Totoo Ang ‘Online School Fatigue,’ Sabi Ng Maraming Estudyante At Magulang

  • “Bakit parang ako ang naka-enrol?” Iyan ang isa sa mga nausong meme nitong COVID-19 pandemic, na nagsimula ng March 2020, tungkol sa struggle ng magulang at anak sa online learning. Pareho kasi silang nangangapa sa bagong sistema bilang epekto ng pandemya sa edukasyon.

    Bagong sistema ng edukasyon dahil sa pandemya

    Kabilang ang online learning o distance learning sa ipinatupad na blended learning approach ng Department of Education (DepEd) simula noong School 2020-2021 dahil ipinagbawal pansamantala ang face-to-face classes. Masyado raw kasing delikado para sa mga bata, guro, at kawani ng paaralan na magkahawaan ng COVID-19 virus.

    Sa blended learning approach, nagtuturo ang teacher sa kanyang mga estudyante sa pamamagitan ng iba-ibang platform, tulad ng online portals, radio, television, at printed o di kaya digital learning materials.

    Sa public schools, halimbawa, binibigay ng school representatives ang printed learning materials sa magulang ng mga estudyante. Karaniwan naman sa private school na gawin ang pagtuturo ng guro sa kanyang mga estudyante sa online class.

    Epekto ng pandemya sa edukasyon

    Nitong June 2021, inanunsyo ng DepEd na magpapatuloy ang blended learning approach sa School Year 2021-2022. Umaaray na ang mga magulang dahil hindi nga naman biro ang dinanas nilang hirap para maitawid lang ang nakaraang school year. Ika nga nila, “ginagapang” (basahin dito). Nakakaranas na sila ng tinatawag na online learning fatigue.

    Kaya marami sa nakausap ng preschool educator na si Thumby Server-Veloso ang nagsabing nais na nilang makabalik ang kanilang mga anak sa physical classroom. Sabi ni Mommy Mickey, na may toddler at grade-schooler: “For me honestly, fully face-to-face if possible. Kawawa na the kids since they haven’t been out and haven’t been able to actually see their classmates.”

    ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW

    Sabi naman ni Mommy Audrey, na may 8-year-old son: “Honestly, I cannot wait for face-to-face classes to begin. I worry about his social skills. Being in front of the laptop almost the whole day is not good for the kids, physically and mentally.

    “I also do not have the patience and ability to teach my child. I want to keep sacred the mother-son relationship we have and not taint it with the stress of being my son’s teacher as well.” (Basahin dito para sa distance learning problems.)

    Sang-ayon naman ang maraming estudyante. Sabik na raw silang makabalik sa kanilang dating classroom. Lahad ni Johanna, na 3rd grader: “I would like to go back to fully face-to-face classes, because I miss my teacher, my friends, and I have too much work when it’s online.”

    Dagdag naman ni Breanna, na 6th grader: “I would like to see us go from hybrid to a fully face-to-face set up. I think kids need to interact physically with each other for social development.”

    Paliwanag ni Vito, na 8th grader: “Because when you are being taught face-to-face, you can understand the teacher clearly, while on the other hand, online teaching can lead to lagging and disconnections.”

    Tugon sa epekto ng pandemya sa edukasyon

    May suhestiyon ang mga eksperto tungkol sa edukasyon sa new normal. Para epektibong makapagplano para sa hinaharap, ayon sa educator na si Cara Banson-Yulo, kailangan pag-aaral kung anong nangyari sa unang taon ng pandemya.

    Pagbabalik tanaw ng co-founder din ng Spark Discovery Center: “I remember sensing a lot of hesitation and worry from parents of young children considering online school. Understandably, there were those that resisted the demand it would take to support their child’s learning from home, those that questioned their child’s readiness for online schooling, and the few who held onto the idea that we’d be back in schools before year end 2020.”

    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

    Sabi naman ng isa pang educator na si Steph Barredo, “We know that the drastic change was not easy for all students, teachers, and parents, but know that we are all incredibly proud of everyone’s efforts.”

    Dagdag pa ng pinuno ng Remote Learning and Primary School Coordinators sa Keys School Manila na itong School 2021-2022 ay parehas sa nakaraang isang taon. Pero may “enhancements” na. Aniya, “I say similar because most schools will continue to provide their distance learning programs.”

    Samantala, naglabas ng ulat ang UNICEF na nagsasabing ang Pilipinas ay isa sa lima na lamang na bansa ang hindi pa nagpapabalik sa mga estudyante sa physical classroom para sa face-to-face o in-person classes. Malaki raw itong dagok sa karapatan ng lampas sa 27 million na Filipino students.

    Kinakampanya ng UNICEF ang “phased reopening of schools,” simula sa low-risk areas. Magagawa raw ito sa pamamagitan ng voluntary basis alinsunod sa proper safety protocols. Tunay na malaki ang epekto ng pandemya sa edukasyon.

    (Bisitahin ang Smart Parenting Classroom para sa iba pang impormasyon tungkol sa blended learning schools.)

    What other parents are reading

Totoo Ang ‘Online School Fatigue,’ Sabi Ng Maraming Estudyante At Magulang
Source: Progress Pinas

Post a Comment

0 Comments