-
Iba na nga ang henerasyon ng mga nanay ngayon—dala na rin ng pagbabago ng panahon at patuloy na pag-evolve ng pangangailangan ng mga bata.
Sa U.S., lumalabas na ang millennial generation ang kasalukuyang pinakamalaking henerasyon na nabubuhay sa kanilang bansa. Millennials din ang henerasyon na tinatayang madalas paksa ng mga pananaliksik at pag-aaral.
Tulad ng iba pang henerasyon ng mga magulang, mayroon ding sariling marka na iniiwan ang mga millennial moms. Narito ang ilan sa mga iyan:
Ganito raw ang diskarte ng mga nanay ngayon
Tech-savvy sila
Hindi takot ang mga millennial moms na gamitin ang teknolohiya para sa ikagagaan ng kanilang mga buhay.
Halimbawa, ginagamit nila ang social media at mga online groups hindi lang para makahanap ng katuwang o kausap, kundi para na rin makakita ng mga sources ng murang bilihin at techniques para maging mas maayos na magulang.
Bagaman double-edged sword na maituturing ang internet at social media, hindi pa rin maikakaila na malaki ang naitutulong nito sa mga magulang ngayon.
Hindi lang trabaho ang trabaho
Para sa mga millennial moms, ang trabaho ay hindi lang paraan para magkaroon ng pagkakakitaan, maaari rin itong maging adbokasiya o hobby.
Ayon sa pag-aaral, minsan ay mas pinipili ng mga millennial moms ang mas magandang career development at purposeful work kaysa sa mataas na sweldo.
Health-conscious sila
Magaling sa kompromiso ang mga millennial moms, pero hindi nila kailan man ikokompromiso ang kalusugan ng kanilang pamilya.
Maraming mga millennial moms ngayon ang mas pinipiling magluto ng healthy food. Conscious na rin ang mga nanay pagdating sa dalas ng physical activities ng kanilang mga anak.
ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOWBagaman kailangan pa ng practice, unti-unti nang namamaster ng mga millennial moms ang kahalagahan ng self-care.
Inaasahan nilang tumulong si daddy
Tapos na ang panahong nanay lang ang nasa bahay at nag-aalaga ng mga bata. Alam ng mga millennial moms na may responsibilidad din si daddy, hindi lang sa pagta-trabaho, kundi pati na rin sa mga gawaing bahay at pagpapalaki sa mga bata.
Hindi takot ang mga millennial moms na sabihin kung anong expectations nila sa mga partners nila.
Bukas ang isip nila
Alam ng mga millennial moms na walang isang tamang paraan para maging nanay. Bukas ang isip nila na ngayon, iba-iba ang styles ng mga nanay at okay lang iyon.
Ang problema na ngayon ay hindi ang paghahanap ng impormasyon tungkol sa kung paano maging magulang, kundi ang pagpili ng paraan na akma sa pamilya.
Marami na ring mga millennial moms ngayon ang kumbinsido na mabuti silang nanay o kung hindi man kumbinsido ay mas aware na ginagawa nila ang lahat ng kanilang makakaya para sa kanilang pamilya.
Mayroon mang nakakaramdam ng pressure, mas marami ang kayang ‘patawarin’ ang kanilang sarili pagdating sa kanilang mga parenting choices.
Agree ba kayo sa mga bagay na ito tungkol sa millennial moms? Paano kayo naiba sa kanila? I-share niyo ‘yan sa comment section. Pwede rin kayong sumali sa aming Facebook group na Smart Parenting Village.
CONTINUE READING BELOWRecommended Videos
0 Comments