Best Age Na Matuto Ang Brain Ng Pangalawang Wika: 0 Hanggang 3 Years Old

  • Isa ka rin ba sa mga nanay na nagnanais maging multilingual ang anak? Sa umpisa, tila mahirap itong gawin ngunit may mga makapagpapatunay na posible at kayang-kaya ito. At isa pang, maraming naidudulot na benefits ang pagiging bilingual o multilingual sa isang tao. Ang mga marunong ng iba’t ibang wika ay mayroong mas mataas na kumpiyansa sa sarili at kayang makihalubilo sa iba, anuman ang lahi at estado sa buhay.

    Sa Pilipinas, normal na ang pagkakaroon ng mga anak na bilingual dahil ang mga magulang ay marunong ng dalawa o higit pang wika. Kadalasan, Tagalog at ang dialect mula sa probinsya ng magulang ang ginagamit sa bahay. Sa ganyan sitwasyon, third language na ang English.

    Language learning

    Sa edad na 0-3 months mabilis na natututo ng tinatawag na functional communication ang iyong anak. Ayon sa mga pag-aaral, nakabubuti para sa mga bata ang matuto ng dalawa o higit pang mga wika sa mura nilang edad. Mas nagiging matalas pa ang memorya sa language learning.

    “At 3-6 months, there is abstract phonological knowledge,” paliwanag ng researchers mula sa Max Planck Institute for Psycholinguistics ng Netherlands sa Live Science.

    “Science indicates that babies’ brains are the best learning machines ever created and that infants’ learning is time-sensitive. The brains will never be better at learning a second language than they are between 0 and 3 years of age,” paliwanag ni Patricia Kuhl, co-director ng I-LABS, at professor ng Speech and Hearing Sciences.

    Isang mabisang paraan para sa language learning ang tinatawag nilang “parentese,” kung saan mas mataas na pitch ang ginagamit, exaggerated ang intonation, mas mabagal ang pagsasalita, at mas matagal ang pause o pagtigil sa pagitan ng mga salita. Nagbibigay rin ito ng sapat na panahon sa sanggol upang mag-react sa narinig.

    ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW

    Basahin dito ang karagdagang tips mula sa mga nanay kung paano nila tinuturuan ang kanilang mga anak ng iba-t-ibang wika.

    Tandaang mainam kung sisimulan mo nang maaga! At kahit nasa sinapupunan mo pa lamang ang iyong baby. Mag-umpisa ka nang i-expose siya sa mga wikang gusto mong matutuhan niya.

    Multilingual learning

    Upang matuto ng isang wika pagdating sa multilingual learning, kailangang makahanap ng source ng natural communication. Dito pumapasok ang kahalagahan ng immersion o direktang pakikisalamuha sa gumagamit ng wika.

    Ayon sa mga linggwistika, mayroong mahahalagang pagkakaiba ang pag-acquire ng wika at ang pag-aaral dito. Mas natural ang language acquisition. Hindi pilit, walang striktong format kung paano ituturo. Conversational lamang.

    Kung ano ang wikang unang narinig ng sanggol, ito rin ang una niyang matututuhan mula sa mga tunog na kanyang naririnig. Innate capacity na ang maka-acquire ng anomang wika lalo na habang sanggol pa lamang o bata pa.

    Habang baby pa ang anak, nagsisimula na ang mga magulang sa pagtuturo ng mother tongue. Sa mga Pinoy, mayroong mga nagsisimula sa English dahil naniniwala silang mas dapat na dito maging mahusay ang kanilang anak. Mayroon naman nagsasabi na mahalaga na matuto muna ng native tongue dahil mas magiging mahusay siya na mag-translate sa anumang wika.

    Ang basic need para makapag-communicate o maipaalam niya sa magulang ang kailangan, tulad ng gatas o pagpapalit ng lampin, ang daan para sa language acquisition. Mayroon ding pag-aaral na nagsasabi ring sa tatay mas natututo ng bagong mga salita ang anak. Sinasabi rito na kahit mas gusto ng sanggol ang boses o tinig ng nanay, mas lumalawak ang kanyang bokabularyo sa tulong ng kanyang tatay.

    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

    Sa edad na 5 taong gulang, malinaw na rin siyang nakapaglalahad ng sariling mga ideya at kanyang nararamdaman. Nakatutulong din ang pagbabasa upang matuto ang bata ng wika.

    Tandaang mahalagang may pang-araw-araw na pakikipag-usap at hindi kailangang pagtuunan ng pansin ang grammar o form. Nasa mga salita at kahulugang nakakabit ang dapat bigyang diin. Mas kailangang siguraduhing may pagmamahal at kalidad ang bawat interaction ninyo ng iyong anak.

    Hindi malilito ang bata na kausapin siya ng iba’t-ibang wika

    Hindi rin kailangang mag-alala na malilito ang iyong anak kung dalawa o higit pa ang ginagamit niyang wika. Automatic na alam ng mga bata na ang dalawang magkaibang mga salita ay may iisang kahulugan lamang. Nagkaiba lamang sa wikang pinanggalingan. Basahin ang artikulong ito para sa mga detalye.

    Tandaang sa tahanan din higit na matututuhan ng iyong anak ang anumang wika habang siya ay bata pa. Mula man ito sa iyo o sa ibang miyembro ng inyong pamilya, o sa mga palabas na kanyang napapanood, at mga aklat na kanyang binabasa.

    Bukod sa pursigidong matuto ang mga bata sa murang edad, mas nagmamarka ang kanilang natututuhan sa panahong ito.

    Nabubuhay rin tayo sa panahong global citizens na kung ituring ang kabataan at ang susunod pang mga henerasyon, Malaking tulong kung hindi lamang iisa o dalawang wika ang ating nalalaman at kayang gamitin.

    What other parents are reading

Post a Comment

0 Comments