-
Isang ginang sa South Africa ang nanganak kamakailan ng sampung sanggol, ayon sa mga ulat. Si Gosianne Thamara Sithole na raw ang may hawak ng world record ngayon kung mapapatunayan.
Ang asawa ni Gosianne, 37, na si Tebogo Tsotetsi ang nagkuwento sa Pretoria News na laking gulat nila nang isilang ang kanilang sampung anak. Pito raw ang lalaki at tatlo naman ang babae.
Sabi pa ni Tebogo sa interview na naganap katatapos lang ng panganganak: “I am happy. I am emotional. I can’t talk much.”
Ang nangyaring panganganak ng sampung sanggol–decuplets ang tawag sa kanilang magkakapatid–ay kinumpirma ng isang opisyales ng South Africa sa ulat ng BBC. Pero inamin nitong hindi pa nakikita ang mga sanggol.
Nang kausapin naman ng BBC ang isang kamag-anak ng mag-asawang Gosianne at Tebogo, sinabi nitong 10 daw talaga ang ipinanganak. Lima raw ang sa pamamagitan ng natural vaginal birth at Cesarean section naman ang natitirang lima.
World record sa kasalukuyan
Nakausap na rin ng BBC ang pamunuan ng Guinness World Records, at sinabi nitong iniimbestigahan na nila ang kaso ni Gosianne. Sa kasalukuyan, ang may hawak ng world record ay ang babaeng nanganak ng walong sanggol sa United States noong 2009.
Pero nitong May 2020, nanganak ang 25-year-old na si Halima Cisse ng siyam na mga sanggol, at kasalukyang maganda raw ang kanilang lagay sa isang clinic sa Morocco.
Sabi pa sa ulat ng BBC, bihira ang multiple births na walang tulong ng fertility treatment. Pero sa kaso raw ni Gosianne, sa natural na pamamaran siya nabuntis ng kanyang asawa. Mayroon ng six-year-old twins na anak ang mag-asawa.
ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOWSamantala, “mystery” naman ang paglalarawan sa panganganak ng 10 babies sa ulat ng Associated Press. Nahihiwagan daw kasi ang mga kababayan ng mag-asawa sa South Africa dahil hindi pa sila lumalantad sa publiko.
Pero sa sumunod na ulat ng Pretoria News, nagpahayag ang tatay ng decuplets na masisilayan din ng mga tao ang mga sanggol sa tamang panahon.
CONTINUE READING BELOWRecommended Videos
0 Comments