Posibleng Magdulot Ng Erectile Dysfunction Ang COVID-19 Batay Sa Mga Studies

  • Napag-alaman kamakailan sa dalawang pag-aaral na may posibleng epekto ang pagkakasakit ng kalalakihan mula sa COVID-19 sa kanilang abilidad na magkaanak.

    May nakita kasi ang mga researcher na ugnayan sa pagiging infected mula sa coronavirus at hindi pagkakaroon ng erection ng lalaki. Erectile dysfunction ang tawag sa ganitong kondisyon at sanhi ng pagkabaog (impotence).

    Ang unang pag-aaral ay ginagawa sa United States, ayon sa ulat ni Bruce Y. Lee, isang professor at digital health expert, sa Forbes.

    Sangkot dito ang dalawang lalaki na gumaling mula sa COVID-19 pero nagdusa naman sa erectile dysfunction, base sa pagsubabay sa kanilang kuwento ng The World Journal of Men’s Health.

    Sa sobrang lala ng erectile dysfunction ng dalawang lalaki, napagpasyahan daw nilang sumailalim sa penile implant surgery. Dito nila nakilala ang grupo ng mga researcher mula sa University of Miami Miller School of Medicine.

    Sinuri ng grupo ang ilang sample ng penile tissue ng mga pasyente. Kumuha rin sila ng ilang sample mula naman sa dalawang lalaki na hindi nagkasakit ng COVID-19 para makumpara nila ang mga resulta.

    Lumabas sa eksaminasyon na mayroon ang dalawang dating pasyente ng COVID-19 na coronavirus particles malapit sa kanilang blood vessel endothelial cells. Matatagpuan ang mga cells na ito sa blood vessels sa penile tissue.

    Maaaring iyon daw ang dahilan kung bakit hindi gumagana ang kanilang endothelial cells at iba pang parte ng sistema.

    Mahalaga ang mga blood vessels na iyon sa mga kalalakihan, paliwanag ni Lee, dahil nakadepende sa blood flow ang kakayahan nilang magkaroon ng erection.

    ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW

    Ang ikalawang pag-aaral ay ginagawa naman sa Italy sa pangunguna ng grupo mula sa University of Rome. Nailathala ang kanilang study sa medical journal na Andrology.

    Sinuri ng mga researcher ang resulta ng online survey na tumakbo sa Sex@COVID mula April 7 hanggang May 4 ng taong 2020.

    Sa mga kalalakihang lumahok sa survey na 100 sexually active, 25 ang nagpositibo sa COVID-19. Silang 25 ang may mataas na insidente ng erectile dysfunction (28 percent) kumpara sa 75 na hindi nahawaan ng coronavirus (9.33 percent).

    Silang 25 rin ang may higit pa sa 5.6 times na posibilidad na magkaroon ng erectile dysfunction. Sa kabilang banda, iyong mga dati nang mayroong erectile dysfunction, may 5.2 times na posibilidad na mahawa naman ng COVID-19.

    What other parents are reading
    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

Post a Comment

0 Comments