-
Editor’s Note: Ang sumusunod ay for educational at informational purposes lamang. Huwag pong gamitin ito na kapalit ng doktor. Mahalaga na kumunsulta sa doktor para sa medical advice na bagay sa pangangailangan mo.
Hindi maganda sa pakiramdam kapag gumagrabe ang plema sa lalamunan, na para kang sinasakal at hirap huminga. Kaya mainam na alamin kung bakit ito nangyayari nang maiwasan mo ito.
Ano ang plema?
Ang plema (phlegm) ay isang uri ng mucus, ayon sa News in Health, na bahagi ng United States Department of Health and Human Services. Isang maliit na bahagi lang ng pagkakaalam natin sa mucus bilang uhog na produkto ng matinding sipon. May mas malaki pang ginagampanang papel ang mucus para mapanatiling malusog ang katawan.
Napapalilibutan ng mucus ang basang parte ng katawan, tulad ng bibig, sinuses, tiyan, bituka, at baga. Kahit daw ang mga mata ay may coating na gawa sa manipis na layer ng mucus. Nagsisilbing padulas (lubricant) ang mucus para hindi matuyot ang mga kailangang mga basang parte ng katawan.
Ang isa pa daw tungkulin ng mucus ay salain ang mga nasisinghot ng ilong, tulad ng alikabok at iba pang allergens, pati na microorganisms. Dumidikit sa mucus ang lahat ng sumasama sa paghinga papasok sa ilong. Ang problema lang kapag dumami ang mucus sa katawan.
Mga dahilan kung bakit dumadami ang plema sa lalamunan
Minsan napapadami ang paggawa ng katawan ng mucus, tulad ng phlegm. Matatagpuan ang phlegm o plema sa lungs at lower airways, na pumoprotekta laban sa germs at foreign contaminants, gaya ng iba-ibang uri ng polusyon.
ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOWKapag sinisipon
Ang sipon o common cold ay isang uri ng infection na dulot ng napakaraming uri ng virus. Ang pinaka-common sa mga ito ay ang rhinovirus. Naaapektuhan ng sipon ang upper respiratory tract, na binubuo ng ilong at lalamunan. Kaya dumadami ang plema sa lalamunan.
Kapag iritable ang sinus
Tuwing kapanahunan ng tag-ulan, karaniwan nang magkaroon ng karamdaman sa daluyan ng hangin sa katawan (upper respiratory tract) tulad ng sinus. Ito ang mga puwang sa paligid ng mukha na kapag nagkaroon ng impeksyon at pamamaga ay nagdudulot ng sakit na tinatawag na sinusitis.
Ang mga sintomas ng sinusitis ay halos pareho ng sa common cold. Kabilang diyan ang ubo, lagnat, baradong ilong, pananakit ng ulo, at madaling pagkapagod. Dumadami rin ang plema sa lalamunan dahil sa sinusitis.
Kapag umatake ang allergy
Kapag meron kang allergy, ibig sabihin nito ay naglalabas ang immune system mo ng mga antibodies para labanan ang mga bagay o mga pagkain kahit hindi naman talaga ito masama o magdudulot ng sakit. Ang overreaction na ito ng iyong immune system ang siyang nagdudulot ng allergy attacks.
Isang uri nito ang allergic rhinitis o hay fever, na tinatawag din paminsan-minsan na seasonal allergy. May mga panahon kasi, tulad ng pollen season, kung kailan madalas atakihin ang merong ganitong allergy.
Kasama sa mga sintomas nito ang pagbahing, pangangati ng ilong at mata, runny nose, nasal congestion, at pagluluha ng mata, pati plema sa lalamunan. Kaya naman minsan ay napagkakamalang sipon ang allergy na ito.
Kapag nalantad sa usok at polusyon
CONTINUE READING BELOWRecommended VideosHindi lang sa labas bagkus sa loob din ng bahay may polusyon. Nariyan ang usok mula sa sigarilyo at kagamitang may gas o liquified petroleum gas (LPG), pati na ang halumigmig (excess moisture). Nagdudulot ang mga ito ng iritasyon sa respiratory system at pag atake ng allergy. Kaya nagkakaroon ng mga sintomas, gaya ng plema sa lalamunan.
Kapag umatake ang acid reflux
Nangyayari ang acid reflux kapag ang laman ng tiyan, kasama na ang stomach acid, ay bumalik sa dinaanan na nitong esophagus. Ito ang tubo na kumokonekta sa bibig at tiyan. Kapag bumalik ang stomach acid sa esophagus, napipinsala ang larynx (voice box) at pharynx (throat).
Dahil diyan, nakakaramdam ng pag-init at paghapdi mula sa dibdib hanggang lalamunan. Tinatawag itong heartburn. Isa pang sintomas ng acid reflux ang pakiramdam ng may nakabara, at minsan dulot ito ng plema, sa lalamunan.
5 Dahilan Kung Bakit May Plema Sa Lalamunan
Source: Progress Pinas
0 Comments