Tapos Na Ako Sa 1st Dose ng COVID-19 Vaccine. Puwede Ba Ang Ibang Brand Sa Aking 2nd Dose?

  • Inanunsiyo ng Department of Health (DOH) nitong May 8, 2021 ang pagdating sa bansa ng 2 million doses ng COVID-19 vaccine na gawa ng AstraZeneca, isang British-Swedish pharmaceutical company.

    Pagkalipas ng apat na araw, si Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso naman ang nagbalitang naihatid na sa kanilang siyudad ang 7,020 doses ng bakunang likha ng Pfizer mula sa United States.

    Ayon pa sa ulat ng Philippine News Agency (PNA), nakatanggap din ang lungsod ng karagdagang supply ng AstraZeneca at Sinovac, isang Chinese brand na una nilang initurok sa mga kuwalipikadong residente. Bukod pa diyan ang nauna na ring ginamit na Gamaleya Sputnik V na mula sa Russia.

    Sa pagdating ng iba-ibang brand ng COVID-19 vaccine sa bansa at paglawak ng vaccination program, dumarami rin ang mga tanong ng mga mamayanan. Isa na riyan ay kung puwede bang magkaiba ang brand na iturok sa kanilang una at pangalawang dose.

    May paliwanag si Dr. Anna Ong-Lim, isang pediatric infectious disease specialist at chief ng Infectious and Tropical Disease (Pediatrics) ng UP Philippine General Hospital. Siya ang naging guest speaker sa Sandwich Sessions na inorganisa ng Summit Media para sa mga writers at editors nito, kabilang ang SmartParenting.com.ph.

    ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW

    Sabi ni Dr. Ong-Lim, wala pang sapat na datos tungkol sa paggamit ng magkaibang brand ng COVID-19 vaccine dahil bago pa lamang uri ito ng bakuna. Pero sa ngayon daw, ang rekomendasyon ng mga eksperto ay magkaparehong brand ang gamitin para sa una at pangalawang dose, basta raw sundin ang tamang proseso.

    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

    Dagdag pa niya, “Currently the only recommendation that is uniformly applied is you take Dose One, and you wait for the appropriate interval. You take Dose Two with the same variety of vaccine, and you expect to be protected to some extent after that vaccination regimen.”

    What other parents are reading

Post a Comment

0 Comments