-
Editor’s Note: Ang sumusunod ay for educational at informational purposes lamang. Huwag pong gamitin ito na kapalit ng doktor. Mahalaga na kumunsulta sa doktor para sa medical advice na bagay sa pangangailangan mo.
Ang eczema ay isang klase ng sakit sa balat kung saan nanunuyo (nagde-develop ng dryness), nagkakaroon ng rashes, at nangangati ang apektadong bahagi. Minsan, tinatawag din itong “skin asthma,” pero hindi talaga ito ang tamang pangalan ng skin condition na ito.
Mas madalas na magkaroon ng eczema ang mga bata. Sa katunayan, maraming mga baby ang nagkakaroon ng sakit na ito bago pa man sila mag-1 year old. Dagdag pa rito, madalas na sa mukha nagkakaroon ng eczema ang mga baby at toddlers. Pero marami rin namang sitwasyon kung saan matanda na ang pasyente bago nag-manifest ang eczema.
Sa kasamaang palad, chronic o pangmatagalan na ang eczema. Pwedeng mawala ito nang mahabang panahon, tapos ay biglang magkakaroon ng flare-up na minsan ay kasabay ng panahon (halimbawa, kapag summer at madalas mababad sa pawis ang balat). Marami ring tao na may eczema na meron ding ibang allergy, katulad ng hika at allergic rhinitis.
Ang good news naman ay maraming simpleng paraan para ma-manage ang kondisyon para hindi na ito lumala. Minsan nga, tamang pagmo-moisturize lang ng balat ang kailangan para hindi maging madalas ang flare-ups ng eczema.
Iba’t-ibang characteristics at sintomas ng eczema
Ang pinaka-common na sintomas ng eczema ay ang pangangati ng balat, na may kasamang panunuyo at pamumula. Dahil sa rashes, pwede ring maging flaky o makaliskis ang balat. Kapag kinamot ang balat na may eczema, pwede rin itong gumaspang at magkaroon ng sugat.
ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOWHalos lahat ng parte ng katawan ay pwedeng magkaroon ng eczema, pero mas madalas ito sa anit, pisngi, at leeg ng mga bata. Karaniwan ding nagkaka-rashes dahil sa eczema ang mga braso, loob ng siko, alak-alakan, at singit. Kung mapapansin, ang mga body parts na ito ay madalas pawisan at makulob sa init.
Bukod sa mga nasabi na sa itaas, meron pang ibang sintomas ang eczema katulad ng mga sumusunod:
- pula o kaya ay parang brownish-gray patches sa balat
- makapal at makaliskis (scaly) na balat
- cracked skin
- dry skin sa paligid ng parteng may eczema
- maliliit na butlig na nagtutubig kapag kinamot
- madilaw na fluid sa nanunuyo sa balat
Pinaka-importanteng bantayan ang huling symptom sa listahan, dahil senyales ito na infected na ang sugat. Sa kaso ng mga bata, pwede silang lagnatin kasabay ng pagsusugat ng eczema. Kumonsulta agad sa doktor kapag nangyari ito para mabigyan agad ng gamot.
Tandaan na pwede ring magkaroon ng komplikasyon ang eczema. Marami dito ang pwedeng maiwasan, pero meron ding kaso na hindi na mapipigilan. Halimbawa, maraming mga bata na merong eczema ang nagkakaroon ng allergic rhinitis o kaya naman ay asthma sa pagtanda nila.
Ilan pang pwedeng complication ng eczema ay skin infections dahil sa pagsusugat ng balat, neurodermatitis (isang klase ng eczema kung saan umiitim at kumakapal ang balat na paulit-ulit kinakamot), at allergic contact dermatitis. Pwede ring magkaroon ng sleep problems ang mga taong may eczema dahil sa sobrang irritation at pangangati.
Mga pwedeng gamot sa eczema
Para malaman kung ano ang pinaka-effective na gamot para sa eczema, mas mabuting magpakonsulta sa doktor, dermatologist, o allergologist. Depende sa lala o severity ng kondisyon, pwede kang bigyan ng dalawa o higit pang treatment.
