-
Editor’s Note: Ang sumusunod ay for educational at informational purposes lamang. Huwag pong gamitin ito na kapalit ng doktor. Mahalaga na kumunsulta sa doktor para sa medical advice na bagay sa pangangailangan mo.
Hindi maiiwasan na kabahan kapag may nakapa na bukol sa dibdib, at mag-isip na baka cancerous ito. Isa kasi ang breast cancer sa pangkaraniwang uri ng cancer na umaatake sa mga Pinay, ayon sa Department of Health. Tinatayang isa kada 13 ang maaaring magkaroon ng breast cancer, ayon naman sa Philippine Council for Health Research and Development.
Pero hindi naman kailangang maalarma kaagad, sabi ni Dr. Delia Keating, isang breast radiologist ng Memorial Sloan Kettering Cancer Center sa United States. Aniya sa isang artikulo, mas malaki ang tyansa na benign lamang at hindi cancerous ang bukol, lalo na kung may kabataan ka pa.
Mga uri ng benign na bukol sa dibdib
Maraming posibleng dahilan sa pagsulpot ng bukol sa dibdib na benign lamang, ayon naman sa mga eksperto sa Johns Hopkins Medicine. Makukumpirma lang ito kapag komunsulta ka sa iyong doktor.
Cyst
Ang cyst ay isang “fluid-filled sac” na tumutubo sa breast tissue. Nangyayari ito madalas sa mga kababaihan na may edad 35 hanggang 50, at mas madalas sa mga palapit na sa menopause.
Karaniwang lumalaki ang cyst at kumikirot kapag parating na ang menstruation, pero nawawala rin pagkatapos. Maaaring nangyayari ito dahil nahaharangan (blocked) ang breast glands.
Nagdedepende sa kinalalagyan ng cyst ang pakiramdam kapag nakapa mo ang bukol sa dibdib. Para itong paltos (blister) na pinalolooban ng tubig kung mababaw ang lokasyon nito sa dibdib. Medyo matigas naman ito kung nasa malalim na parte at natatabunan ng breast tissue.
ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOWPara makumpirma na cyst ang nakakapa mong bukol sa dibdib, kailangan mong sumailalim sa physical examination. Maaari ka rin sabihan ng iyong doktor na kumuha ng ultrasound test, at mammogram kung lampas 30 years old ka na. Sa ganyang age group kasi masyado pang sensitive ang breast tissue sa radiation, paliwanag ni Dr. Keating.
Fibroadenoma
Tinatawag na fibroadeoma ang nakapa mong bukol sa dibdib na buo at makinis sa pakiramdam. Hindi ito kumikirot at iba-iba ang laki sa bawat babae. Maaari itong tumubo kahit saang parte ng breast tissue, pero puwedeng lumipat ng posisyon. Pangkaraniwan ito sa may mga edad 20s hanggang 30s.
May mga fibroadenoma na kusang lumiliit at nawawala na lang, sabi ni Dr. Keating, pero meron din namang nananatili sa breast tissue. Makukumpirma ito ng iyong doktor sa tulong ng test at kadalasang hindi na kakailanganin ng treatment.
Paalala naman ng mga eksperto ng Johns Hopkins Medicine na puwedeng lumaki ang ganitong klase ng bukol sa pagbubuntis at pagpapadede. Kaya puwedeng payuhan ka ng iyong doktor na ipatanggal ito sa pamamagitan ng operasyon.
Dagdag pa nila na bagamat hindi cancerous ang fibroadenoma, may partikular na uri ang napag-alamang may koneksyon sa pagtaas ng panganib sa cancer. Lalo na raw kung may family history ng pagkakaroon breast cancer.
Breast tissue
Sabi ni Dr. Keating, posible ring ang nakakapa mong bukol sa dibdib ay mismong breast tissue. Meron daw kasing uri ng breast tissue na medyo malapad at makapal na parang bukol ang pakiramdam kapag hinawakan. Mapapaisip ka talaga, lalo na kung hindi ka pa nakaranas ng breast exam.
CONTINUE READING BELOWRecommended VideosFat necrosis
Tinatawag na fat necrosis ang kondisyon, kung saan may tumutubong bilugan at matigas, pero hindi naman kumikirot na bukol sa dibdib. Sanhi raw ang mga ito ng nasira at nadurog na fatty tissues sa breast tissue. Kadalasan itong nangyayari sa mga kababaihang may kalakihan ang mga suso o di kaya iyong mga nagkaroon ng pasa dahil nabunggo ang suso.
Bagamat hindi cancerous at hindi nito pinapataas ang tyansa na magkaroon ng cancer, payo pa rin ng mga eksperto na ipatingin sa iyong doktor ang ganitong uri ng bukol sa dibdib.
Sclerosing adenosis
Kilala sa tawag na sclerosing adenosis ang sobrang paglago ng mga tissue sa parteng lobules ng suso. May hatid daw itong pagkirot sa dibdib. Nakikita ang ganitong uri ng bukol sa dibdib kapag sumailalim ka sa mammogram. Kaya raw kadalasang sasabihan ka ng iyong doktor na sumailalim sa biopsy para makasiguro lang na hindi ito cancerous.
Basahin dito para sa breast self-exam at dito para bumaba ang tyansang magkaroon ng breast cancer.
Bukol Sa Dibdib? Mga Kailangang Malaman Bago Mag-Panic
Source: Progress Pinas
0 Comments