-
Walang ibang hangad ang magulang para sa anak kung hindi ang best, lalo na pagdating sa health at nutrition. Maaari mo itong magawa sa pamamagitan ng paghahain ng mga masustansyang pagkain para sa mga bata alinsunod sa balanced diet.
Ang balanced diet, ayon sa mga eksperto ng Children for Health, ay ang pag kain ng tamang dami ng Go, Grow, at Glow foods. Rekomendado nila sa mga bata na kumain nang hindi bumababa sa tatlong meals at tatlong snacks araw-araw. Ang ganyang dami raw ng pagkain ang magbibigay sa kanila ng energy sa buong araw. (Basahin dito para sa tamang portion.)
Ano ang 3 G’s para sa masustansyang pagkain?
Payo ng mga eksperto na tandaan ang tatlong food types, na kilala rin bilang 3G’s, sa pagpaplano at paghahanda ng pagkain ng mga anak. Sa ganitong paraan, masisiguro mo na naibibigay mo ang balanced diet at natatanggap naman nila ang proper nutrition. (Basahin dito ang gabay mula sa Pinggang Pinoy.)
Go foods
Tinatawag na Go foods ang mga pagkain na mayaman sa carbohydrates na siyang nagbibigay ng energy sa katawan upang makakilos at matuto. Ilang halimbawa ang kanin, tinapay, patatas, at pasta, pati na ang fats na margarine at butter.
Grow foods
Hitik naman ang Grow foods sa protein, na ang pangunahing trabaho ay gumawa at magkumpuni ng muscles. Ang mga pagkain din ito ang tumutulong sa mga bata na lumaki, tumangkad, lumakas, at maging malusog. Mga halimbawa nito ang karne, isda, itlog, gatas, manok, beans, seeds, at nuts.
Glow foods
ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOWGlow foods ang bansag sa mga pagkain na puno ng vitamins at minerals na nagpapatibay ng katawan laban sa mga sakit. Likas ang mga ito sa lahat ng pagkain, pero nangunguna diyan ang mga prutas at gulay. Malaki ang papel na ginagampanan nila para maging malusog ang buhok, balat, at mga kuko.
Masustansyang pagkain para sa mga bata
Payo pa ng mga eksperto na pakainin ang anak ng lima sa pitong food groups kada araw upang masiguro na nakukuha niya ang tamang nutrisyon. Bigyan pansin ang pitong food groups na ito:
- Meat
- Beans, nuts, at soybeans
- Grains
- Root crops
- Eggs
- Milk at dairy
- Fruits at vegetables
Dagdag pa ng mga eksperto na may patikular na sustansyang hatid ang bawat kulay ng prutas at gulay, gaya ng:
- Red–pinapanatiling malusog at malakas ang puso
- Orange–mainam sa mga mata
- Yellow–panlaban sa mga sakit at infection
- Green–pinapalakas ang mga buto, muscles, at blood cells
- Purple–pangkontra laban sa sakit sa puso at cancer
Bukod sa mga dapat ibigay sa mga anak, dapat alam din daw ng mga magulang ang mga hindi dapat ipakain at ipainom. Bilin ng mga eksperto na iwasan ang junk food at softdrinks bilang snacks, halimbawa. Sa halip, bigyan ang mga bata ng oatmeal, peanut butter sandwich, at kamote na nilaga o pinirito (camote cue at camote fries, ika nga).
Mga paraan upang masiguro ang masustansyang pagkain para sa mga bata
May mga batang medyo hirap talagang pakainin o di kaya sadyang pihikan sa pagkain. Kaya may mga payo ang mga eksperto sa mga magulang upang ganahang kumain ang mga anak.
CONTINUE READING BELOWRecommended VideosSubukan daw na bigyan ang bata ng food challenge. Sa tuwing magtagumpay siya sa pag kain ng bagong putahe na iyong ihahain, bigyan mo siya ng star bilang premyo. Malamang daw na maenganyo ang bata na kumain para makaipon ng mga star.
Isa pang tip ng mga eksperto ang paghikayat sa mga anak na sumali sa paggawa ng inyong household menu para sa buong linggo. Puwede ka raw gumamit ng visual aids kung saan may litrato ng mga pagkain mula sa pitong food groups. Pagkatapos, papiliin mo ang anak kung alin sa mga litrato ang gusto niyang isama sa mga putaheng ihahanda ninyo.
Kung talagang pahirapan ang pag kain ng bata, baka may mas malalim na dahilan bukod sa wala siyang gana o hilig sa pagkain. Makakatulong daw kung komunsulta ka sa pediatrician o di kaya sa nutrition counselor, na isang food expert. (May mga tips pa dito tunkol sa masustansyang pagkain para sa mga bata.)
0 Comments