An Open Letter To My Son: ‘Mas Na-Appreciate Ko Ang Sarili Ko Dahil Sa Iyo, Anak’

  • Welcome to Real Parenting, a space where parents can share the joys, pain, and the mess of parenthood. Want to get something off your chest? Share your parenting journey? Email us at smartparenting2013@gmail.com with the subject “Real Parenting.” Click here to read more ‘Real Parenting’ stories.

    I’m sure fellow Nanays, Mamas, and Mommies can relate. Below is an open letter to my unico hijo. Happy Mother’s Day!

    Dear Alon,

    Alam mo ba? Noon mga panahong ipinapanalangin ka pa lang namin ng Papa mo, sandamakmak na ‘yung “to-do lists” ko?

    Dapat ganito, dapat gano’n. Ito ‘yung masusunod, ito ‘yung kalalabasan, plakado ang mga resulta.

    Ang mindset ko noon, “Hindi pwede ang pwede na.” ‘Yung best lang dapat. Kung paano ka aalagaan, paano ka palalakihin, paano ka didisiplinahin, paano ma-a-achieve with flying colors ‘yung mga milestones sa buhay mo. Ganern.

    Ang dami kong gustong ituro sa’yo paglabas mo. Nasa tiyan pa lang kita noon, ‘yung listahan ng mga gagawin ko e hindi na nabawasan.

    ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW

    Lalo pa ngang nadadagdagan habang lumalaki ka. (Haha!) Ang dami kasi naming pangarap ni Papa para sa’yo eh. Lahat ng pwede at kaya naming ibuhos sa’yo, gagawin namin—oras man ‘yan, resources, pagmamahal, atbp.

    Pero alam mo kung anong na-realize ko lately? Sa mura mong edad, ang dami mo na palang naituro sa akin.

    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

    Ang daming pagkakataon na ikaw ang naging gabay ko. Real talk: ang hirap kasi magpaka-nanay sa panahon ngayon.

    Ang taas-taas ng expectations tapos bibihirang ma-appreciate ‘yung efforts mo bilang asawa, bilang nanay, bilang tao, bilang ikaw.

    Dahil sa’yo, okay lang akong matawag na “MAMA” 24/7, hindi na Mamel, Mel, o Maria.

    ‘Punta ka kay Mama.’

    ‘Palit ng diaper kay Mama.’

    ‘Ayan na si Mama.’

    ‘Lagot ka kay Mama.’

    ‘Love ka ni Mama.’

    MAMA.

    Ngayong Mother’s Day, mas na-appreciate ko ‘yung sarili ko dahil sa’yo, Nak.

    Tinuruan mo si Mama na maging okay kapag hindi umaayon sa plano ang mga bagay-bagay at pagkakataon sa buhay.

    ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW

    Tinuruan mo si Mama na normal mapagod, normal magalit, normal umiyak, at normal sumabog sa mga araw na nakaka-overwhelm ang sitwasyon.

    Tinuruan mo si Mama na maging matatag at lumaban. Ikaw ang dahilan kung bakit ako bumabangon sa mga panahong alipin ako ng kalungkutan at self-doubt.

    Tinuruan mo si Mama na yakapin ang simpleng pamumuhay dito sa probinsiya—kuntento at sapat pero patuloy na nangangarap.

    Tinuruan mo si Mama na magtipid, ang husay ko na mag-budget ngayon. Hahaha! ‘Yung pang-add to cart para sa sarili ko, sa’yo na madalas napupunta. ‘Yung mga kapritso ko, ipapang-diaper at grocery na lang natin sa bahay.

    Tinuruan mo si Mama na mas pahalagahan ang oras kasama ang mga mahal sa buhay. Mas binibigyang prayoridad namin ni Papa na makasama ka at personal na masubaybayan ang paglaki mo.

    Tinuruan mo si Mama na maging masaya sa maliliit at malalaking biyayang dumadating at patuloy na dumarating—na hindi karangyaan o ano pa man ang tunay na magpapasaya at bubuo sa ating buhay.

    ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW

    Tinuruan mo si Mama na maging grateful sa mga taong patuloy na sumusuporta at nagmamahal sa ating pamilya.

    Tinuruan mo si Mama na mag-slow down, paulit-ulit mong pinapaalala na wala tayong karerang dapat salihan at panalunan—you humbled me in more ways than one.

    Tinuruan mo si Mama na maging selfless. Akala ko kasi ang galing ko nang magmahal noon, meron pa palang ile-level-up ‘yung pagmamahal na mayroon ako para sa inyo ng Papa mo—hindi natatapos at hinding-hindi mauubos.

    At ang pinakamahalaga sa lahat, tinuruan mo si Mama na mas manalig sa Taas, na isuko ‘yung mga bagay na ang hirap-hirap at masakit bitawan. Mas inilapit mo ako sa Kanya noong dumating ka, ‘Nak. Mas naging mabuting tao ako.

    Thank you for upgrading me every year, Alon. May kabuluhan na talaga ang buhay ko dahil sa’yo. I became a better person and the best Mama because of you. I love you so much.

    ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW

    Always,

    Mama

    Gusto mo bang ibahagi ang iyong journey bilang nanay? Pwede kang mag-email sa smartparentingsubmissions@gmail.com. Pwede ka ring sumali sa aming Facebook group na Smart Parenting Village

    What other parents are reading

Post a Comment

0 Comments