Huwag Umasa Sa Fetal Doppler Para Mapanatag Ang Loob Sa Kalagayan Ni Baby

  • Editor’s Note: Ang sumusunod ay for educational at informational purposes lamang. Huwag pong gamitin ito na kapalit ng doktor. Mahalaga na kumunsulta sa doktor para sa medical advice na bagay sa pangangailangan mo.

    Para sa isang buntis, walang kaparis ang saya kapag narinig sa unang pagkakataon ang tibok ng puso ng sanggol sa sinapupunan. Totoo nga na buhay ang iyong dinadala at napapanatag ang iyong loob. Napapaisip ka tuloy kung paano malalaman ang heartbeat ng baby ano mang oras na kailanganin mo.

    Mga dapat alamin tungkol sa heartbeat ng baby

    Sa pagtungtong mo sa ika-limang linggo ng pagbubuntis, nagsisimulang tumibok ang puso ng iyong sanggol nang kusa o spontaneously. Pero, sabi ng What to Expect, hindi mo talaga maririnig ito.

    Pero kapag daw sumailalim ka na sa iyong first-trimester ultrasound, na kadalasang nirerekomenda sa loob ng ika-anim at ika-siyam na linggo ng pagbubuntis, may pagkakataon ka nang marinig ang heartbeat ni baby. Nangyayari ito habang ang iyong doktor o kaya ang trained sonographer ay kumukuha ng images mula sa iyong sinapupunan.

    Kung wala ka pang naririnig na heartbeat, huwag ka naman daw kaagad mag-alala. Baka mahiyain lang daw si baby kaya nagtatago ito sa bandang likuran ng iyong matris o di kaya nakatalikod naman. Hindi tuloy siya mahanap ng instrumentong Doppler kung tawagin.

    Sa susunod mong bisita sa doktor para sa ultrasound ulit, mas malaki na ang tyansa mong marinig nang maliwanag ang heartbeat ni baby. Bumibilis na rin kasi ang tibok ng kanyang puso at may ganitong heart rate:

    ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW
    • Week 6: 11o times per minute
    • Week 8: 15o to 170 beats per minute
    • Week 9 to 10: 170 beats per minute
    • Week 20: 140 beats per minute
    • During labor: 110 to 160 beats per minute (normal fetal heart rate span)

    Paano malalaman ang heartbeat ng baby kung nasa bahay

    May paraan para ma-monitor mo ang heartbeat ni baby kahit hindi magpunta sa ospital. Ito ay sa pamamagitan ng handheld fetal doppler na nabibili over-the-counter sa drugstores at kahit pa sa online shopping sites.

    Pero hindi rekomendado ng mga eksperto na gamitin ang handheld fetal doppler na walang gabay ng health care professional.

    Sabi nga ng United States Food and Drug Administration (FDA): “When the product is purchased over the counter and used without consultation with a health care professional taking care of the pregnant woman, there is no oversight of how the device is used.”

    Dagdag pa ng U.S. FDA: “Also, there is little or no medical benefit expected from the exposure. Furthermore, the number of sessions or the length of a session in scanning a fetus is uncontrolled, and that increases the potential for harm to the fetus and eventually the mother.”

    Katunayan, may mga kasong sangkot ang maling paggamit ng handheld fetal doppler sa pagkalagay sa panganib ng buhay ng buntis at kanyang pinagbubuntis.

    Imbes na handheld fetal doppler, ito ang rekomendado ng doktor

    Nagbigay ng paliwanag si Dr. Maynila Domingo, isang obstetrician-gynecologist na ispesyalista sa maternal-fetal medicine, nang mag-guest siya How Po Series ng SmartParenting.com.ph. Tinalakay niya sa Episode 2 ang paksang “The New Normal In Pregnancy And Childbirth (Part 1).”

    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

    Lahad ni Dr. Domingo: “There’s no harm in using doppler, but we do not generally recommend that. Because it can sometimes give you a false sense of security.”

    Ang napi-pick up daw kasi ng fetal doppler ay sound waves, at hindi ito ang ginagamit ng mga doktor para marinig ang heartbeat ni baby sa iyong sinapupunan. Ginagamit nila ang doppler sa pag-interpret ng pattern sa heartbeat ng sanggol para malaman kung ito ay mahina o distressed.

    Walang ganyang kakayahan ang mga buntis o sino man ang kasama nila sa bahay gagamit ng doppler kung wala silang sapat at tamang pagsasanay.

    Kaya imbes na fetal doppler, mas pabor si Dr. Domingo na bantayan ang galaw sa iyong tiyan kung paano malalaman ang heartbeat ng baby. Iyan daw ang “clue mo na okay ‘yung bata.”

    What other parents are reading

Post a Comment

0 Comments