-
Kung 90 percent daw ng mga bagong mommy ay maraming struggle sa breastfeeding, sabi ni Luane Dy, doon daw siya sa natitirang 10 percent na wala masyadong hirap sa pagpapadede.
Nagkuwento si Luane sa “Flores de Mommies,” ang online event na inorganisa ng GMA Artist Center kamakailan. Siya at ang kanyang mister na si Carlo Gonzalez ay talent ng Kapuso network.
Ang panganay ng celebrity couple na si Christiano ay nag-one year old nitong April 30, 2021. Aniya, magaling mag-latch ang baby boy nila.
Sabi ni Luane, “Ang pinaka-struggle ko na lang was ’yung oversupply. Grabe ang milk supply ko, eh. Intense…Hindi lahat kayang i-pump ng electric pump. Hindi niya rin nauubos.”
Kaya lang daw, dugtong ni Luane tungkol sa anak, “Nakakaawa rin kasi pagni-nurse kami, breastfeeding, nalulunod siya. Parang sprinkler ang kinakain niya. Eh, baby, di ba, makikita mo, bigla na lang siya…” Umarte pa si Luane na parang nalulunod.
ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOWDagdag niya, “Nakakatakot kasi baby ’yun, pero so far, okay naman. Hindi ko na-experience ang struggles ng breastfeeding moms na nakakatakot.”
“Hindi naman sisiw,” paliwanag niya “pero hindi siya gano’n kahirap. Sabi nila, about 90 percent of new moms talaga nagsa-struggle sa breastfeeding. I think ’yung 10 percent na hindi masyado, kasama ako do’n.”
Sa sobrang dami ng breast milk ni Luane, nabigyan niya ang kapwa niya GMA-7 artist na si Max Collins, na hindi naman daw sapat ang milk supply.
CONTINUE READING BELOWRecommended Videos
0 Comments