Namumutla At Nahihilo? Baka Hindi Lang Dahil Sa Init Ng Panahon

  • Ngayong tumitindi ang init ng panahon, hindi nakakapagtaka kung bigla na lang namumutla at nahihilo. Mainam na bantayan ang kondisyon nang maiwasan hindi lang ang mga heat-related illness bagkus ang iba pang posibleng mga sakit.

    Namumutla at nahihilo dahil sa init ng panahon

    Nagbigay ng babala ang United States Centers for Disease Control and Prevention (CDC) tungkol sa heat-related illnesses, pati na ang mga senyales at dapat gawin nang maagapan ang kalagayan.

    Heat stroke

    Maaaring inaatake ang isang tao ng heat stroke kung bukod sa pamumutla at pagkahilo ay meron din siyang:

    • Body temperature na higit pa sa 39.4 degrees Celsius
    • Mainit, mapula, at tuyot at balat
    • Mabilis at malakas na pulso
    • Pananakit ng ulo
    • Pagduduwal at pagkalito hanggang himatayin

    Payo ng mga eksperto na kaagad ilayo ang pasyente sa mainit na lugar at dalhin sa may kalamigang parte. Sikapin din daw na pababain ang kanyang body temperature, ngunit iwasang bigyan ng maiinom. Huwag ding kalimutan na tumawag ng emergency.

    ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW

    Heat exhaustion

    Puwedeng nakakaranas ang isang tao ng heat exhaustion kung bukod sa pamumutla at pagkahilo ay mayroon pang ibang senyales tulad ng:

    • Matinding pagpapawis
    • Mabilis pero mahinang pulso
    • Pagsusuka
    • Pamumulikat ng mga muscle
    • Pagkahapo
    • Pananakit ng ulo
    • Pagkahimatay

    Bilin ng mga eksperto na dalhin kaagad ang pasyente sa may kalamigang lugar at luwagan ang kanyang kasuotan. Punasan ang kanyang katawan gamit ang basang tuwalya at painumin ng tubig.

    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

    Kung pagkalipas ng isang oras ay hindi pa rin bumubuti ang pakiramdam ng pasyente, dapat nang tumawag ng emergency.

    Namumutla at nahihilo dulot ng ibang sakit

    Bukod sa init ng panahon, may ibang mga dahilan kung bakit namumutla at nahihilo ang isang tao. Nagbigay ng paliwanag si Dr. Ronald John Unico, isang general practitioner, sa panayam niya sa SmartParenting.com.ph.

    Anemia

    Saad ni Dr. Unico tungkol sa pamumutla, “Kadalasang sanhi ay ang pagkakulang ng oxygen sa dugo. Halimbawa ay anemia. Ang pinakamadalas na klase ng anemia ay iron deficiency anemia. Dahil kulang ang oxygen sa dugo, namumutla ang balat at mga labi.”

    ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW

    Puwede ring senyales ang pamumutla ng iba pang karamdaman:

    • Problema sa circulation ng dugo
    • Problema sa heart at blood vessels
    • Chronic kidney disease
    • Mababang blood sugar

    Nagbigay ng payo si Dr. Unico sa madalas o hindi nawawalang pamumutla. Sabi niya, dapat ka nang magpatingin agad sa doktor upang malaman ang sanhi nito at mabigyan ka ng tamang gamot.

    Makakatulong din daw ang balanseng pagkain. Magagawa ito kung dagdagan ang iyong diet ng green, leafy vegetables at mga pagkain na mataas sa iron. Maaari rin daw uminom ng mga supplements tulad ng iron at multivitamins.

    Sa kabilang banda, ang pagkahilo naman, ayon kay Dr. Unico, ay madalas dahil sa problema sa loob ng tainga o inner ear. Sabi pa niya, “Itong parte na ito ang importante sa balance ng tao. Kapag may problema sa inner ear, madalas nakakaramdam ng pagkahilo.”

    Positional vertigo

    Sabi ni Dr. Unico, isang madalas na sanhi ay ang positional vertigo. Paliwanag niya, “Dahil sa biglang pagbago ng puwesto ng katawan o ng ulo, nasisira nang pansamantala ang balance o equilibrium sa inner ear na nagdudulot ng pagkahilo.”

    ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW

    Bukod sa positional vertigo, posibleng mga dahilan ng pagkahilo ang pagkakaroon ng infection o pag-atake ng migraine.

    Kung nahihilo ka, payo ni Dr. Unico na tumigil muna sa pagkilos at iwasan ang biglaang pagkilos ng katawan. Kadalasan daw nawawala rin ang pagkahilo kahit pahinga lang ang gagawin.

    Pero kapag dumadalas at tumitindi ang pagkahilo, kailangan mo na raw magpatingin sa doktor upang masuri ka nang mabuti at mabigyan ng karampatang gamot. Dagdag pa niya, may mga gamot na maaaring inumin para makatulong sa pagkahilo.

    Mayroon din daw mga head at body exercises na makakatulong para maiwasan ang madalas na pagkahilo. Bilin niya pa na kapag galing sa pagkahiga, dahan-dahan sa pagbangon at pagtayo, lalo na kung namumutla at nahihilo ka na.

    What other parents are reading

Post a Comment

0 Comments