10 Tips Para Mawala Ang Stress At Iwas Sigaw, Galit, O Pagkapikon

  • Editor’s Note: Ang sumusunod ay for educational at informational purposes lamang. Huwag pong gamitin ito na kapalit ng doktor. Mahalaga na kumunsulta sa doktor para sa medical advice na bagay sa pangangailangan mo.

    Hindi makakaila ang pagtaas ng stress levels nang magsimula ang pandemyang dulot ng COVID-19. Kaya may tinatawag na ngayong pandemic stress at coronavirus anxiety. Pero panay din ang paalala ng health officials na alagaan ang mental health at kung paano ba mawala ang stress sa panahong ito.

    Mahalaga ang paalalang ito lalo bilang magulang. Hindi mo lang kasi iniisip ang kalusugan ninyong pamilya para maiwasan ang pagkakasakit ng COVID-19. Nandiyan pa rin ang aspetong pinasiyal. Kailangan mong magtrabaho kahit nasa bahay at nag-aasikaso ng pangangailangan ng lahat. Kabilang pa diyan ang homeschooling ng mga anak. Hindi mo tuloy mapigilan ang sarili na sumigaw, magalit, at mapikon.

    Ano ang stress at mga dulot nito?

    May iba-ibang depinisyon ang stress bawat tao, ayon sa mga eksperto ng American Institute of Stress. Ang most common daw ay “physical, mental, or emotional strain or tension.” Isa pang popular definition nito bilang “a condition or feeling experienced when a person perceives that demands exceed the personal and social resources the individual is able to mobilize.”

    Ngayong pandemic, ayon naman sa United States Centers for Disease Control and Prevention (CDC), normal lang na makaramdam ng stress, anxiety, grief, at worry. Kadalasan daw lumalabas ang mga ganyang karamdaman sa pamamagitan ng:

    • Halo-halong takot, galit, lungkot, pag-alala, pagkamanhid, at pagkawala ng pag-asa
    • Nagbabagong appetite, energy, desires, at interests
    • Hirap sa concentration at paggawa ng mga desisyon
    • Hirap sa pagtulog o di kaya sumasama ang panaginip
    • Biglang pagsakit ng ulo, tiyan, at katawan, pati na pagsulpot ng rashes
    • Lumalala ang paninigarilyo, pag-inom, at iba pang bisyo
    • Gumagrabe ang dati nang problema sa medical condition at mental health
    ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW

    Paano ba mawala ang stress?

    Bilang tugon sa pandemic stress, may mga suhestiyon ang CDC na puwede mong gawin.

    Bawasan ang panonood o pagbabasa ng news kahit sa social media

    Bagamat mahalaga raw na maging informed sa balita, nakakataas ng stress levels ang ganitong gawain kapag nasobrahan ang pagtutok mo. Sikapin na limitahan ang pag-alam sa news ng ilang beses lang sa isang araw. Subukan din na iwasan paminsan-minsan ang paggamit ng telepono, TV, at computer.

    Alagaan ang sarili

    Malaking tulong daw ang simpleng paghinga ng malalim, lalo na kung itutuloy sa breathing exercises, meditation, at exercise. Kumain din daw nang tama at matulog nang sapat. Iwasan naman ang sobrang paninigarilyo, pag-inom, at iba pang bisyo.

    Isa pang paraan ng pag-alaga sa sarili ang pag-unwind para gawin ang mga bagay na nakakapag-relax at nakakapagsaya sa iyo. Huwag mo din daw kalimutan ang iyong regular checkups at pagsisikap na makatanggap ng COVID-19 vaccine.

    Palakasin ang support system

    Kahit limitado pa rin ang pakikipagkita nang personal, magagamit naman ang online means para komonekta sa iba pang tao bukod sa mga kaanak at kaibigan. May mga samahan o organisasyon na mahahanap online.

    Tips para mawala ang stress ni mommy

    Kahit overwhelming ang nangyayari ngayon, posible pa rin na mamuhay nang balanse ang lahat ng aspeto sa buhay. Ito ay ayon kay Erin A. Kurt, ang may akda ng librong Juggling Family Life: A Step-By-Step Guide to Stress-Free Parenting

    Makakatulong daw tandaan at sundin ang ganitong tips:

    First things first

    Alamin kung ano ang “urgent” at pinakaimportante sa listahan ng iyong gawain para sa araw. Iyon daw ang unahin mo at saka na lang ang hindi masyadong urgent at importante.

    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

    Establish a realistic routine with your kids

    Imbes daw na tutukan ang “ideal” na gagawin niyo ng mga anak, piliin ang “realistic.” Dagdag stress lang daw kapag hindi natupad ang magarbo mong plano.

    Be firm but loving in your manner of discipline

    Kapag daw hindi nawala ang pagiging mapagmahal mo kahit dinidisiplina mo ang mga anak, mas lalo ka raw nilang irerespeto. Kaya bago ka raw sumigaw at magalit, subukan muna  kausapin ang mga bata.

    Take a moment to cool down

    Dahil daw sa stress, mas madaling uminit ang iyong ulo at umiksi ang pasensya. Kaya mainam daw na magpalamig ka muna bago magpatuloy sa iyong gawain at hintayin na kalmado ka na.

    Do something you love doing whenever you have the chance

    Hindi raw kailangan gumastos para sa iyong “Mommy Me-time.” Maaring magbasa ng libro kung iyon ang hilig mo o kaya manood ng Korean drama at iba pang palabas. Kung online shopping naman, huwag lang masyadong mapadala sa excitement ng sale o bargain.

    Bond with Mom

    Kung may isang tao raw na perfect para sa bonding session, iyon ay ang iyong nanay. Siya rin kasi ang lubos na nakakaintindi ng iyong mga pinagdadaanan.

    Share the load

    Hindi mo solong kargo ang pagpapalaki ng mga anak. Dapat niyo itong pagsaluhan ng iyong asawa o partner. Kung solo parent ka naman, maaari kang humingi ng tulong sa mga kamag-anak o kaibigan.

    Look Good… Feel Good!

    Sabi nga nila, huwag kalimutan ang sarili kahit malimit na inuuna ang mga anak. Nakakabawas daw ng stress kapag maganda ang nakikita mo sa salamin sa tuwing titignan mo ito.

    ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW

    Invest more on quality time rather than quantity time

    Talaga raw mahirap hati-hatiin ang oras sa dami ng dapat gawin at asikasuhin. Palagi lang daw isipin na kapag oras para sa mga anak, ibuhos mo ang atensyon sa kanila. Huwag na munang pansinin ang notification sa telepono o computer.

    “Later” doesn’t have to mean “Never”

    Minsan, imposible na talagang gawin lahat ng ipinangako mo sa mga anak na gagawin. Puwede mo silang sabihan ng mamaya o sa ibang araw na lang, pero hindi kailanman. Ipaliwanag lang sa mga anak kung bakit at nang hindi ka na mag-alala kung paano ba mawala ang stress.

    What other parents are reading

Post a Comment

0 Comments