CONTINUE READING BELOWRecommended VideosMeron ding mga home remedy para sa allergic reactions para mabawasan ang pangangati, katulad ng cold compress. Okay ito para sa mga bata para mapigilan ang pagkamot sa balat at maiwasan ang pagsusugat.
Tandaan na chronic o paulit-ulit ang eczema at hindi na tuluyang mawawala. Kaya naman tuloy-tuloy dapat ang pag-inom o paggamit ng mga gamot o treatment na nakalista sa ibaba. Syempre, dapat sundin ang tamang dosage at iba pang instructions para mas effective ang mga ito.
Pagmo-moisturize sa balat
Ito ang pinaka-recommended na treatment para sa mga batang may eczema, lalo na sa mga baby. Kapag kasi masyadong tuyo ang balat, mas tumataas ang risk na ma-trigger ang eczema. Kasama sa mga magagandang pang-moisturize sa balat ang mga lotion at lightweight oils.
Over the counter (OTC) na gamot laban sa allergies
Ang mga antihistamine ay may kakayahang pigilan ang epekto ng histamine, na nagdudulot ng mga allergic reactions tulad ng pangangati. Ilan sa mga sikat na OTC antihistamine ay cetirizine, diphenhydramine, at loratadine. Side-effect ng mga gamot na ito ang drowsiness kaya naman hindi dapat uminom nito kung kailangan mag-focus (halimbawa, sa school o kaya sa trabaho)
Creams at ointments
Merong mga low-potency steroid creams at ointments na pwedeng gamitin para mabawasan ang pangangati at pangangaliskis ng balat. Kung hindi na effective ang low-potency steroids, pwede kang bigyan ng reseta para sa mas matapang na steroidal cream o ointment. Sundin ang instructions ng high-potency steroids dahil pwedeng numipis ang balat kapag hindi tama ang paggamit ng mga ito.
ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOWAntibiotic
Kapag nagkaroon na ng infection sa balat, topical o oral antibiotic ang gamot para rito. Gaya ng high-potency steroids, dapat sundin nang mabuti ang instructions sa paggamit ng antibiotics para maging effective ito.
Phototherapy
Para sa mga matatanda, pwedeng maging effective ang phototherapy kung saan gumagamit ng ultraviolet light para hindi ma-trigger ang eczema. Nakakatulong din ang phototherapy para hindi magkaroon ng skin infections.
Pag-iwas sa stress
Nakaka-trigger at nakakapag-palubha ng mga sintomas ng eczema ang sobrang stress. Para maiwasan ito, humanap ng activities na nakaka-relax. Nakakatulong din ang sapat na tulog para maiwasan ang sobrang stress.
Maliban sa phototherapy at stress management, halos pareho lang ang mga recommended treatments para sa eczema ng mga bata at matanda. Nag-iiba lang ang dosage ng gamot depende sa edad at sa lala ng kondisyon.
Mga sanhi at risk factor ng eczema
Ayon sa mga research, may kinalaman ang eczema sa mali o sobrang immune response ng katawan sa mga irritants. Meron ding findings na may gene variation na nakakaapekto sa kakayahan ng balat na bigyan ng protection ang sarili laban sa mga allergens, bacteria, at iba pa.
Sinasabi rin na merong leaky skin barrier ang mga taong may eczema. Ibig sabihin nito, mas mabilis makatakas ang tubig at moisture sa balat, kaya natutuyo ito at mas mabilis makapasok ang mga bagay na nagdudulot ng irritation at pangangati. Sa mga bata naman, minsan ay nagiging sanhi ng eczema ang mga food allergy.
Katulad ng nasabi kanina, mas madalas magkaroon ng eczema ang mga bata. Bukod sa edad, meron pang ibang mga risk factor ang skin condition na ito, katulad ng mga sumusunod:
- family history ng eczema, allergic rhinitis, hika, at iba pang allergies
- paninirahan sa lugar na maraming triggers, katulad ng alikabok at balahibo ng hayop
- paninirahan sa lugar na mainit at mataas ang humidity
ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOWPaano iwasan ang eczema
Para maiwasan ang matinding pangangati dulot ng eczema, dapat din iwasan ang mga triggers katulad ng mga sumusunod:
- alikabok
- balahibo ng hayop
- pollen
- mga magaspang na tela
- usok
- mga chemical na pampabango na matatagpuan sa mga sabon, laundry detergent, pabango, at iba pa
- usok
- sobrang init
- pawis
Bukod dito, narito pa ang ilang tips para maiwasan ang flare-ups:
- I-moisturize ang balat. Pwedeng gumamit ng lotion, cream, ointment, at iba pa, depende kung ano ang hiyang sa iyo. Para sa mga baby, pwedeng makatulong ang petroleum jelly.
