Kailan Dapat Mabahala Sa Malakas Na Paghilik Ng Bata, Ayon Sa Mga Eksperto

  • Editor’s Note: Ang sumusunod ay for educational at informational purposes lamang. Huwag pong gamitin ito na kapalit ng doktor. Mahalaga na kumunsulta sa doktor para sa medical advice na bagay sa pangangailangan mo.

    Kapag mahimbing ang tulog, kadalasang napapahilik kahit bata pa. Pero minsan nakakabahala para sa magulang na malakas pang humilik ang anak sa kanya. Kaya hindi maiiwasan na magpaisip ng gamot sa malakas humilik.

    Bakit napapalakas ang paghilik?

    Nagbigay ng paliwanag si Dr. Sally Victoria King, isang pediatrician, sa dati niyang panayam sa SmartParenting.com.ph. Aniya, ang paghilik (snoring) ay isang kondisyon kung saan nagkakaroon ng pagbara sa paghinga habang natutulog. Kasabay nito ang pagbara ng hangin na dumadaloy sa likurang bahagi ng bibig.

    Kung paminsan-minsan lang ang paghilik ng bata, wala raw dapat ikabahala dahil normal itong nangyayari, Katunayan, ayon sa mga eksperto ng Sleep Foundation sa United States, 27% ng mga kabataan ay nakakaranas ng “minor, occasional snoring” at hindi naman apektado ang kanilang kalusugan.

    Pero, paalala ni Dr. King, mainam na bantayan ng magulang ang malakas at madalas na paghilik ng anak. Baka kasi may malalim na dahilan na sangkot ang daloy ng oxygen papunta sa utak at puso ng bata. Makakatulong daw kung komunsulta sa doktor.

    Mga posibleng dahilan ng malakas na paghilik at mga remedyo

    Nagbigay si Dr. King ng mga posibleng dahilan kung bakit napapalakas at napapadalas ang paghilik:

    • Severe respiratory infection (tulad ng sipon o di kaya tonsilitis)
    • Allergy attack (tulad ng chronic allergic rhinitis), kaya namamaga ang paligid ng nasal passages at dumadami ang nagagawa nitong plema
    • Asthma exacerbations o paglala ng hika sa gabi
    ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW

    Magagamot ang simpleng paghilik gamit ang niresetang decongestants o antibiotics, pati na ang pag-inom ng antihistamine. Makakatulong din daw kung iiwasan ang mga bagay na nagdudulot ng allergy sa bata. Kaya dapat daw alam ng magulang ang  allergens ng anak.

    Isa pang paraan para matulungan ng magulang ang anak sa malakas na paghilik ay siguraduhin ang sleep hygiene. Halimbawa nito, sabi ng mga eksperto, ang pagsunod ng bata sa kanyang sleep schedule, pagbawas ng light exposure, at pagbawal sa screen time para makatulog siya kaagad nang maayos.

    (Basahin dito at dito para sa tips ng mahinbing na tulog ng bata.)

    Kailan dapat mabahala sa malakas na paghilik

    Nagiging mapanganib ang malakas na paghilik, sabi pa ni Dr. King, kung sintomas na pala ito ng obstructive sleep apnea syndrome (OSAS). Sa ganyang kondisyon, gumuho na ang daluyan ng hangin sa katawan ng bata kaya hindi na siya makahinga.

    Ang nangyayari raw tuloy, lubhang bumababa ang oxygen level at tumataas naman ang carbon dioxide level habang natutulog ang bata. Kaya bigla siyang nagigising sa kalaliman ng gabi para lang makahinga.

    Ang madalas na paggising ng bata sa gabi at kakulangan niya sa tulog ay maaaring magdulot ng pananakit ng ulo, pagkakaroon ng emotional problems, at pagdurusa mula sa learning disabilities.

    Babala pa ni Dr. King na kapag hindi naagapan ang OSAS, malaki ang posibilidad na hindi na tumangkad ang bata at magkaroon pa siya ng sakit sa puso at hypertension. Bukod sa paghilik, maaaring sintomas ng OSAS sa bata ang pagkakaroon ng malaking tonsil at adenoids kaya bumabara ang airway passages.

    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

    Tataas din daw ang tyansa na magkaroon ng OSAS kung ang bata ay nakakaranas ng:

    • Obesity
    • Allergies
    • Asthma
    • Gastroesophageal reflux disease (GERD)

    Gamot sa malakas humilik

    Kung may hinala ang magulang na malakas humilik ang anak dahil sa sleep apnea, kaagad komunsulta sa doktor upang mapatingin ang bata sa isang sleep specialist. Maaaring irekomenda ng ispesyalista na sumailalim ang bata sa overnight sleep study na tinatawag din na polysomnography.

    Kapag OSAS ang diagnosis sa bata, mainam daw na matignan naman siya ng pediatric ENT surgeon para sa operasyon na adenotonsillectomy. Sabi ni Dr. King, maraming mga bata ang gumagaling sa sleep apnea pagkatapos nilang sumailalim sa operasyon bilang gamot sa malakas humilik.

    What other parents are reading

Post a Comment

0 Comments