-
Editor’s Note: Ang sumusunod ay for educational at informational purposes lamang. Huwag pong gamitin ito na kapalit ng doktor. Mahalaga na kumunsulta sa doktor para sa medical advice na bagay sa pangangailangan mo.
Isa ang sakit ng ngipin sa mga mahirap tiisin, lalo na kung sa gabi umatake dahil hindi ka talaga patutulungin. Buti na lang may mga halamang gamot sa sakit sa ngipin na siguradong mayroon sa kusina mo. Maaari mo silang subukang gamitin habang hindi ka pa makapunta sa dentista.
Bakit sumasakit ang ngipin?
May iba-ibang sanhi ng pananakit ng ngipin o toothache, ayon sa mga eksperto ng Cleveland Clinic. Puwede raw mula sa maliit na bagay, gaya ng tinga sa ngipin, hanggang sa seryosong dental problem.
Tooth decay
Nagkakaroon ng toothache, na tinawag ding pulpitis, kapag ang pulp ng ngipin ay namaga at naimpeksyon, sabi ng mga eksperto. Ang pulp ay ang malambot na parte sa loob ng ngipin na nagtataglay ng blood vessels at nerves. Kadalasang resulta ito ng pagiging pabaya sa oral health.
Abscessed tooth
Kapag sinabing abscessed tooth, mayroong nana (pus) ang loob ng ngipin mo. Dulot ito ng bacterial infection. Dahil diyan, makakaramdam ka ng moderate to severe pain na maaaring umabot pa sa may tenga at leeg.
Tooth fracture
Kung sa hindi inaasahang pangyayari ay nabasag a o natapyas ang ngipin mo, maaaring magdulot ito ng pagkirot. Baka kasi napinsala ang outer shell ng ngipin, na kilala bilang enamel. Ito ang pumoprotekta sa inner pulp ng ngipin.
A damanged filling
Dental filling ang tinatawag ng mga Pinoy na pasta sa ngipin. Isa sa pinakapopular na gamit ng dental filling ay ang pagpuno (fill) sa parte ng ngipin na tinanggal ng dentista dahil sira o bulok na ito. Sa pagdaan ng panahon, lalo na kung hindi maalaga sa ngipin, maaaring matanggal ang pasta at magdulot ng pagkirot.
ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOWRepetitive motions
Puwedeng magdulot ng pinsala ang paulit-ulit na galaw sa loob ng bibig, tulad ng pagnguya ng bubble gum o di kaya paggiling ng mga ngipin (teeth grinding). Kung ilang taon mo na itong ginagawa, malamang hihina ang mga ngipin mo at tuluyang masira at sumakit.
Inflamed gums
Dahil pa rin sa bacterial infection, maaaring mamaga ang gilagid at sumakit hanggang sa ngipin. Ilan pang dahilan para sa inflamed o swollen gums ang maling pagsisipilyo at paggamit ng dental floss, pati na ang paninigarilyo at pagkakaroon ng iritasyon mula sa dental braces.
Teeth eruption
Kapag may tumutubong wisdom tooth, posibleng makaramdam ka ng kaunting discomfort at puwede ring tuluyang sumakit dahil sa pamamaga. Maaaring higit sa isa ang karagdagang mga ngipin bilang upper at lower third molars na matatagpuan sa pinakadulong bahagi ng bibig. May gamot para sa pamamaga ng wisdom tooth.
Hormonal imbalance
May koneksyon ang hormones sa dental health, ayon sa mga eksperto. Kaya may mga kababaihan na biglang sumasakit ang ngipin kapag panahon ng kanilang menstruation o di kaya buntis sila. Iyon namang palapit na ang menopause, may posibilidad na maging sensitibo ang kanilang mga gilagid at makaramdam ng kirot.
Halamang gamot sa sakit sa ngipin
Kung paano mawala ang sakit ng ngipin habang hindi ka pa kaagad makakapunta sa dentista, may ilang sakit ng ngipin home remedy ang dentistang si Dr. Evangeline de Guzman-Calimlim.
Una, magmumog ng maligamgam na tubig na may halong asin. Pagkatapos, uminom ng temporary pain reliever na nabibili over-the-counter. Pero kung wala ka nito sa bahay at walang mabilhan, subukan ang natural pain reliever, tulad ng halamang gamot para sa sakit sa ngipin.
CONTINUE READING BELOWRecommended VideosBawang
Suhestiyon ni Dr. Calimlim na magdikdik ng bawang at ipasak ito sa sumasakit na ngipin upang magsilbing pain reliever. Kapag daw kasi dinikdik ang bawang, lumalabas ang natural nitong antibacterial agent na allicin kung tawagin. Ito ang nakakapatay ng bacteria na sumisira ng ngipin.
Isa ang bawang sa sampung halamang gamot na iniendorso ng Departnment of Health (DOH). Marami kasi itong hatid na benepisyo (basahin dito), ligtas pang kainin, at siguradong meron nito sa iyong kusina.
Dahon ng bayabas
Isa pa ang bayabas na kasama sa listahan ng DOH. Noon pa raw unang panahon ginagamit ang bayabas bilang antiseptic, anti-inflammatory, anti-spasmodic, antioxidant hepatoprotective, anti-allergy, antimicrobial, anti-plasmodial, anti-cough, antidiabetic, at antigenotoxic.
Subukang ngumuya ng dahon ng bayabas kung saan masakit ang ngipin hanggang maibsan ang sakit. Puwede mo ring ilaga ang mga dahon sa tubig na may kaunting asin. Palamigin ang pinaglagaan at gawing pangmumog o mouth wash.
Luya
Marami ring hatid na benepisyo ang luya sa katawan. Kabilang diyan ang pagpapatibay ng ngipin at gilagid. Maghiwa lang ng ilang piraso ng luya, nguyain ito hanggang lumabas ang katas at saka ibabad sa masakit na ngipin.
Luyang dilaw
Kilala ang luyang dilaw bilang turmeric, na puno rin ng healing properties. Kabilang diyan ang anti-inflammatory at antibacterial. May nabibiling power form nito, at iyon ang mainam na ihalo sa kaunting tubig o di kaya honey para makagawa ng paste. Ipapasak ang paste sa sumasakit na ngipin hanggang bumuti ang pakiramdam mo.
Sibuyas
Kung okay sa iyo ang lasa ng sibuyas, puwede mo rin itong halamang gamot sa sakit sa ngipin. Maghiwa ng maliit ng piraso, ilagay ito kung saan sumasakit ang ngipin, at saka nguyain. May antimicrobial properties kasi ang sibuyas na tumutulong maibsan ang maga at kirot.
ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOWBasahin dito para sa gamot sa sakit ng ngipin pambata at dito kung problema ang sungki na ngipin ng anak.
5 Medicinal Plants Na Maaari Raw Gamitin Para Sa Sakit Ng Ngipin
Source: Progress Pinas
0 Comments