Bakit Utot Nang Utot Si Baby? Ang Mga Dahilan At Senyales Na Kailangan Ang Doktor

  • Kung first-time mommy ka, marahil nag-alala ka na rin minsang napansin mong utot nang utot ang iyong baby. Normal daw na magkaroon gassy baby ayon sa mga doktor, lalo na sa babies na 2 linggo hanggang 4 na buwan pa lamang.

    “Gas is a normal part of the digestive process, but it’s also involved in most intestinal complaints,” paliwanag ni Jeremiah Levine, M.D., direktor ng pediatric gastroenterology ng isang New York Hospital sa Parents. “Too much gas is usually a symptom that something else is going on.”

    Mga dahilan kung bakit utot nang utot si baby

    Dalawa ang pangunahing sanhi ng madalas na pag-utot ni baby: ang hanging kaniyang nalulunok at ang hindi pa sapat na pag-digest ng pagkain o gatas na kaniyang iniinom.

    Underdeveloped digestive system

    “Newborn digestive systems are immature, so they produce a lot of gas, and this is normal. Infants also take in a lot of air while feeding and crying, which produces more gas,” dagdag na paliwanag ni Samira Armin, M.D., sa Parents.

    ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW

    Mayroong pag-aaral na isinagawa sa Netherlands. Natuklasan dito na mataas ang proteobacteria sa gut ng mga sanggol na 2 weeks hanggang 4 months old pa lamang. Sa ganitong edad, hindi pa sapat ang bacteria flora na tumutulong sa pag-digest ng gatas.

    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

    Bukod sa underdeveloped pa ang digestive tract, nahihirapan pa din ang digestive system ni baby na ma-break down ang lactose, proteins, fats, carbohydrates, at iba pang nutrients ng gatas dahil sa labis na gas. Hindi komportable at nagiging iritable tuloy ang iyong baby.

    Maling posisyon o paraan ng pagpapasuso

    “When feeding your baby, make sure her head is higher than her stomach,” payo ni Jennifer Shu, M.D., isang pediatrician at co-author ng Food Fights: Winning The Nutritional Challenges of Parenthood Armed with Insight, Humor, and A Bottle of Ketchup.

    Para sa tamang posisyon ng pagpapasuso kay baby, hawakan mo ang baby sa paraang mas mataas ang ulo niya kaysa sa iyong suso. Maiiwasan ang posisyon na ito ang pagpasok ng hangin sa kaniyang tiyan.

    ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW

    Ganito rin ang paraan para ma-relieve ang gas kapag bottle feeding ang iyong ginagamit. Siguraduhing makakapag-burp ang baby pagkatapos niyang uminom ng gatas o kumain.

    Isang tip sa pagpapadede gamit ang baby bottle: I-shake muna ang formula upang mabawasan ang air bubbles sa gatas. Makatutulong din ang tamang anggulo at posisyon ni baby sa tuwing mag-burp siya.

    Allergy sa milk protein

    May mga baby na hindi hiyang sa formula milk. Maaari ding maging sanhi ng inflammation ang milk protein kaya utot din nang utot ang iyong anak. Ito ang dahilan kung bakit mas mainam ang gatas ng nanay kaysa formula milk.

    Kung minsan, nakararanas din ng paninikip ng dibdib, pagtatae, at rashes ang baby dahil sa allergy. Maaaring gumamit ng hypoallergenic formula upang maiwasan ang allergy.

    Overfeeding

    Sa unang buwan mula noong ipanganak siya, doon pa lamang matututuhan ng digestive system ni baby kung paano ito dapat na gumana.

    Kung maaga mo siyang pakakainin ng solid food, siguradong daraan lamang ang pagkain at hindi ito madudurog o mapo-proseso. Makukulong ang gas sa kaniyang bituka, dahilan kung bakit umiiyak at iritable ang iyong anak.

    ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW

    Basahin dito ang mga overfeeding signs

    Overstimulation at madalas na pag-iyak

    Dahil sa hindi komportable ang baby, labis din ang kaniyang pag-iyak. Mas lalo siyang makalulunok ng hangin.

    Makatutulong kung iiwasan ang stressful at maiingay na mga lugar at sitwasyon na maaaring magdulot ng overstimulation sa iyong anak.

    Diet o pagkain ni mommy

    May mga pagkaing mataas sa sulfur. Ilan dito ang beans, broccoli, cauliflower, at iba pang mga gulay. Sa ganitong diet ng breastfeeding mommy, mild lamang ang amoy ng utot ng baby.

    Mayroong ding mga pagkain na mas nakapagpo-produce ng gas. Kapag ang diet ng ina ay mataas sa red meat at dairy, mas kapansin-pansin ang amoy ng utot ng baby.

    Tandaan ding kung higit na matindi ang amoy ng utot, posibleng indikasyon ito ng impeksyon o maling absorption ng nutrients lalo na ng lactose.

    Ilan pa sa mga pagkaing sanhi ng gas ang sumusunod:

    1. Bawang
    2. Sibuyas
    3. Pipino
    4. Beans
    5. Repolyo
    6. Cauliflower
    7. Mansanas
    8. Ubas
    9. Cherries
    10. Grains (wholemeal) with processed sugars
    ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW

    Senyales na kailangan kumonsulta sa doktor    

    Tamang posisyon ng breastfeeding, pagpapainom ng probiotics, pag-iwas sa mga pagkaing nagdudulot ng gas, at tamang pamamaraan ng pagpapakain ang ilan sa makapagpapaginhawa sa pakiramdam ng iyong baby. Maaaring makabuti rin kung paliliguan siya sa maligamgam na tubig.

    Hindi medical condition ang gas. Tandaan ang payo ni Dr. Levine na normal lamang ang pag-utot ng iyong baby. Ngunit ang labis na gas ay maaari ding sintomas ng iba pang problema.

    Kung naoobserbahan ang sumusunod kay baby, kumonsulta agad sa doktor.

    1. Lagnat
    2. Pagsusuka
    3. Nababawasan na timbang
    4. Mukhang maputla
    5. Pagtatae
    6. May dugo sa kanyang dumi
    7. Malaki o bloated ang tiyan
    8. Matigas a tiyan
    9. Paulit-ulit na colic o pag-iyak
    10. Pag-utot na oras-oras

    Ang mga sintomas sa taas ay maaaring mangahulugan na may infection sa gastrointestinal tract o may nakasagabal sa bituka ni baby. Kailangan mong ipaalam kaagad sa iyong pediatrician o magtungo sa ospital.

    What other parents are reading

Post a Comment

0 Comments