Sugat-Sugat Ang Anit? Baka Hindi Lang Dahil Sa Balakubak

  • Editor’s Note: Ang sumusunod ay for educational at informational purposes lamang. Huwag pong gamitin ito na kapalit ng doktor. Mahalaga na kumunsulta sa doktor para sa medical advice na bagay sa pangangailangan mo.

    Kung naghahanap ng gamot sa sugat sa ulo dahil sa balakubak, mainam na alamin muna kung ano ang sanhi nito. Baka kasi may ibang dahilan ang pagsusugat sa anit o scalp at hindi lang ito dulot ng simpleng dandruff.

    Tinatawag na balakubak o dandruff ang mga puting butil (white flakes) sa anit na kapag kinamot ay nalalagas at lumalagpak kadalasan sa mga balikat. Kapansin-pansin ang mga ito kapag itim ang iyong kasuotan.

    Pagsusugat sa ulo dahil sa balakubak

    Hindi seryosong kondisyon ang balakubak, ayon sa mga eksperto. Katunayan, magagamot ito sa paggamit ng anti-dandruff shampoo at ilang home remedies (basahin dito). Pero maaaring sintomas din ang balakubak ng mas malalim na problemang pangkalusugan. Dito na posibleng pumasok ang pagsusugat ng anit.

    Seborrheic dermatitis

    Ang seborrheic dermatitis ay isang pangkaraniwang sakit sa balat (dermatitis). Ito ang dahilan ng pangangati at pamumula ng balat, lalo na kapag natural na oily ang iyong balat.

    Pero mas malaki ang papel na ginagampanan dito ng skin fungus na Malassezia, na siyang nagdudulot ng iritasyon sa sebaceous glands ng anit. Nagkakaroon tuloy ng immune response at nagdudulot ng scaly rash.

    Bukod sa anit, inaatake rin nito ang iba pang parte ng katawan na madalas maging oily, tulad ng:

    • Dibdib at likuran
    • Mukha at noo
    • Paligid ng ilong
    • Likod ng mga tenga
    • Pusod at tiyan
    • Mga kilay
    • Singit ng braso at binti
    ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW

    Kung mild case, sabi pa ng mga eksperto, maaaring gamitin bilang gamot sa sugat sa ulo dahil sa balakubak ang over-the-counter shampoo na may taglay na selenium, zinc pyrithione, o di kaya coal tar.

    Para sa mas matagalang gamutan, puwedeng resetahan ka ng iyong doktor ng antifungal shampoo na mayroong ciclopirax o di kaya ketoconazole. Kailangan mo lang sundin ang directions sa paggamit ng shampoo at kung gaano kadalas itong gawin.

    Scalp psoriasis

    Isa pang skin disease ang psoriasis na puwedeng umatake sa iba-ibang parte ng katawan. Kung sa anit ka tinamaan, makakaramdam ka ng pagkapal ng balat na kung tawagin ay scab. May kaputian ang itsura ng mga it, pero puwede ring silver o di kaya gray.

    Kung hindi pa malala ang iyong kondisyon, maaari kang resetahan ng doktor ng medicated shampoo, na kadalasang gawa sa tar o salicylic acid. Makakatulong ito upang mabawasan ang scabs at maibsan ang pangangati mula sa mga ito.

    Sakaling di mawala ang pangangati at gumrabe pa ang kondisyon mo, maaaring resetahan ka na ng topical ointments o di kaya injections. Kung mayroon ding pamamaga sa kulani (lymph nodes), posibleng pagamitin ka rin ng antimicrobial creams.

    Atopic dermatitis

    Kung mayroon kang skin condition na eczema, sabi ng American Academy of Dermatology Association (AAD), malamang maapektuhan nito ang iyong anit. Kilala rin ito bilang atopic dermatitis.

    Magdudulot ang atopic dermatitis ng pamumula at balakubak sa iyong anit. Dagdag pa diyan ang pangangati at pakiramdam ng nasusunog na balat, kaya kilala rin ito bilang scalp burns.

    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

    Para makasiguro sa paggamot nito, mainam na magpatingin sa dermatologist para mabigyan ka ng tama at akmang treatment plan.

    Allergic contact dermatitis

    Isang posibleng dahilan ng pagkakaroon mo ng makakating balakubak na nagdudulot ng pagsusugat ng anit ay ang allergic contact dermatitis. Nangyayari ito kung hindi ka hiyang sa ginagamit mong shampoo o pangkulay ng buhok.

    Puwede ring dahil sa hindi masyadong nababanlawan ang buhok kaya may mga naiiwan na particles mula sa shampoo. Naiirita tuloy ang iyong anit kaya nangangati ito at nagkakaroon pa ng balakubak.

    Mainam na huwag ka na munang mag-shampoo at obserbahan na lang kung ano ang magiging reaksyon ng iyong anit. Kung magpatuloy ang iritasyon at pagsusugat, kailangan mo nang magpatingin sa doktor upang mabigyan ka ng gamot sa sugat sa ulo dahil sa balakubak.

    What other parents are reading

Post a Comment

0 Comments