-
Nang magsimula ang sunog sa Philippine General Hospital (PGH) nitong madaling araw ng Linggo, May 16, 2021, abala ang nurse na si Kathrina Bianca Macababbad sa kanyang gawain sa Neonatal Intensive Care Unit (NICU). Iyon na pala ang araw na masasabi niyang “longest night shift duty!”
Kuwento ni Kathrina sa kanyang Facebook post noong araw ding iyon: “Enjoy na enjoy pa ako nagpapaligo ng mga baby loves (patients) ko ng biglang may nagbukas ng pinto ko at sabi ay mag-prepare ng mag-evacuate dahil may sunog.”
ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOWBase sa tono ng kanyang kuwento, lubhang nag-alala ang nurse para sa lahat ng 35 na sanggol sa NICU. Kasi raw, “ventilator dependent ang lima sa anim na patients ko, isa lang ang naka-room air.”
CONTINUE READING BELOWRecommended VideosDagdag pa niya, “Nakakaiyak na habang bitbit ko ‘yung mga kayang huminga mag-isa, maiiwan ‘yung mga naka-intubate at ventilator.”
Sa pagpapatuloy ng kanyang salaysay, sinabi ni Kathrina na biglang may naisip sila ng kasamang si Jomar Mallari na paraan para mailikas ang lahat ng mga sanggol nilang pasyente, kabilang na ang mga may nakakabit na machine support.
Lahad niya, “Pagdating sa open area sa baba, ewan ko kung ano sumapi sa amin ni Jomar Mallari at bumalik kami sa taas para ma-evacuate din ‘yung ibang baby na naka-ventilator.”
Ang ginawa raw nilang dalawa ay kumuha sila ng Ambu bag, na tinatawag ding big valve mask, bilang manual resuscitator. Naghagilap din daw sila ng iba pang kagamitan.
ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOWSabi pa ni Kathrina, “Nag-ambu bag while carrying the baby ang scenario. Nakapag-shopping rin ako ng emergency equipments (pang-intubate, ambubag, ETs, oxygen cannula, emergency meds, pang swaddle ng baby, IV fluids, syringes), pinagkasya ko lahat sa ecobag na bitbit ko.”
Nakailang beses daw silang pumanik-panaog sa gusali para maibaba per batch ang mga sanggol nilang pasyente.
Saad niya, “Sa pang limang akyat-baba namin sa 4th floor NICU, namatay na pipe in oxygen at kuryente kaya naman even intubated patients, binaba na rin namin.” Sa huli, nailikas nilang lahat ang 35 NICU babies, pati na ang mga critical at intubated.
Laking pasalamat ni Kathrina na naitawid nila ang malaking pagsubok. Aniya, “Thank you Lord for the unwavering strength and courage!!! Di ko alam kung saan nanggaling iyon pero wala akong naramdamang takot sa dibdib ko.”
Nagpasalamat din siya sa iba pang mga tao sa ospital na nasusunog nang mga oras na iyon, gaya ng “doctors, nurses, NAs, UW, security guard, RTs and firemen!”
ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOWMay pahabol pang mensahe si Kathrina: “We made sure na lahat ng babies ay may baby tags. Pati crib tag dinikit namin sa diapers nila to avoid baby switching.”
0 Comments