5 Senyales Na Apektado Ka Ng Parental Burnout

  • Editor’s Note: Ang sumusunod ay for educational at informational purposes lamang. Huwag pong gamitin ito na kapalit ng doktor. Mahalaga na kumunsulta sa doktor para sa medical advice na bagay sa pangangailangan mo.

    Ngayong COVID-19 pandemic, maraming nabago sa ating pamumuhay at marami ring nadagdag na alalahanin. Kaya maaaring tumaas ang bilang ng mga nakararanas ng parental burnout. Pero may mga paraan din naman paano maiiwasan ang stress.

    Ano ang parental burnout?

    Tinatawag na parental burnout ang lubhang pagkapagod na nararamdaman ng isang magulang habang ginagampanan ang kanyang mga tungkulin. Sabi ng American experts na sina Jasmin S. Searcy-Pate, Ph.D. at Erlanger A. Turner, Ph.D. sa Psychology Today, lumala ang kaso ng parental burnout dahil sa pandemic.

    Binanggit nila ang datos mula sa Stress in America Survey na inorganisa ng American Psychological Association. Lumabas doon na 8 sa 10 Americans ang nagsabing nakararanas sila ng emotional stress (47% anxious, 44% sad, 39% angry)

    Sabi pa nila na ang high levels ng stress sa mahabang panahon ay nadudulot ng psychological burnout. Kaya mainam daw na malaman ang mga palatandaan ng parental burnout.

    Mga senyales ng parental burnout

    Sabi ng iba pang mga eksperto, may ilang paraan upang malaman mo kung dumadaan ka nga sa sobrang stress bilang magulang.

    Madalas na pagsigaw sa mga anak at pagkagalit sa asawa

    Napapansin mo ba na umiiksi ang pasensya mo sa iyong asawa at inyong anak o mga anak? Parang konting kibot, umiinit ang ulo mo kaya napapasigaw kang bigla sa kanila. Minsan tuloy napapaisip ka na sana mas mabuti o better pa ang asawa mo.

    ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW

    Kung napapadalas iyang mangyari, babala ng mga eksperto na baka parental burnout na nga. Subukan mo raw na kausapin o mag-open up sa iyong asawa at humingi ng tulong. Alalahanin na magkatuwang kayong dalawa sa mga responsibilidad sa pamilya at gawain sa bahay.

    May iba ka pang puwedeng gawin kung paano maiiwasan ang stress:

    • Babaan ang expectations
    • Huwag masyadong pahirapan ang sarili
    • Tanggapin na nangyayari minsan ang mga pagkakamali

    Nais gumawa ng malaking pagbabago sa buhay

    Napapaisip ka ba ng buhay na walang asawa at anak? Gusto mo na lang ba na magpahinga hanggang gusto mo, parating alagaan ang sarili mo, at mas makasama ang mga kaibigan mo?

    Minsan daw kasi kapag nakikita tayo ng “perfect lives” ng mga tao sa social media, kahit hindi naman talaga natin sila kilala, nakakaramdam tayo ng pagkukulang sa sarili nating buhay. Kapag madalas iyang mangyari sa iyo, makakatulong daw kung mag-refocus at bigyan ng panahon iyong sarili.

    Sobrang pag-iisip o overthinking

    Nahuhuli mo ba ang iyong sarili na malalim ang iniisip at maraming tumatakbo sa isip? Malimit ka rin bang magpagpalit-palit ang mga dapat gawin at kinukulang sa oras?

    Nakakapagod daw kasi talaga ang sobrang pag-iisip o overthinking. Imbes daw na magalit ka sa sarili, bigyan mo ng pansin ang ano mang na-achieve mo sa isang araw. Huwag din daw ma-guilty sa pagsasabi ng “hindi” o “no” para lumawag ang iyong pakiramdam.

    Hindi binibigyan ng prayoridad ang sariling kalusugan

    Nakakaramdam ka ba ng sobrang pagkapagod at pagkaubos ng lakask kahit sapat naman ang tulog mo? Ang stress daw kasi ay nakakabigat ng pakiramdam at nakakabagal ng pagkilos.

    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

    Paalala ng mga eksperto na nakakaapekto ang lagay ng iyong kalusugan sa iyong mood. Payo rin nila na piliin ang healthy lifestyle at bigyan ang sarili ng tamang pahinga.

    Walang gana sa ginagawa o emotionally detached

    Nawawalan ka ba ng ganang gawin ang mga bagay na dating nagpapasaya sa iyo? Hindi mo na ba nararamdaman ang saya ng pagiging magulang at hindi mo na napaparamdam ang pagmamahal sa iyong anak?

    Suhestiyon ng mga eksperto na gawin parati ang mindfulness. Isa itong mental state kung saan nakatuon ang atensyon sa kung anong nangyayari ngayon habang mahinahon na tinatanggap kung ano man ang iniisip at nararamdaman.

    May mga pag-aaral daw na nagsasabing nababawasan ng mindfulness ang panganib ng burnout at problema sa mental health. Isa pang paraan kung paano maiiwasan ang stress ang paglayo muna sa social media upang matuunan ng pansin ang sarili. (Basahin dito ang iba pang tips.)

    What other parents are reading

Post a Comment

0 Comments