Pantay Ang Karapatan Ng Legitimate At Illegitimate Children Sa Paghingi Ng Suporta Sa Ama

  • Kapag nagkahiwalay ang mag-asawa o mag-partner, kadalasang naiiwan ang kanilang anak o mga anak sa nanay. Kaya maraming mommy ang nagtatanong tungkol sa sustento ng ama sa anak.

    Mga kadalasang tanong hinggil sa child support

    Tanong ng isang miyembro ng Parent Chat ng SmartParenting.com.ph: “Help naman po, mga sis. I am separated (not yet legally). I have 2 kids and both are with me. Ano po ang pwede kong hinging sustento sa asawa ko?

    “Wala pa naman siya family, kaya lang I want to secure my kids’ future. Ilang percent po ba ng salary niya ang pwede kong i demand or sa law po ba, ilang percent ng income niya ang dapat niya ibigay sa ‘min? I am also working nga pala.”

    Saad naman ng isa pang mommy: “My son is 5 years old now, and 3 years na rin kami hiwalay nung father niya. Hindi naman kame kasal, pero naka-apelyido po sa kanya ‘yung anak namin.

    ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW

    “Nung hindi pa kame nagkakahiwalay nung guy, okay naman s’ya as a father nung son ko. Binibigay naman niya lahat ng kailangan nung anak namen kahit noong buntis pa lang ako. Okay naman s’ya pagdating sa financial support sa bata.

    “Pero nung naghiwalay na kame, ayun na! Dumalang na ang pagbibigay niya ng sustento sa bata at pahirapan pa kung magbigay sya. Lalo na ngayong 5 years old na ‘yung son namen, as in hindi na s’ya nagbibigay kahit piso sa bata.

    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

    “Hindi ko naman pinababayaan ‘yung son ko kahit na magkakaron na rin ako ng bagong pamilya ngayon dahil magkaka-baby na rin kame ng partner ko ngayon. Binibigay ko pa din lahat ng kailangan at gusto ng 5-year-old son ko. Pero, di ba, may karapatan din naman ng son ko na makatanggap ng sustento sa father niya?”

    May batas hinggil sa sustento ng ama sa anak

    May payo si Judge Ma. Rowena V. Alejandria ng Regional Trial Court (RTC) Branch 121 sa Caloocan City sa mga mommy hingil sa paksa ng sustento ng ama sa anak.

    ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW

    “Maaari ito idaan sa pakikipag-usap sa tatay kung posible,” aniya sa kanyang panayam sa SmartParenting.com.ph. “Pag tumanggi, maaaring humingi ng assistance sa abogado upang mapadalan ng demand to support.”

    Dagdag pa niya hinggil sa tatay ng bata: “Pag hindi pa din ginampanan ang kanyang obligasyon na sumuporta, maaari na magsampa ng demanda. Ang demanda na maaaring isampa ay criminal case na violation of R.A. 9262 or kaya naman ay civil case for support.”

    Paliwanag ni Judge Alejandria na “mas marami ang nagsasampa ng criminal case dahil ito ay may kaakibat na pagkakakulong.” Pero diin niya na ang Republic Act 9262 ay tumutugon lamang  sa “di nagbibigay ng sustento o kaya naman deliberately giving insufficient support” ang tatay.

    Saad pa ng hukom, “Pantay ang karapatan ng legitimate at illegitimate children sa karapatan sa paghingi ng suporta dahil ang support ay batay sa pangangailangan ng bata at kakayahan ng magsusuporta, at di ayon sa civil status kung siya ay legitimate o illegitimate.”

    ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW

    Paglilinaw pa niya kung sino-sino ang saklaw ng batas: “Basta ikaw ay minor pa below 18 o di kaya naman ay more than 18 pero not gainfully employed o walang kakayahan buhayin ang sarili dahil may kapansanan.”

    Tungkol naman sa halaga ng dapat ibigay ng tatay, naaayon daw iyon sa kanyang kakayahan at sa pangangailangan ng kanyang anak na bibigyan ng sustento.

    Nagbigay ng halimbawa si Judge Alejandria: “Kung ang gastos ng bata sa isang buwan ay Php10,000, pero ang sweldo ng ama ay Php12,000 lamang, hindi kaya ibigay ng ama ang Php10,000. Dahil kailangan din maglaan para sa ibang pangangailangan ng ama tulad ng pagkain, transportation papuntang trabaho, etc.”

    Kaya bagamat obligasyon ang sustento ng ama sa anak, ayon sa batas, depende pa rin ang halaga nito sa kakayahan niyang magbigay ng suporta.

    What other parents are reading

Post a Comment

0 Comments