-
Welcome to Real Parenting, a space where parents can share the joys, pain, and the mess of parenthood. Want to get something off your chest? Share your parenting journey? Email us at smartparenting2013@gmail.com with the subject “Real Parenting.” Click here to read more ‘Real Parenting’ stories.
“Kung wala kami kay Lord ngayon, wala. Patay na ako. Hindi ko na kinaya. Alam mo yung laos ka na, pinag-uusapan ka pa.”
Ito ang madamdaming pahayag ng komedyanteng si Bearwin Meily tungkol sa matinding dagok na dinaanan ng kanyang pamilya nang mawalan siya ng regular na kita sa telebisyon.
Bago pa man tumama ang pandemya sa bansa, nagkaproblema sa pinansiyal si Bearwin dahil hindi niya alam kung saan maghahagilap ng pera pantustos sa pamilya.
Huling proyekto ni Bearwin ay ang Kapamilya sitcom na Home Sweetie Home noong 2018.
Dagdag pa rito ay natalo si Bearwin nang kumandidato siya sa pagkakonsehal noong May 2019 elections.
Kinuwento niya ito sa vlog ni Ogie Diaz noong May 23.
Lahad ni Bearwin: “Hindi pa man nagpa-pandemic, tumakbo akong konsehal sa Taytay. Hindi rin naman pinalad.
“So, at first, maghahagilap ka. At first, wala ka naman ibang aasahan dito. Walang industriya. Walang trabaho. Hindi ka nanalo.
“Wala kang ibang kakapitan kundi ang Diyos.”
Bearwin sells dream house
Masakit daw ang prosesong dinaanan ni Bearwin dahil kinailangan niyang isuko ang dream house na pinundar para sa pamilya.
Sa puntong ito, nabasag ang boses ng komedyante habang inaalala ang bagay na mahalaga para sa kanya.
Ani Bearwin, “Nakabili ako ng bahay before pandemic…
ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW“After mo maghagilap, after mo mamroblema sa mga bayarin, you surrender. Yun ang mahirap. Masarap pakinggan, pero mahirap gawin.”
Pag-amin pa niya, “Yung surrender in a sense na kahit hindi mo matanggap na ibebenta mo ang bahay mo, ibebenta mo.
“One thing, wala kaming pambayad. Kesa maremata ng banko, binenta ko.”
Aminadong nilunok ni Bearwin ang kanyang pride nang magdesisyon siyang ipagbili ang dream house ng pamilya.
“Well, siyempre, lalo kami ni Lara, dream house namin yun,” saad ng komedyante.
Ang tinukoy niyang Lara ay ang kanyang maybahay. Mayroon silang dalawang anak na lalaki.
Sabi pa ni Bearwin tungkol sa binentang bahay, “Nung ginagawa yun, kasama mga anak ko designing the house. Lahat yun.
“Siyempre masakit yun.
“Hindi na kinaya para makabili kami ng bahay. So, nagre-rent na lang kami ngayon.”
What Bearwin got in exchange of selling the house
Nawalan man ng bahay, nanatiling positibo ang pananaw ni Bearwin sa buhay.
“Hindi mababayaran yung blessing na spiritual na nanggagaling sa Diyos. Lagi dun ako kumakapit.
“On the other side of the story, nagre-rent kami pero hindi kami masyado naghahagilap.
“Kung dati stressed na stressed ka, ngayon when you surrender everything sa Diyos, tanggap mo yung sitwasyon.
“Na hindi ka ngarag, hindi ka naghahabol sa sitwasyon, kasi nangungupahan ka na lang.
“Not like bahay na malaki, naka-loan yun, e, malaki talagang halaga.”
Kuntento si Bearwin sa simpleng buhay nila ngayon ng kanyang pamilya.
Sinserong paliwanag ng komedyante: “People will disappoint you, but God never will. Kahit wala kang pera, magkakaroon ka pa rin ng kasiyahan.
CONTINUE READING BELOWRecommended Videos“And sobrang happy ako. Asawa ko nagmamahalan kami. Hindi kami nagkakaroon ng malaking problema. Mga anak ko, okay din.
“Kahit na nawalan kami ng bahay, pero kung alam namin saan kami papunta at yung direksiyon na puwede namin tingnan na mas maganda kesa sa problema, mas magiging magaan yung buhay.”
No shortcuts
Muling napaluha si Bearwin habang binibigkas ang mahahalagang aral na natutunan niya.
Kung wala raw siyang pananampalataya sa Diyos, “Wala na. Patay na ako ngayon. Hiwalay na kaming mag-asawa.”
Wala rin daw siyang regret kahit natalo siya noon sa 2019 elections. Pangsiyam siya noon sa ranking, pero walo lamang ang nanalong konsehal.
Naniniwala raw si Bearwin na hindi talaga para sa kanya iyon.
Patuloy niya, “It’s a process, e. It’s not an easy path na dadaanan mo.
“Sabi nga nila, life is a marathon. It’s not a sprint na su-shortcut-in mo. No way! Napakahirap.”
Pagkasambit nito, makikitang umaliwalas ang mukha ni Bearwin nang igiit niya ang biyayang tinatamasa ngayon.
Lalo pa’t nakapagpundar siya ng munting negosyo na corndog shop sa Taytay. Siya mismo ang nagluluto at tumatao sa maliit niyang shop doon.
Huling mensahe ni Bearwin: “But you know, kapag lumapit ka sa Diyos, hindi kalungkutan yung ibibigay Niya sa iyo.
“Naiiyak ako, of course. It’s human nature na nalulungkot ako from the past.
“But where I am right now, it’s a big blessing compared to others.
“Seeing my family, my kids growing up, napag-aral ko sila nang maayos, sa hirap, sa tiyaga.
“Naghuhugas ako, nagbebenta ako, nagluluto ako. May mga permit ako. Legal lahat, alam ng Diyos.
ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW“Kahit kailan hindi nagkulang sa amin ang Diyos.”
This story originally appeared on Pep.ph.
*Minor edits have been made by the SmartParenting.com.ph editors.
0 Comments