Magandang Pantanggal Boredom Itong DIY ‘Flower Sensory Soup’ Ni Mommy

  • Palagi naming sinasabing hindi kailangan ng mga bata ng mga mamahaling laruan para mag-enjoy at matuto sila.

    Ilang beses na rin iyang pinatunayan ng mga nanay sa aming Facebook group na Smart Parenting Village. Maraming mga DIY sensory play toys at activities na ang naitampok namin sa mga Smart Parenting articles.

    Narito ang isang kakaiba mula sa isa sa mga miyembro ng aming influencer group na Smart Parenting Mom Network.

    Kwento ni mommy Joselle Ona, sayang naman ang mga bulaklak na natanggap ng mga nanay noong Mother’s Day kung itatapon lang.

    “Maraming mga nanay ang nakatanggap ng bouquet noong Mother’s Day,” sabi niya. “Pero ‘pag nagsimula nang malanta, ‘wag muna natin itapon. Those can still be used for a fun and sensorial activity.”

    Para malibang ang mga anak niya, gumawa siya ng tinagurian niyang ‘flower sensory soup’. Madali lang itong gawin.

    PHOTO BY Joselle Ona

    Ipunin lang ang mga dahon at bulaklak na malapit nang malanta. Maganda kung mayroon pa ring kulay at kaunting amoy ang mga ito.

    ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW

    Ilagay ang mga naipong dahon at bulaklak sa isang batya na may tubig. Pwedeng scented at pwede rin namang hindi. Sa ginawang ‘soup’ nina mommy, nilagyan niya ang tubig ng kaunting scent.

    Magpatugtog ng kahit anong relaxing music at saka bigyan ang mga bata ng tabo o ano mang pwedeng ipansandok sa mga bulaklak at dahon.

    PHOTO BY Joselle Ona

    “I assure you this is definitely going to buy you up to an hour of me-time!” sabi pa ni mommy Joselle. Gustong-gusto raw ng mga anak niya ang amoy. “It’s a perfect transfer activity for your toddler, too!”

    “This is a perfect activity to ‘extend’ the use of those flowers in your bouquets,” sabi pa ni mommy.

    PHOTO BY Joselle Ona
    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

    Pwede rin kayong gumamit ng mga fake flowers kung sakaling wala kayong mga tunay na bulaklak. Bukod sa tipid, pwede pa itong paulit-ulit na gamitin.

    Maraming mga benepisyo ang sensory play. Kung hindi ka pa pamilyar dito, ito ang uri ng paglalaro kung saan gumagana ang lahat ng limang senses ng anak mo. Kabilang dito ang touch, smell, taste, sight, at hearing.

    Napakadali lang ring ihanda ng sensory play. Kahit anong bagay kasi sa bahay ninyo ay pwedeng gamitin sa klase ng paglalaro na ito. Basta ang mahalaga ay ang texture, amoy, kulay, at hugis ng mga bagay na paglalaruan ninyo.

    Paalalahanan lang ang mga bata na ang mga laruan tulad nito ay hindi kinakain. Siguraduhin ding babantayan mo si baby tuwing maglalaro kayo ng sensory play para makaiwas sa ano mang disgrasya.

    Kayo, anu-anong sensory play toys at activities ang ipinasubok ninyo sa mga anak ninyo? I-share ang inyong mga pinagkakaabalahan sa comment section. Pwede rin kayong sumali sa aming Facebook group na Smart Parenting Village para makakita ng iba pang inspirasyon para sa sensory play.

    What other parents are reading

Post a Comment

0 Comments