Gaano Kaaga Dapat Turuan Ang Bata Ng Gawaing Bahay? May Tamang Edad Ba?

  • Walang hangad ang magulang sa anak na lumaking responsable at magtagumpay sa buhay. Kaya payo ng mga eksperto na simulan ang pagtuturo ng gawaing bahay (household chores) sa bata nang maaga. Paano nga ba malalaman ang tamang edad para dito?

    May ilang palatandaan, sabi ni Laura Grace Weldon, manunulat ng Free Range Learning (Hohm Press, 2010) at iba pang mga libro. Halimbawa raw kapag  nangungulit na ang toddler mo na tumulong sa pagtupi ng mga nilabhang damit.

    Imbes daw na sawayin ang bata at sabihan na maglaro na lang para matapos mo kaagad ang gawaing bahay, mas mainam kung hayaan mo siyang tumulong. Iyan daw kasi ang tamang pagkakataon para mahikayat ang natural na pagiging matulungin ng bata (child’s natural helpfulness).

    Dagdag pa ni Weldon, isa iyang “powerful way to promote positive development in all sorts of areas.” Lumalabas daw kasi sa research na ang mga batang tumutulong sa gawaing bahay ay mas malaki ang tyansa na maging matagumpay sa kanilang pagtanda.

    Binanggit ni Weldon ang mga datos na inalisa ng University of Minnesota professor na si Marty Rossmann sa nagdaang 20 years. Napagtanto ni Rossmann na ang paggawa ng gawaing bahay sa preschool years ay “best indicator” kung magiging matagumpay ang bata kapag young adult na ito.

    Kabilang sa batayan ng success ang pagtatapos ng pag-aaral, pag-abot sa career goals, at pagkakaroon ng magandang relasyon sa mga kapamilya at kaibigan. Hindi raw ganyan ang kaso sa mga young adult na natuto ng gawaing bahay noong teenager na sila. Malaki raw talaga ang natututunan mula sa gawaing bahay para humawak ng responsibilidad.

    ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW

    Kaya, sabi ni Weldon, hindi na kailangan ng magulang na gumastos para i-enrol ang anak sa kursong magtuturo sa bata kung paano lumaking responsable. Ang magulang mismo ang makakatulong sa pagbibigay ng gawaing bahay sa bata at pagkatiwalaan ito na kaya nang humawak ng responsibilidad kahit gaano kasimple ito.

    (May ilang tips tungkol sa household chores dito at dito.)

    What other parents are reading
    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

Post a Comment

0 Comments