-
Editor’s Note: Ang sumusunod ay for educational at informational purposes lamang. Huwag pong gamitin ito na kapalit ng doktor. Mahalaga na kumunsulta sa doktor para sa medical advice na bagay sa pangangailangan mo.
Minsan sa sobrang pag-iyak ng bata, minamalat siyang bigla. Nakakabahala tuloy sa panig ng magulang, kaya malamang ay napapaisip ka rin kaagad ng gamot sa paos na boses. Mainam kung obserbahan muna ang anak, ayon sa mga eksperto.
Sabi nila sa United Kingdom National Health Service (NHS), maaaring mayroong laryngitis ang bata kung bukod sa paos na boses, nakakaramdam din siya ng iba pang sintomas, tulad ng:
- Nakakairitang ubo na ayaw mawala
- Malimit tumikham (clearing the throat)
- Masakit at makati ang lalamunan (sore throat)
- Lagnat na 38 degrees pataas
- Walang ganang kumain o uminom
- Hirap huminga (pero bihira itong manggyari)
Ano ang laryngitis?
Tinatawag na laryngitis ang kondisyon ng lalamunan kung saan naiirita o di kaya namamaga ang voice box o vocal cords. Gumagrabe raw ang kondisyon sa ikatlong araw ng pagkakaroon ng laryngitis. Pero karaniwan daw itong gumagaling nang kusa sa loob ng isa hanggang dalawang linggo.
Sabi pa ng mga eksperto ng Mayo Clinic, may dalawang uri ng laryngitis.
Acute laryngitis
Ang kadalasang umaatake sa bata o matanda man ay ang acute laryngitis. Hindi raw ito nagtatagal at talagang temporary kung matutukoy ang dahilan nito. Narito ang common causes ng acute laryngitis:
- Viral infections, tulad ng sanhi ng sipon
- Vocal strain dahil sa sobrang pagsigaw o paggamit ng boses
- Bacterial infections, pero bihira itong mangyari
ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOWChronic laryngitis
Sinasabing chronic laryngitis kapag higit na sa tatlong linggo ang kondisyon at puwedeng magpabalik-balik kung may exposure sa sanhi nito. Posible ring mauwi ang chronic laryngitis sa vocal cord strain at injuries, pati na ang pagtubo ng polyps o nodules sa lalamunan.
Kabilang sa common causes ng chronic laryngitis ang:
- Inhaled irritants (chemical fumes, allergens, smoke)
- Acid reflux o gastroesophageal reflux disease (GERD)
- Chronic sinusitis
- Sobrang pag-inom ng alak at paninigarilyo (sa adults)
- Sobrang paggamit ng boses, lalo na kung singer o cheerleader
Puwede rin daw na sanhi pero hindi madalas (less common causes) ng chronic laryngitis ang:
- Bacterial o fungal infections
- Infections sangkot ang ilang parasites
Mga mainam na gawin kung paos ang boses dahil sa laryngitis
Para hindi na lumala pa ang kondisyon at mapabilis ang pagbuti ng pakiramdam, may mga paraan bilang gamot sa paos na boses dahil sa laryngitis. Payo ng mga eksperto na tulungan ng magulang ang anak na gawin ang mga sumusunod:
Iwasan ang vocal strain
Nagkakaroon ng vocal strain dahil sa sobrang paggamit ng boses. Kaya paalalahanan ang anak na huwag magdaldal at magsalita lang kung kailangan.
Panatilihing hydrated
Hindi raw dapat natutuyo ang lalamunan kung paos ang boses. Kaya painumin ng maraming tubig at iba pang fluids ang anak upang maiwasan ang hydration.
Iwasan ang allergens o triggers
Ilayo ang anak sa mga mausok at maalikabok na lugar. Kadalasan kasing allergens o triggers ang usok at alikabok kaya huwag nang bigyan pa ng exposure ang anak sa mga ito.
Bigyan ng over-the-counter medications
CONTINUE READING BELOWRecommended VideosTanungin ang pharmacist kung makakatulong ang pag-inom ng paracetamol o di kaya ibuprofen cough syrup, pati na ang pagsipsip ng lozenges para sa sore throat ng bata.
Iwasan ang pagtikham (clearing of throat)
Nakasanayan na ang pagtikham (clearing of throat) kapag makati ang lalamunan, nauubo, o di kaya minamalat. Maling gawain pala itong pagpilit na matanggal ang kung ano mang iritasyon sa lalamunan.
Paliwanag ng mga eksperto, nakakasama at nakakalala pa ang pagtikham (clearing of throat) dahil sa nalilikha nitong abnormal vibration ng vocal cords at lalo pang mamamaga ang mga ito. Lumulon na lang daw upang mabawasan ang plema o mucus sa lalamunan.
Kapag hindi bumuti ang pakiramdam ng anak bagkus lumala pa, bilin ng mga eksperto na komunsulta na sa doktor. Sa ganyang paraan talaga matutukoy ang kalagayan ng bata at mabibigyan siya ng gamot sa paos na boses at iba pang karamdaman.
0 Comments