-
Bilang magulang, gusto mong matuto ang anak ng mabuting asal at tamang gawain. Kaya kaagad mo siyang pinagsasabihan para matama ang ginawa niyang mali. Pero kadalasan, dinadaan ng bata sa tawa o pag-iwas ang seryoso ninyong usapan.
Imbes daw na mainis ka o pagalitan mo pa lalo ang anak, may payo ang child developmental at parenting expert na si Claire Lerner. Aniya sa kanyang blog para sa Psychology Today, hindi sa walang pakialam, malasakit, o empathy ang bata, hindi pa nito alam kung paano harapin ang sitwasyon.
Katunayan daw, kung highly sensitive ang bata, nakakaramdam na siya ng hiya. Kaya dinadaan niya na lang sa tawa o pag-iwas ang pagtatama o pangangaral mo sa kanya. “Overwhelming” daw para sa bata ang buhos ng emosyon mula sa magulang, at ginagamit nilang “coping mechanism” ang pagtawa o pag-iwas.
Iyon nga lang, kadalasang negative ang reaction ng magulang. Siguro naiinis ka rin at nagiging frustrated sa anak. May suhestiyon si Lerner na puwede mong gawin kung, halimbawa, hindi ka pinapakinggan ng anak at hindi siya mapagsabihan.
Huwag mong pansinin ang pagtawa o pang-iinis ng anak
Kapag daw kasi paulit-ulit mong pagsabihan ang bata na tumigil sa pagtawa o pagbelat sa iyo, magpapatuloy lang daw ito sa ginagawang pang-iinis. Isa pang punto: hindi pa talaga alam ng bata kung bakit ganyan ang inaasal niya.
Huwag mo rin daw pilitin ang anak na tignan ka sa mata. Maayos mo na lang daw siyang hawakan at kalmadong magsalita ng ganitong: “Alam ko, ayaw mong pinagsasabihan ka ni mommy at ni daddy na ayusin ang inaasal mo.”
ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOWPag-usapan ninyo ang nangyari kapag kalmado na ang anak
Natural sa mga adult na gumamit ng logic para ituro sa mga bata ang dapat gawin. Pero ang mga bata, kapag “overwhelmed emotionally,” wala pa silang kakayahan na gamitin ang parte ng brain para makapag-isip mabuti at makahanap ng reason.
Mas makakabuti raw kung hintayin mo na lang humupa ang emosyon ninyong dalawa bago kayo mag-usap ulit at mapaliwanagan ang anak. Balikan ang nangyari, halimbawa, iyong parteng pinagsabihan mo siyang dahan-dahan sa paglapag ng baso sa inyong glass table.
Bigyan mo raw ng pagkakataon na sumagot ang anak at ibigay ang kanyang panig. Puwede mo rin daw siyang tanungin kung akala ba niya ay galit ka sa kanya o hinahanapan mo ng mali ang ginagawa niya.
Huwag pilitin na humingi ng sorry ang anak
Sabi ni Lerner, hindi siya pabor sa pagpipilit sa bata na humingi ng sorry. Una, nagiging mitsa ito ng “protracted power struggle.” Habang pinilit mo kasi ang bata sa ayaw niyang gawin, lalo siyang nagmamatigas.
Ikalawa, kadalasang pilit at hindi sinsero ang sorry ng bata dahil pinilit lang siya ng magulang. Kaya wala rin daw saysay ang paghingi ng dispensa na ito.
Mas mainam daw kung kausapin mo ang anak pagkatapos ng insidente at tanungin siya kung ano sa palagay niya ang epekto ng kanyang inasal sa ibang tao. Iwasan mo lang daw na maging judgemental sa pananalita sa bata at huwag siyang hiyain.
Subukan daw na ipaliwanag sa bata na hindi lang ibang tao ang apektado sa kanyang inasal bagkus siya mismo. Sabihin mo raw sa bata na magkakaroon ng negative o di kaya uncomfortable feelings ang ibang tao sa kanya. Kaya gusto mo siyang tulungan na mai-express ang feelings sa iba at tamang paraan.
CONTINUE READING BELOWRecommended VideosBasahin dito para sa karagdagang parenting tips.
Pinagsabihan Mo ’Tapos Tumawa Lang? Ito Ang Dapat Gawin Sa Anak Imbes Na Mainis
Source: Progress Pinas
0 Comments