Nagsimula Sa Craving! Kumikita Ngayon Ng P15,000 Si Mommy Sa Pagtitinda Ng Taho

  • Hindi inakala ni mommy Miriam de Guzman-Calimutan na ang simpleng craving nilang mag-anak ng taho ang magiging daan para makapagsimula sila ng negosyo.

    Kwento niya sa episode na ito ng Sweldoserye, nagsimula siyang magbenta ng kanilang homemade taho sa kanilang village. “Pagdating sa orders, hindi ako nawawalan ng araw,” sabi niya. “Every morning, meron ako.”

    Ito raw ang siyang nagtulak sa kanya para ibenta ang kanilang produkto online. “Inintroduce namin ‘yung Taho-Po in a bucket within a period of a month,” pagbabahagi niya.

    Buong pamilya nila ang tulong-tulong na naghahanda ng kanilang taho—mula sa mga lalagyan, hanggang sa delivery.

    Gusto mo bang magsimula ng ganitong business? Ikinwento sa amin ni mommy ang kanilang techniques, pati na rin kung magkano ang kanilang initial investment. Panoorin ang kabuuan ng interview dito:

    Mayroon ka bang kwentong sweldo na gusto mong ibahagi? Ipadala mo lang sa smartparentingsubmissions@gmail.com.

    What other parents are reading
    ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW
    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

Post a Comment

0 Comments