Welcome To Balay Eduardo! Ipinasilip Ni Bettinna Carlos Ang Kanilang ‘Humble La Union Home’

  • “Sobrang blessing nitong bahay na ito. Malapit siya kung saan ‘yung pinapatayo namin na bahay namin talaga,” kwento ng celebrity mommy na si Bettinna Carlos sa kanilang pinakahuling vlog.

    Matatandaang kamakailan ay lumipat sina Bettinna, Gummy, at Mikki sa probinsya. Proud niya laging ibinabahagi ang kanilang mga abot-kayang ulam at simpleng pamumuhay.

    “It’s really the space that we need,” sabi niya, habang ipinapakita sa kanyang mga followers ang bahay na kasalukuyan nilang tinitirhan.

    Kwento ni Bettinna, paboritong bahagi niya ng kanilang bahay ang garahe. “Masaya ‘yung [may] poso, kasi kapag mainit, malamig ‘yung tubig sa poso,” sabi pa niya. Paborito rin daw nilang mag-ina na tumambay sa duyan na nasa garahe. “Maluwag ‘yung space to accommodate 8-10 people.”

    Kasya rin daw ang kanilang inflatable pool sa garahe nila. Jellyfish season din ngayon sa La Union kaya mas pinipili nilang lumangoy sa pool. “Delikado. Ilang beses nang na-jellyfish si Gummy, so we opted to buy a pool,” paliwanag ni Bettinna. “Yung pool na ‘yun, nalalamanan namin ng tubig kapag nag-ooverflow ‘yung tank namin—may instant waterfalls kami.”

    “Siguro isang bagay na na-aappreciate ko in this house, ang bedroom, dapat talaga pahingahan lang,” sabi niya. “Para ‘yung common space, it’s really for us to be together.”

    Magandang tip ito kung struggling kang bawasan ang screen time ng anak mo.

    Pangarap din daw ni Bettinna na magkaroon siya ng kahit maliit na piraso ng taniman na pwede niyang lagyan ng mga herbs, kamatis, sili, at iba pa.

    Pagdating naman sa kung saan siya pinaka nahirapan pagdating sa paglipat, ikinwento niyang naging concern niya ang safety at security. Sabi niya, sa condo, “May guardhouse ka, may reception, may keycard ‘yung floor ninyo, versus dito sa house na bukas na bukas.”

    ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW

    Marami ring nadiskubre si Bettinna tungkol sa sarili niya at sa kanyang asawa simula nang lumipat sila sa probinsya. “My husband is so wise with money,” kwento niya. “I’m the type na I don’t care how much it is, as long as it’s nice to my eyes.”

    Noong namimili raw sila ay inaayawan niya ang mga plastic na lalagyan. Pero naisip rin niyang maayos din namang gamiting ang mga ito. “I-nembrace ko siya. Lahat yata ng Orocan na makita ko—balde, batya, tabo, basurahan,” biro niya. “Which is not so bad after all.”

    “God revealed to me that I have a problem with materialism,” pag-amin ni Bettinna. “If there’s anything else about living in this temporary home, na-rerefine ‘yung pag-delay ko ng gratification.”

    “I realized, pwede namang hindi bumili kaagad. Pwede namang i-build ko na lang siya,” dagdag pa ni Bettinna.

    Looking forward din daw ang celebrity mom na matuto ng mga bagong skills at mag-aral ng mga bagay tulad ng carpentry.

    “I am learning to live by essentials,” kwento pa niya. “It’s the people and not the place that makes a house a home.”

    Panoorin ang kabuuan ng mga realizations ni Bettinna dito:

    Buhay probinsya na rin ba kayo simula nang magkaroon ng pandemic? Kumusta ang transition? I-share ang inyong experience sa comment section. Pwede rin kayong sumali sa aming Facebook group na Smart Parenting Village.

    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

Post a Comment

0 Comments