- Huwag masyadong tagalan ang paliligo dahil nakakatuyo ito ng balat. Dagdag pa dito, huwag gumamit ng masyadong mainit na tubig sa paliligo. Okay na ang maligamgam o kaya ay “patay-lamig” na tubig.
- Gumamit ng mga mild na sabon.
- Siguraduhing tuyo na ang balat bago magbihis.
- Labahan muna ang mga bagong damit bago suoting para matanggal ang mga irritants.
- Magsuot ng maluwag at preskong damit.
- Iwasan ang matuyuan ng pawis.
- Maglagay ng sunscreen na may SPF 30 sa tuwing lalabas at mae-expose sa araw.
- Kung magsu-swimming, maligo o magbanlaw agad pagka-ahon para matanggal ang mga chemical at iba pang mga irritant mula sa balat.
- I-maintain ang kalinisan ng paligid. I-vacuum ang mga carpet, sofa, kama, at mga unan para matanggal ang dust mites.
- Maghugas ng kamay bago hawakan ang balat. Gupitin rin ang mga kuko sa kamay para hindi makasugat kung sakaling makamot ang eczema.
- Iwasan ang mga pagkain na nakaka-trigger ng pangangati.
- Magpahinga at matulog nang sapat para hindi tumaas ang stress levels.
ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOWIba’t-Ibang uri ng eczema
Maraming klase ng eczema, kasama na rito ang atopic dermatitis na siyang pinaka-common form ng skin condition na ito. Sa katunayan, dahil karamihan sa mga may eczema ay atopic dermatitis ang sakit, halos nagiging interchangeable na ang dalawang terminology na ito.
Ang iba pang uri ng eczema ay ang mga sumusunod:
Contact dermatitis
Contact dermatitis ang tawag sa eczema kung saan namumula at nangangati ang balat kapag nadidikit sa mga bagay katulad ng ilang mga metal o kaya ay latex.
Hand eczema
Ito ay isang kondisyon kung saan kamay lang ang nagkakaroon ng irritation, rashes, at pangangati. Madalas makita ang hand eczema sa mga taong exposed ang mga kamay sa iba-ibang irritants katulad ng mga nagtatrabaho sa mga salon o laundry.
Dyshidrotic dermatitis
Imbes na rashes, blisters o mga paltos ang namumuo sa mga merong dyshidrotic dermatitis. Makikita ang mga paltos na ito sa mga kamay at paa. Pangkaraniwang sanhi ng sakit na ito ang pamamawis ng mga kamay at paa, pari na rin ang exposure sa nickel, cobalt, at iba pang katulad na materials.
Nummular eczema
Ang salitang “nummular” ay galing sa wikang Latin na ang ibig sabihin ay “coin.” Sa kondisyong ito, nagkakaroon ng mga rashes na hugis barya ang balat. Kung meron kang atopic dermatitis, malaki ang risk na magkaroon ka rin ng nummular eczema.
Nabanggit din kanina na pwedeng maging komplikasyon ng eczema ang neurodermatitis, kung saan kumakapal at nangangaliskis ang balat. Madalas makita ito sa braso, binti, batok, anit, likod ng kamay, talampakan, at singit.
ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOWMeron ding tinatawag na stasis dermatitis kung saan may lumalabas na fluid galing sa mga ugat papunta sa balat. Ang fluid na ito ay pwedeng magdulot ng pamumula, pamamaga, at pangangati. Madalas itong mangyari sa mga binti, at mataas din ang risk na magkaroon ng varicose veins ang mga merong stasis dermatitis.
Sources:
Mayo Clinic, Healthline (Eczema), Healthline (Types of Eczema), NHS, American Academy of Allergy, Asthma & Immunology
0 Comments