5 Sintomas Na Hindi Mo Namamalayan May Problema Ka Na Pala Sa Kidney

  • Editor’s Note: Ang sumusunod ay for educational at informational purposes lamang. Huwag pong gamitin ito na kapalit ng doktor. Mahalaga na kumunsulta sa doktor para sa medical advice na bagay sa pangangailangan mo.

    Nahahanay ang chronic kidney disease, kasama ng hypertension at diabetes, sa mga top comorbidity sa maraming COVID-19 patients. Kaya payo ng mga eksperto na bantayan ang mga sintomas ng kidney problem.

    Nagmula ang findings sa study na nailathala sa Philippine Journal of Internal Medicine, kung saan lumabas na 63% ng mga tinamaan ng coronavirus na kanilang sinuri ay may comorbidity.

    Hindi na kataka-taka na kabilang ang mga taong may comorbidity sa priority list para sa COVID-19 vaccine program bilang Category: A3, base sa National Deployment and Vaccination Plan na dinesenyo ng Department of Health (DOH).

    Mga dapat malaman tungkol sa kidney

    Ang kidney, na tinatawag din ng mga Pinoy na bato, ay isang pares ng internal organ na may napakahalagang papel sa urinary o renal system, ayon sa National Kidney and Transplant Institute (NKTI).

    Matatagpuan ang isa sa kanila sa magkabilang parte ng spine, bandang ilalim ng rib cage. Ang bawat kidney ay halos kasing laki ng kamao at may bigat na 0.25 lbs (113.39 grams). Magkahalong pula at brown ang kanilang kulay, habang mala-buto o bean ang kanilang hugis.

    Ang mga pangunahing tungkulin ng kidney ay:

    • Pagsala ng mga dumi sa katawan ng tao
    • Pag-regulate ng blood volume at blood pressure
    • Pagkontrol ng electrolytes at metabolites levels
    • Pag-regulate ng blood PH

    Mga sintomas ng kidney problem

    ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW

    Kadalasang nakakaramdam at nakakaranas ang mga pasyente ng ilang pagbabago sa kanilang pangangatawan na aakalaing sanhi ng ibang sakit.

    Pamamanas

    Dahil sa paghina ng kidney, sabi ng National Kidney Foundation (NKF) sa United States, nagkakaroon ng sodium retention, Kaya namamanas ang mga paa at bukung-bukong (ankles). Madalas rin daw ang pamamaga sa paligid ng mga mata na sanhi rin ng water retention o edema.

    Problema sa pag-ihi

    Ang ano mang pagbabago sa iyong pag-ihi ay posibleng may kinalaman sa problema sa kidney. Nariyan ang kirot na nararamdaman habang umiihi at napapadalas o di kaya nababawasan ang pagpunta mo sa banyo para umihi.

    Sabi pa ng mga eksperto, maaaring magbago ang kulay ng iyong ihi na parang dugo at puwede ring maging mabula ito. Ang itsura raw ng bula ay tila katulad ng bula na nakikita kapag nagluluto ng scrambled egg. Indikasyon daw ang bula ng protein na kilala bilang albumin.

    Madaling mapagod at hirap makatulog sa gabi

    Kapag malaki na ang pinsala sa kidney, nababawasan ang function nito. Nagkakaroon tuloy ng pagkakataon na mabuo ang toxins at iba pang impurities sa dugo. Kaya madaling mapagod at manghina ang pasyente, habang namumulikat pa ang muscles. Hindi rin siya makapag-concentrate sa kanyang gawain.

    Pagdating naman ng oras ng pagtulog, hindi dinadalaw ng antok ang pasyente. Kapag daw kasi hindi gumagana nang tama ang kidney, nananatili ang toxins sa dugo at hindi lumalabas kasama ng ihi. Nahihirapan tuloy ang katawan na magpahinga at makatulog.

    Tuyot at makating balat

    Bukod sa pagsasala ng waste at extra fluid, trabaho rin ng kidney ang pagtulong sa paggawa ng red blood cells, pagtibay ng mga buto, at pagmintina ng tamang bilang ng minerals sa dugo.

    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

    Kapag apektado na ang minerals at mga buto, kadalasang nagiging tuyot at makati ang balat. Ibig sabihin din nito, ayon pa sa mga eksperto, nasa advanced stage na ang kidney disease. Hindi na raw kasi nakakaya ng kidney na balansehin pa ang minerals at nutrients sa dugo.

    Walang ganang kumain

    Bagamat isa itong sintomas ng iba pang maraming sakit, puwede raw talagang mawalan ng ganang kumain dahil sa nabuong toxins na hindi na kinayang salain pa ng kidney.

    Bilin ng mga eksperto na komunsulta kaagad sa iyong doktor nang matignan ang mga sintomas ng kidney problem na iyong nararamdaman. (Basahin dito kung paano mapapangalagaan ang iyong kidneys.)

    What other parents are reading

Post a Comment

0 Comments