Posibleng Makaiwas Sa Pagtaba Mula Sa Ice Cream, Sabi Ng Mga Eksperto

  • Isa sa paboritong pamatid-init ang sorbetes, kaya hindi nakakapagtakang araw-arawin o kahit pa maya-maya ang kain nito. Ang problema lang nasisira ang mahigpit sanang pagbabantay sa timbang at napupuno ang isip ng duda kung nakakataba ba ang ice cream.

    Kapag titignan kasi ang nutrition facts ng isang regular vanilla ice cream, ang 100 grams nito ay naglalaman ng:

    • 207 calories
    • 11 grams total fat (6.8 grams saturated fat)
    • 44 mg cholesterol
    • 80 mg sodium
    • 24 grams total carbohydrates
    • 0.7 dietary fiber
    • 21 grams sugar
    • 3.5 grams protein
    • 0.20 mcg vitamin D
    • 128.00  mga calcium
    • 0.09 mg iron
    • 199 mg potassium

    Ano ang The Ice Cream Diet?

    Samakatuwid, puno rin ang ice cream ng nutrients, lalo na kung simpleng flavor lang tulad ng vanilla. Kaya naman nabuo ang tinatawag na The Ice Cream Diet na nag-ugat sa libro na may parehong titulo at nailathala noong 2002. Isinulat ito ng American registered dietician na si Holly McCord, na siya ring nutrition editor ng Prevention magazine noong mga panahon na iyon.

    Sinasabi ni McCord sa kanyang libro na maaaring mag-enjoy sa pag kain ng ice cream nang hindi tumataba, bagkus pumapayat pa. Bukod raw diyan, puwede pang bumaba ang blood pressure at paliitin ang tyansa ng colon cancer. Makakatulong din daw ang ganyang diet para maibsan ang premenstrual symptoms.

    Nirerekomenda sa libro na magkonsumo ang mga taong sumusunod sa The Ice Cream diet ng 1,250 calories at kumain ng isang serving ng sorbetes kada araw para sa suma-total na 1,500 calories.

    Ayon sa ilang book review, mas madaling sundin ang The Ice Cream Diet kumpara sa iba pang diet program. Pero isa pa rin ito tinatawag na fad diet na puwede ring magdulot ng masamang epekto.

    ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW

    Kapag daw kasi paulit-ulit ang pag kain ng isang klase ng pagkain, nakakasama rin sa kalusugan. Mainam na komunsulta muna sa doktor bago sundin ang ano mang diet program at malaman kung nakakataba ba ang ice cream.

    Mga uri ng ice cream na posibleng makaiwas sa pagtaba

    Bagamat may hatid na healthy nutrients ang sorbetes, paalala ng mga eksperto na ang main ingredients pa rin ng regular ice cream ay full fat milk at sugar. Kaya malaki pa rin ang posibilidad na magdagdag ng timbang, lalo na kung kakainin ito nang madami at madalas. Payo nila na subukan ang mga alternatibo sa tradisyunal na sorbetes.

    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

    Vegan/plant-based/non-dairy ice cream

    Tinatawag na vegan ang mga taong naniniwalang hindi dapat kumain o komunsumo ng ano mang mula sa hayop. Kaya doon sila sa ice cream na walang bahid ng animal product tulad ng gatas mula sa baka.

    Sa halip, gumagamit sila ng ibang gatas para makagawa ng ice cream. Kabilang diyan ang coconut, soy, almond, at cashew milk, pati na pea protein. Mainam daw ito para sa kalusugan ng puso dahil sa taglay na monounsaturated fat.

    Sa kabilang banda, ayon sa registered dietician na si Anna Taylor ng Cleveland Clinic, maaaring mataas din sa saturated fat at sugar ang ganitong uri ng ice cream.

    Sorbet

    Gawa ang sorbet mula sa whipped puree at wala itong halong gatas o dairy. Mas kaunti ang calories nito at halos walang saturated fat. Iyon nga lang daw, ayon kay Taylor, madalas na marami itong asukal kesa sa regular ice cream.

    ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW

    Sherbet

    Prutas ang pangunahing sangkap ng sherbet at may kaunting halo na gatas. Mas kaunti ang fat at calories nito, pero kadalasang mas mataas naman ang sugar content kesa sa regular ice cream.

    Frozen yogurt

    Sinasabing healthy food ang yogurt dahil sa taglay nitong probiotics na napatunayang mainam sa kalusugan ng tiyan. Mas kaunti ang calroies at fat nito, pero iyong frozen yogurt ay kapantay lang sa sugar content ng regular ice cream.

    Light ice cream

    Bukod sa regular ice cream, mayroon na ring nabibili na light ice cream. Ibig sabihin, mas kaunti ang fat nito ng 25 percent at calories ng 33 percent. Pero mataaas pa rin daw ang sugar content.

    Para hindi na magtanong kung nakakataba ba ang ice cream, payo ni Taylor na kontrolin ang pag kain kahit ng sinasabing healthier alternative. Limitahan daw ang isang serving sa 2/3 cup ng minsanan na pag kain ng sorbetes.

    What other parents are reading

Post a Comment

0 Comments