito:
ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOWPwede ka ring sumali sa aming Facebook group na Smart Parenting Village para sa iba pang potty training tips mula sa mga nanay na tulad mo.
0 Comments